Chapter 3

237 9 5
                                    

Chapter 3

Nakahiga si Dice sa kanyang kama habang inaalalang mabuti ang mga napag-usapan nila ni Mr. Ybanez kagabi. Parang isang malaking tandang pananong ang bumuo sa isipan niya nang maalala niya muli ang kanilang pag-uusap.

Tila napakaimposibleng mangyari ang gustong mangyari ng matanda. At bakit siya pa ang napili? Alam niya sa sarili niya na kailangan niya ng pera at wala siyang pakialam sa ibang tao maliban sa mga tinuturing niyang pamilya ngunit makakaya niya kayang gawin IYON?

***

~FLASHBACK~

Isang ngisi ang binato nila sa isa't isa. Pero para kay Dice, kakaiba ang ngiti na ibinigay ni Mr. Ybanez. Isang ngiting may kakaibang kahulugan at may ibig iparating. Nangungusap ang mga mata nito.  Parang alam na niyang may iniisip itong kakaiba.

"Parang may kahulugan iyang ngiti mo ha? May kailangan ka ba sakin? May atraso ba ko sayo? May utang? Ano?"

Pero imbis na sagutin siya ni Mr. Ybanez tumingin ito kay Giraffe. Isang tingin na nagsasabing paalisin muna ang kanyang kaibigan.  

Umismid si Dice, "Dito lang si Giraffe. Kung may sasabihin kayo, sabihin niyo na. Alam kong marami pa kayong dapat gawin at ganun din ako kaya wag na kayo mag-aksaya ng oras."

Nagdadalawang-isip pa magsalita si Mr. Ybanez. Pero dahil kilala niya na rin ang pagkatao ni Giraffe dahil sa ginawa niyang imbestigasyon sa buhay ni Dice, naisipan niya na ring diretsuhin ang kanyang pakay sa binata.

"Very well, Julian Zachary Chase."

"Pano mo nalaman ang buo kong pangalan?!!", gulat na tanong ni Dice. Miski si Giraffe ay nagulat.  Unang beses pa lamang nila nakita ang matanda pero alam nito ang tunay na pangalan ni Dice. Tatlong tao lamang ang nakakaalam ng kanyang totoong pangalan. Ang kanyang nanay-nanayan, si Giraffe, at syempre si Savannah.

Mas gugustuhin niya na ang tatlong tao lang na iyon ang nakakaalam ng kanyang tunay na pangalan. Hindi siya komportable na may ibang taong nakakaalam nun dahil hindi siya nagtitiwala sa ibang tao. 

Napatawa ng bahagya si Mr. Ybanez. 

"I know everything about you Dice.  Wag na tayo magpaligoy-ligoy pa. Do you want to earn more money without any difficulties? Doble pa sa napapanalunan mo dito sa casino ko? All you have to do is work with me....... in making my daughter happy by granting her wish."

"At pano ko naman gagawin  iyon? Ang mapasaya ang anak mo?"

Tinignan ni Mr. Ybanez ang mga mata ni Dice. This time, mas lalong sumeryoso ang matanda.

"By pretending to be her long-lost brother..."

Napakunot ang noo ni Dice sa sinabi ng matanda. "Ano? Nasisira na ba ang ulo mo? Epekto ba yan ng pagiging matanda? Sarili mong anak lolokohin mo?! Ayoko. Hindi ko gagawin.  Maghanap ka ng iba na gagawa ng kalokohan mo dahil hinding hindi ako papayag sa gusto mo kahit bayaran mo pa ko ng triple."

Love at First SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon