Chapter 5
"Pano mo nalaman yan?"
Gulat na napalingon sa kanya ang lalaking sumisipol. Napahinto ito sa kanyang ginagawa at bahagyang tumaas ang isa nitong kilay. Pinagmasdan nito ang dalagang nasa harap niya ngayon. Tinignan niya ang dalaga simula ulo hanggang paa.
Masasabi niyang may taglay itong kagandahan. Napakaamo ng kanyang muka. Maliit at matangos ang kanyang ilong ngunit maputla ang mga labi nito. At ang mga mata ng dalaga ang nakapamangha sa kanya. Alam niyang may kakaiba rito.
"Nandyan ka pa ba?" pagtatanong ng dalaga.
Naputol ang pag-iisip ni Dice nang magsalita ang dalaga na nasa kanyang harapan. Lalong napataas ang kanyang kilay nang makita ang white cane na hawak nito.
"Bulag ka pala?" walang pagdadalawang isip na tanong ni Dice.
Napangiti lang si Azalea bilang tugon.
*Ay, shit* bulong ni Dice sa kanyang sarili at sabay ayos ng upo. Napamura si Dice sa isip dahil napagtanto niya na nakakainsulto ang tanong niya kahit obvious naman na bulag ang dalaga.
Lumapit si Azalea sa kinauupuan ni Dice at umupo. Umurong naman si Dice sa pinakasulok dahil naiilang siya dito.
Nakatanaw si Azalea sa malayo tulad ng ginagawa ng mga karaniwang bulag. Samantalang si Dice naman ay nakatulalang nakatingin sa dalaga. Pinagmamasdan niya ito mabuti.
"Ano itsura ng mga stars ngayon?" Nabalik sa wisyo ang binata dahil sa pagtatanong ng dalaga. Napagtanto ni Dice na matagal na siyang nakatingin sa babaeng katabi niya. Nakita niyang nakangiti ang dalaga habang tinatanong ang tungkol sa mga bituin. Napaiwas siya ng tingin dito at tumingin sa kabilang direksyon.
"A-ahmm. M-maganda." nauutal niyang sagot. Now he could feel sa uneasiness and tension at hindi niya alam kung bakit.
"Bakit ka nauutal?" tanong ni Azalea.
Napatingin muli si Dice sa babaeng ngayon ay nakatingin na sa kanya. Masyado siyang matanong. Sa tingin niya ay prangka ito. Ganito ba talaga ang mga bulag? Panay ang tanong dahil wala silang makita? Ginagamit ang bibig at tenga kapalit ng mga mata.
"H-ha? Wala." iniwas ni Dice ang tingin niya rito.
"Ahhh. Haha. So, what do the stars look like? Could you describe it for me? Maganda ba? Nagniningning ba sila ngayon? Madami ba? Dali na. :)"
Nakikita ni Dice sa mga mata nito ang pagkasabik. Ngayon lamang siya ulit nakakausap ng babae maliban kay Savannah at sa kanyang ina.
Nakangiti pa din ang babae sa harap niya. Napagtanto niya na hindi pa pala nito alam ang pangalan ni Azalea.
Hinawakan ni Azalea si Dice sa braso at nabigla si Dice. Bigla siya ulit nakaramdam ng pagkailang at iniwas niya ang kamay niya. Napangiti naman ang babae dahil dito.
BINABASA MO ANG
Love at First Sound
RomanceI am the kind of person whose life is USELESS. The only thing that is important to me is money. Ako ang taong bulag sa kahit na sino. Wala akong nakikita kundi ang pera at sarili ko lamang. But it all changed until I met this special girl... Who...