Chapter 2

287 10 3
                                    

Chapter 2

Nagulat sila nang marinig nila ang isang malakas na kabog na nanggagaling sa pintuan ng kanilang silid. Para bang gusto na nitong tuluyang sirain ang pintuan. Mahahalata mong galit na galit ito at gustong pumatay ng tao.

Agad na napabangon ang dalawa mula sa kanilang kinahihigaan nang makilala nila ang galit na boses.

"PVTANGINA MO DICE!!! LUMABAS KA DYAN!!! HAYOP KA!! PAPATAYIN KITA!!!"

Paulit-ulit nitong sinasabi ang mga katagang iyon. Pinulot agad ni Dice ang mga nakakalat na damit sa sahig at madali niyang isinuot ang mga iyon. Hindi na niya na-i'buckle ang kanyang sinturon pero importante paba iyon? Ang tanging importante ngayon ay makatakas siya sa lalaking nasa labas dahil panigurado kasama nito ang mga tauhan niya para bugbugin siya or worst, patayin siya. :o

"Sabi ko naman sayo hiwalayan mo na yang syota mong bundat eh..." Kasunod ng mga linyang iyon ay binulong ni Dice, "...para wala nang makaistorbo sa atin. Ano ba nagustuhan mo sa panget na baboy na yon?" Sabay kindat niya sa babaeng nagbibihis. ;)

"Alam mo naman diba? Ano ba sa tingin mo? Pera. Alam mo namang gusto ko ang pera but of course, I like you more." Ngiti ng babae sa kanya.

Isang ngiti ang itinapon ni Dice at sabay halik sa masarap at malinamnam na labi ng babae.  

Dinampot niya ang kanyang skateboard sa tabi ng kama. Bago siya tuluyang lumabas sa bintana, nagpaalam siya sa babaeng katatapos lang magbihis at ayusin ang mga nakakalat na gamit sa kwarto.

"Bye Savannah. Kita nalang tayo pag nagkita tayo." Sabay kindat ni Dice kay Savannah.

Pero bago siya makalabas narinig niya ang pagpapaalam ni Savannah at kasabay ng pagbukas ng pintuan.

Habang nakasakay siya sa kanyang skateboard, nakita niya ang isang ice cream shop.  Napahinto siya at naalala niya ang kanyang Sweetheart.  Mahilig kasi ito sa mga matatamis na pagkain. Naisipan niyang bilan ng ice cream ang kanyang Sweetheart.  Pangbawi narin niya dahil ilang araw na din siyang hindi nakakauwi sa kanila.  Binilan niya ito ng chocomint flavor at saka umuwi.

Pagkarating niya sa bahay, naabutan niya ito sa labas at nagsasampay ng mga damit. 

*Naglaba na naman siya? Panigurado masakit na naman ang katawan niya. Mamasahe nga siya mamaya.*  Naisip niya.

"Sweetheart!"

Napatingin ito sa kanya at agad niyang ipinakita ang ice cream niyang dala. Peace offering. 

"IKAW! WAG KA NA NGA UMUWI DITO KUNG MINSAN KA LANG UUWI! HINDI KITA KAILANGAN HA!"

"Sweetheart naman. Alam naman nating dalawa na mamimiss mo ko pag di na talaga ako umuwi dito. Wag ka na magalit. Alam mo namang ikaw lang diba?"  Pagbibiro niya.

Niyakap niya ito mula sa likod pero nagpupumiglas ito.

Love at First SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon