Chapter 4
Nagmadali na umakyat si Dice sa Room 618. Tumambad sa kanya si Savannah na nakahiga, puro pasa at sugat. Napatingin siya kay Giraffe na ngayon ay nakatayo na.
"Pare, andyan ka na pala. Nagising na kanina si Savannah para kumain. Nakatulog lang ulit kakahintay sayo."
"Ano na namang nangyari?" pagaalalang tanong niya.
"Alam mo na."
Nilapitan ni Dice ito at sinuring mabuti ang itsura ni Savannah. Napakaraming pasa nito. Halos buong katawan na ata nito ang inookupa ng mga pasa at sugat. Ironic man pero ito ang katotohanan.
"Ano nga?!"
"N-nahuli siya ng isa sa mga tauhan ni bundat. Nakikipagkita pa rin kasi siya sayo diba?" dahil sa pagsigaw ni Dice kay Giraffe, natakot ito sa kanya. Palaging ganoon na lamang si Giraffe. Laking takot niya kay Dice.
"Sabi ko naman sa kanya, hiwalayan niya na yun!" pasigaw na sabi ni Dice. Hindi na niya napigilan pa ang kanyang pagkainis. Naaawa na talaga siya dito. Hindi naman niya kailangan ng protekta nito. Mahal na mahal niya it BILANG KAIBIGAN at ayaw niyang nakikita itong nasasaktan.
Pero dahil sa asal ni Savannah, nawawalan na din siya ng pasensya na pagbawalan ito. Sadyang matigas ang ulo nito.
"Ssssh! Dice! Wag ka nga maingay natutulog si Savannah! Mabuti pa doon na tayo sa labas!"
Hinatak ni Giraffe si Dice palabas mula sa kwarto ni Savannah. Kapag kasi nagising nanaman si Savannah, baka umiyak nanaman ito ng umiyak.
"Kumalma ka nga! Magpahangin ka muna diyan sa labas." kahit na natatakot si Giraffe sa kanya. Pinigilan niya muna ang pagkaduwag niya at nagtapang tapangan. Kung hindi niya ito ginawa malamang sa malamang ay gulo gulo na ang kwarto ni Savannah ngayon.
Muling pumasok si Giraffe sa kwarto ni Savannah. Tinignan niya lamang si Giraffe habang pumapasok itong muli sa kwarto. Napailing siya.
Nag isip siya ng mabuti. Tama nga naman si Giraffe. Kailangan niyang magpahangin. Kailangan niyang magpahangin para lumamig ang ulo niya. Masyado lamang siyang nabibigla sa pangyayari.
Naglakad lakad lamang si Dice. Hinayaan niya ang kanyang mga paa kung saan man siya dalin ng mga ito.
Sa totoo lang, wala ni isa ang sumasagi sa isipin niya ngayon. Kumbaga blanko ang isipan niya. Napatigil siya sa paglalakad nang napansin niyang nasa parang garden na pala siya ng ospital.
Dumiretso lamang ito sa may bench na magkabilaan ang ayos. Umupo siya dito, nilagay ang magkabilang braso sa sandalan at tumingala para pagmasdan ang mga bituin sa langit.
Kapag may problema siya, lagi niya itong pinagmamasdan.
Napakaganda~ ang naisip nito..
Nagsimula siyang pumito na halos palagi niyang ginagawa. Libangan niya na nga itong gawin kapag okupado ang kanyang isipan. Unconsciously ginagawa niya ito.
~~ Hummmmm ~~
[A/n: May video diyaan sa gilid. Just listen to it to hear Dice's whistle.]
"Paano mo nalaman yan?"
Napalingon si Dice sa babaeng nagsalita na nasa likod niya.
***
"You should not be depress, bawas bawasan mo din ang kakaisip ng mga bagay that can disturb your emotions."
"Excuse me." walang ganang pagpapaalam ni Azalea at tumayo mula sa kinauupuan niya. Sawang sawa na siya sa mga payo ng doktor. Wala na siyang pakialam dahil kahit sino naman alam kung saan din ang tutungo niya.
"Where are you going Azalea?" tanong ng kanyang ama.
"Dad, mauna na ako sa baba, you know that I can't stand the smell here."
"It should be better if you stay here."
"No Dad, kaya ko naman sarili ko. So don't worry. Just call me when you're finish."
Kinuha niya na ang kanyang white cane at tuluyan nang lumabas. Narinig niya mula sa loob ang pagpapatuloy ng pag uusap ng kanyang daddy at ng kanyang doktor.
*Kailan niya kaya ko tatratuhin na normal. Halos 20 taon na akong ganito. Sawang sawa na ako. Gusto ko na tapusin tong paghihirap ko.* naisip niya sabay ang pakawala ng buntong hininga.
Hindi na niya gusto pa ang mga naririnig niyang pag uusap ng dalawa sa loob, naririndi na ang kanyang tainga sa paulit ulit na pangangaral sa kanya.
Minabuti niya na lang na umalis doon, ayaw niya din na magtagal pa dahil sa amoy din ng ospital. Pakiramdam niya, tila para siyang sinasakal o nasosuffocate dito.
Nagmadali siyang maglakad at naisipang magpunta sa garden ng ospital. Buti na lamang kabisadong kabisado niya na ang daan doon. Naging parang pangalawang tahanan niya na rin ang ospital na iyon, dahil sa labas pasok siya dito noon.
Ramdam niya ang bawat pag ihip ng hangin. Alam niyang gabi na dahil sa lamig ng simoy nito. Mas gugustuhin niya pa nga ang manatili dito sa labas kaysa sa maamoy ang mabahong presensya ng ospital.
Siguro ang ganda ng bituin ngayon~
Aalis na sana siya nang may narinig siyang isang sipol. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang tunog na iyon. Hinding hindi siya nagkakamali na ito ang tono ng kanta na paborito ng kanyang ina. Madalas itong kantahin sa kanila noon bago sila matulog ng kanyang kuya.
Nagtataka siyang lumapit sa pinanggagalingan ng sipol na iyon. Bakit alam ng taong ito ang tonong iyon? Nakapagtataka dahil ang alam niya silang apat lang ang nakakaalam ng kantang iyon dahil ang sarili niyang ina ang mismong gumawa at naglapat ng kantang iyon.
"Pano mo nalaman yan?"
___________________________
Short update! Don't worry, I'll be posting the next chapter right now. Pambawi sa hindi ko paguupdate ng 2 weeks :)
VOTE. COMMENT. :)
BINABASA MO ANG
Love at First Sound
عاطفيةI am the kind of person whose life is USELESS. The only thing that is important to me is money. Ako ang taong bulag sa kahit na sino. Wala akong nakikita kundi ang pera at sarili ko lamang. But it all changed until I met this special girl... Who...