SULAT

902 26 22
                                    

INIWAN NA NIYA AKO!


Pauwi na ako galing sa paghahanap ng trabaho. "Paborito ni babe 'yon." Mahinang sambit ko. Nakita ko kasi Peak Peak Eatery na kinakainan namin madalas.

Dumukot ako sa bulsa ko, bente pesos na lang pala ang natira. Naisip ko na wala akong mabibili sa bente pesos. Hindi ko rin mabibilan ng pasalubong na Tea Tea with Graham Balls sa ibabaw. Iyon kasi ang paborito niya.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nakasalubong ko ang pinsan niya at nagkausap kami saglit. Kumustahan lang.

At nang makarating na ako sa harap ng aming bahay, biglang kumabog ang dibdib ko. Kakaibang kaba ang naramdaman ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Tahimik at nakapatay ang lahat ng ilaw.

"Babe, nandito na ako."

Subalit walang sumasagot. Naglakad ako papunta sa kuwarto namin. Wala ang mga gamit niya. "Nasaan ka babe..." nalulungkot ako. Siguro ay iniwan na nga niya ako ng tuluyan. Handa naman akong magbago e. Kaya lang, tinatamad lang talaga ako magtrabaho.

"Ano 'to?" wika ko ng makakita ako ng maliit na sobreng puti. Kinuha ko iyon at pinagmasdan.

"SMILE BEFORE YOU OPEN THIS!"

Paano ako ngingiti kung alam kong mag-isa na lang ako. Iniangat ko ang takip ng sobre.

"BABE, SMILE!"

Alam na alam talaga ng girlfriend ko na kapag malungkot ako, mahirap akong patawanin o pangitiin. Ngumiti ako gaya ng nakasulat.

Dahan-dahan kong iniangat ang maliit na papel na nasa loob.

"WALANG KATULAD TALAGA ANG IYONG NGITI BABE!" pati sa sulat, ang lakas mambola ni babe.

Nang mahugot ko na ng buo ang maliit na papel na nasa loob ng sobre. Hindi ko na napigilan ang maluha.

"HUWAG KANG IIYAK BABE. PAPANGIT KA!" agad kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko nang marinig ang boses ng girlfriend ko. Pakiramdan ko'y nasa tabi ko lang siya at bumubulong.

Nag-isip ako kung bubuksan ko ang sulat. Sigurado naman akong masasaktan lang ako kapag binasa ko ang iniwang sulat ng girlfriend ko.

"BABE, BUKSAN MO NA!" Narinig ko na naman ang boses ni babe. Muntik nang tumulo ang luha ko. Ayokong pumanget talaga. Kaya hangga't kaya kong pigilan ang pagtulo, pipigilan ko. Ngunit hindi ko pala kaya. Hindi bale ng pumanget basta mailabas ko lang ang sakit na nararamdaman ko.

"BABE! ANO BA ANG INIIYAK-IYAK MO D'YAN! BILL LANG NG KURYENTE 'YANG HAWAK MO!"


#SobrangShortStories

NABITIN AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon