#BabeCouple: 132nd Parts
Tinitigan ko ng masama si Natalia, ganoon din siya sa akin. Pero iyong titig niya ay may halong kakaiba. Nilalabas nito ang kanyang dila at iyon ang isa sa gawain na ayaw ko. Pakiramdam ko kasi kapag gumanon ang isang babae, isang kalabit mo lang -- bibigay na.
"Hoy pinsan!" Sigaw ng pinsan ko.
"Imagination?" tanong ko sa sarili ko.
"Ano ba nangyayari sa'yo? Tinanong lang kita kung ano ang inisip mo no'ng nagpaalam kami sa'yo na hihiramin namin ang kuwarto mo." Talagang inulit pa niya.
"Matagal pa ba 'yan, Nat? Nagugutom na ang pinsan ko." Tinapik ako nito sa ulo, "Bakit ayaw mo sagutin ang tanong ko?" natatawang sabi nito.
"Alam mong hindi ako malisyosong tao, pinsan. Kaya mali ang iniisip mo."
"Nek nek mo pinsan! Kilala kita, mula ingrown hanggang puyo! Ikaw pa? Hindi malisyoso? Tawa ko lang!"
Inasar-asar ako ng pinsan ko sa harap ni Natalia ng ilagay na nito ang miryenda na niluto niya.
"Ang bango naman ng luto mo, Nat." Ako lang ang may karapatang tumawag kay Natalia ng Nat!
"Salamat, Berto." Talagang sa harap ko pa naglalambingan?
Sinubuan ni Natalia ang pinsan ko ng sandwich na bacon and cheese ang palaman.
#SobrangShortStories
BINABASA MO ANG
NABITIN AKO!
Short StoryMabibitin lang kayo! #SobrangShortStories All rights reserved 2015 @NoOtherMan