Babe Series 191st

296 4 0
                                    

#BabeCouple: 191st Parts


Nang isigaw ko ang alas nuebe ng gabi. Nagliwanag sa buong kuwarto ko. Nakakasilaw ang liwanag na iyon. Wala akong maaninag kungdi ang pintuan ng kuwarto ko. Pagkakataon ko na para makalabas, at sundan si Berto.

Bumangon ako at sa aking pagbangon, naglakad ako palabas ng kuwarto. At sa aking paglabas, biglang nawala ang liwanag. "Ano ang nangyari?" nagulat ako sa aking nakita. Nawala ang mga tao sa kuwarto. Gayon din si Grandma. Tanging si Natalia na lang ang naiwan.

"Maligaya ako at iyong napagtagumpayan ang pagsubok." Ani Natalia habang naglalakad papunta sa akin.

"Ano ang ibig mong sabihin, Natalia?" tanong ko.

"Ang lahat ng iyong nakita ay totoo. Ngunit, lahat sila ay estatwa natin dito sa bahay na naging tao."

"Hindi ko maintindihan, Nat. Paano naging tao ang mga estatwa? At paanong nawala si Grandma?" mga tanong na kailangan ng malinaw na kasagutan.

"May mga bagay na mahirap ipaliwanag. Gaya nga ng sabi ng iyong Grandma, sa tamang panahon."

Iniwanan ako ni Natalia at naglakad na ito pababa ng hagdan.


#SobrangShortStories

NABITIN AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon