Babe Series 136th

459 4 0
                                    

#BabeCouple: 136th Parts


Pagkatapos ko maligo, dumiretso na agad ako sa kama -- kung saan inilapag ni Natalia ang damit at short ko. Hindi na ako nagpunas ng katawan, hindi kasi ako sanay magpatuyo gamit ang tuwalya o tela. Gusto ko nakaharap sa electric fan.

Una kong kinuha ang paborito kong salawal, tinignan ko iyon mabuti, baka mamaya ay may inilagay na naman na langgam si Natalia. Kaya nabubutas ang salawal ko -- dahil sa langgam na nilalagay ng walang magawa na katulong namin.

"Mabuti naman at ligtas ako ngayon," sa isip-isip ko.

Nagbihis na ako at pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto. Wala akong pakialam kung naglawa na ang tubig sa sahig na nilalakaran ko. Pupunasan naman iyon ni Natalia e.

"O, wet ka na naman baby boy. Hindi ka talaga marunong magpunas." Nakabungisngis na sabi ni Natalia pagkababa ko ng hagdanan. "Tignan mo..." itinuro niya ang hagdan, "Para tayong may talon dito sa mansion." Patuloy nito.

Hinila ko ang kamay ni Natalia, "Ang dami mong sinasabi, Nat! Nagugutom na ako at gusto ko ay ipaghain mo ako ng sandwich na may bacon and cheese na palaman! At timplahan mo ako ng juice na maraming maraming maraming asu..." napatigil ako sa pagsasalita ng umupo si Natalia at humarap sa akin.

Naduduling ang mata ko ng sandaling iyon. "A-ano ang balak mo, Nat? Ba-ba-bata pa a..." tinakpan ng daliri ni Natalia ang bibig ko.


#SobrangShortStories

NABITIN AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon