#BABECOUPLE: 101st
Paano nga ba nagsimula ang love story namin ni Babe? Sa pagkakataong ito. Ilalahad ko po sa inyo kung paano, saan at bakit kami nagkagustuhan. Tama kayo ng nabasa, may bakit.
Habang ako ay naglalakad sa malaking Hacienda na pag-aari namin. Tumawag ang pinsan ko na taga-maynila.
"Hello pinsan! Kumusta ang pagiging buhay Prinsipe?" nagagalak ang tono ng boses ng pinsan ko mula sa kabilang linya. Pakiramdam ko'y mayroon siyang sasabihing magugustuhan ko.
"Heto, guwapo at matipuno pa rin. Wala ba tayong chikababes d'yan?" natatawang sagot ko sa kanya.
"Mayroon pinsan! May party nga mamayang gabi e. Gusto mo sumama?" siraulo rin pala 'tong pinsan ko. Alam niyang nasa Davao ako, paano ako makakaabot?
"Alam mong nandito ako sa Davao, pinsan. Tanga ka?"
"Pinsan ikaw ang tanga. Nandito rin ako sa Davao." Natawa ako sa sinabing iyon ng pinsan ko. "O, ano? Hindi ka na nakapagsalita d'yan! Sumama ka a! Marami akong ipapakilala sa'yo."
#SobrangShortStories
BINABASA MO ANG
NABITIN AKO!
Historia CortaMabibitin lang kayo! #SobrangShortStories All rights reserved 2015 @NoOtherMan