#BabeCouple: 196th Parts
Dinala ako ng babae sa isang lugar, kung saan walang tanim at patay na ang lupa.
"Bakit nandito tayo?" tanong ko.
"Hindi mo pa rin ba maalala?" pag-uulit na tanong nito.
Umiling-iling ako, "Pasensya na." Nakayukong wika ko.
Hinawakan niya ako sa baba at itinaas niya ang ulo ko, "Hindi bagay sa iyo ang nakasimangot at malungkot. Hindi ako sanay." Nakangiting anito.
Sa pagkakataong iyon, hinawakan niyang muli ang kamay ko. Magka-HHWW kaming naglakad papunta sa gitna ng tanimang wala ng buhay.
"Narito na tayo," tumingin siya sa akin. "Naalala mo na ba?" tanong niya.
"Hindi pa rin e." Sagot ko.
Pilit ang kanyang ngiti na ipinakita sa akin ng sumagot akong hindi ko pa rin maalala. "Ano ba ang mayroon dito?" tanong ko.
#SobrangShortStories
BINABASA MO ANG
NABITIN AKO!
Historia CortaMabibitin lang kayo! #SobrangShortStories All rights reserved 2015 @NoOtherMan