YOU'RE WRONG!
Sawang-sawa na akong mabitin! Sa pagkakataong ito, hindi na ako papayag na walang mangyari sa amin ng girlfriend ko. Kung mahal niya ako ibibigay niya sa akin ang gusto kong makuha sa kanya.
"BABE!" ako naman ngayon ang beastmode.
"Bakit babe?" effective ang drama ko. Nakita kong nasindak ko ang girlfriend ko sa sigaw kong iyon.
"HALIKA!" dahan-dahang lumapit ang girlfriend ko sa akin. At nang makalapit na siya, "HAWAKAN MO AKO SA BEWANG!" Pag-uutos ko.
Hinawakan ni Babe ang bewang ko, at naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya. Mukhang natakot ko na nga talaga ang girlfriend ko.
Maya-maya pa'y umiyak na siya habang nakatitig sa akin. Nahahabag ang aking puso. Parang ayoko ng ituloy ang balak ko sa kanya. Pero, hindi ko na kaya e. Gusto ko nang ilabas ito at paputukin sa harapan niya.
"PUMIKIT KA BABE!" Pumikit ang girlfriend ko. "LUHOD!" Lumuhod ang girlfriend ko. Masyado siyang masunurin at inosente. Nakokonsensya ako sa ginagawa ko sa kanya.
"HUBAD!" Napadilat ng mata ang girlfriend ko sa sinabi kong iyon. "Ano babe? Bakit?" tanong nito.
"Nasa loob ka na ng bahay babe. Naka-sapatos ka pa rin. Palibhasa kasi hindi ikaw ang naglalampaso ng sahig."
#SobrangShortStories
BINABASA MO ANG
NABITIN AKO!
Historia CortaMabibitin lang kayo! #SobrangShortStories All rights reserved 2015 @NoOtherMan