Babe Series 131st

512 8 0
                                    

#BabeCouple: 131st Parts


Pinaghanda ko ng miryenda si Natalia dahil sa kanilang ginawa. Natutuwa ako dahil ang buong akala ko ay may gagawin silang hindi kanais-nais.

"Pinsan, ano inisip mo no'ng nagpaalam ako sa'yo na hihiramin namin ang kuwarto mo?" nakangising tanong sa akin ng pinsan ko.

"Ano ba ang dapat kong isipin, pinsan?" tanong ko.

Kasalukuyang nagluluto si Natalia ng mga sandaling iyon. Sigurado naman akong nakikinig siya sa usapan namin. Dahil nahuhuli ko siyang tumitingin sa tuwing ako ay magsasalita.

"Hindi ko alam," lumapit sa akin ang pinsan ko. "Inferness sa iyo pinsan, type ka ng katulong ninyo." Napatayo ako sa upuan at napatitig kay Natalia.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, napalingon din ito at nagtagpo ang aming mga mata.


#SobrangShortStories

NABITIN AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon