= = = = = =
CHAPTER 30
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =Nasa school na kami dala-dala ang kanya-kanya naming mga gamit. Tatlong araw kami kung saan gaganapin ang tournament. Provided ng school lahat ng gastos namin.
"Grabe, ang swerte naman niya. Makikita niyang mag laro si Manlangit!"
"Huhuhu bestieee! Im so jelly to her!"
Narinig kong pag-uusap ng mga bitch sa paligid ko. Hindi ko na sila pinansin dahil busy ako sa pagkakarga ng mga gamit ng team. Hindi naman sana bibigat yung mga gamit kung walang rubber shoes na pagkalakilaki ng mga sizes! Nahiya naman ang size 6 kong paa sa size 13 nila -.-
Natigilan ako sa pagkakarga ng may umakbay sakin. Si King. Ngumiti lang ako sa kanya at saka niya ko tinulungan mag lagay ng gamit sa sasakyan.
"Bakit parang ang saya mo yata?" tanong ko sa kanya.
"Kasi makakasama ka namin. Sobrang sarap lang sa feeling na makakanood ka." weird niyang sabi.
"Ang drama mo naman friend!"
"Haha. Ganun ba?"
At saka kami natahimik saglit hanggang sa may tumawag sa kanya. Ang kanyang prinsesang si Eunice.
Nabyahe na kami ngayon. I was expecting this trip to be noisy and fun kasi kasama mo ang pinaka balasubas na lalaki na nakilala mo sa buong buhay pero mali pala. Kaya naman pala bus ang kinuhang sasakyan dahil kasama ng team ang mga girlfriend nila. The fact is, kami lang ni Raymond ang walang partner.
Magkahiwalay kami ng upuan ni Raymond. Nasa kabilang side siya at ako ng bus. Nasa harapan naman namin si coach na katabi ang isa pang coach ng basketball.
Buti pa si sir may forever ako wala! T.T
Sabi ko sa isip ko. Hays. Kami na lang ng cellphone ko at ng headset ko ang palaging magkasama.
Pasimple akong lumingon kay Raymond at nakita ko siyang nakatingin sakin. Hindi niya alam na nakikita ko siya. Gosh. Nangingiti ako sa sobrang kilig! Hahahays!
Nakarating na kami sa bahay na tutuluyan namin. Malaki at malawak ang bahay pati na rin ang bakuran. Ang daming halaman... At ang dami ring nag hahalikan, sweet-sweetan kuno, mga ganyang pa-forever ang peg. Ako nakatayo lang, bitter-bitteran kunwari.
Hays. Nakaka inggit!!
Nasa gazebo ako mag-isa... Nag eemote... Nakatingin sa mga puno at mga ibon na malalaya. Nakakita pa ko ng aso na nag mamake love.
"Putang ina naman!" ayokong mag mura ng ganyan lalo na sa mga inosenteng hayop. Pero hayop naman kasi! Sumakto pa! Buti pa yung aso may kasama ako wala.
Umalis na lang ako sa gazebo at saka nakita kong nanonood sila ng movie sa sala.
"Alli, halika nood tayo." aya ni Marco.
Tss -.- niyaya mo pa kong mainggit.
"No thanks. Marami pa kong aasikasuhin."
-RAYMOND'S POV-
Ito na ang araw ng game. Magkakaroon muna ng 3 points shoot out at saka Slumdunk competition. Ako ang isinalang ni coach sa 3 points habang si King naman sa Slum dunk. Sana kami ang maging champion. Malaking points din kasi yun sa mga international school.
Nasa isang locker room kaming lahat. My eyes were fixed to Alli. Sobrang busy siya sa pag aasikaso saming lahat. Bigay ng towel, bigay ng tubig tapos palagi pa siyang naka buntot kila coach. Haggard na haggard na siya.
Bago mag start meron kaming 30 minutes para mag pahinga at magdasal dasal. Nakita ko si Alli na nakasandal at nakapikit ka lumapit ako.
Tinusok ko siya sa pisngi at nagmulat siya ng mata sabay inirapan ako.
"Oh pampadami ng happy hormones." sabay abot ng chocolate sa kanya. Halata mong matakaw siya dahil agad niyang kinuha yung chocolate at saka binuksan.
Natawa ako. Ang cute niya kasi.
"Bakit ka natawa?" tanong niya.
"Wala lang." sabay sandal ko.
"Hindi ka ba naiinggit sa kanila?" tanong niya.
Kumunot naman ang noo ko, "bakit naman ako maiinggit? Pogi rin naman ako ah?"
"Ang kapal din naman ng kalyo mo sa mukha no? Kung pogi ka bat wala ka pang girlfriend? Nababakla ka no?" pang aasar niya.
"Alli sabihin mo lang kung gusto mo kong mahalikan. Hindi yung aasarin mo pa kong bakla. Hahaha!" naalala ko kasi nung nag linis kami ng faculty. Inasar niya rin akong bakla at ayun ang una naming kiss. Ang unang beses kong naramdaman na naiinlove ako sa taklesang babae na to.
Nakita ko namang namumula siya. Kumagat na lang siya ng chocolate at nagkaron ng mantsa sa mukha niya.
"Teka may dumi ka..." sabi ko. Ipinaling ko yung mukha niya sakin at saka ko pinunasan yung chocolate sa mukha niya.
Alli, hindi ko kasi maipagtapat sayo na mahal kita kaya wala pa kong girlfriend...
Saglit na nag tama ang mata naming dalawa. Muli ko nanamang naramdaman yung malakas na tibok ng puso ko.
Iniwas niya naman yung tingin niya at nabalik kami sa realidad.
"Guys! Mag prepare na kayo malapit na mag simula ang program!" sigaw ni coach.
"Sige Alli una na ko." sabi ko. Naglakad na ko ng mga ilang hakbang nang biglang tinawag niya ko at agad akong lumingon.
"Good luck sa laro Rayearth..."
"Salamat Allisandra."
At ngumiti kaming dalawa.
Ginanahan ako bigla mag laro!
BINABASA MO ANG
RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)
Teen FictionSA ISANG BASKETBALL TEAM, DI MAIIWASANG MARAMING GWAPO. TOP RULE SA TEAM "NO INCEST. KAPATID-KAPATID LANG TAYO" DAHIL PARA SA COACH NILA, AYUN ANG MOST PROBLEM NG MGA NAGING P.A NG G.U's Basketball team. (GREENFIELD UNIV.) WHEN THERE'S A NEW P.A SHE...