= = = = = =
CHAPTER 43
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =Tulala ako. Oo, paskong-pasko tulalang tulala ako. Sa dami ng pumapasok sa isip ko hindi ko na alam ano pa ang uunahin ko. Maraming pumasok sa isip ko na "what ifs" seems like, I regret everything about my life being their P.A., or more like regretting the stupid decision in disobeying the rule no. 12. Iniisip ko nga na fairy god-father si Coach dahil mukhang alam na alam niya ang mangyayari.
Kailanman hindi pupwedeng maging iba ang status ng nagturingang magkapatid. Napaka imposible nga.
Napaluha na lang ako ng di ko namamalayan yun. . Masaya lahat ng bata sa labas ng bahay namin dahil sa mga natanggap nilang regalo. Mabuti pa noon, wala akong ibang iniisip kundi ang mga bagay na magpapasaya sakin. Simple lang naman akong tao. Iilan lang ang nakaka-kilala sakin. Hindi ako kagaya ng iba na may night life. Meron din naman ako, sa higaan ko kasama ang mga samu't-saring teen fiction books na nagpalakas ng pagiging desperada ko sa pag-ibig.
Maya't maya kong chinecheck ang cellphone ko para tignan kung nagmessage na ba si Raymond sakin. Hindi pa niya ko binabati ng Merry Christmas. Nalulungkot ako syempre, lalo na kapag nakita ko sa Newsfeed ko ang mga status ng mga friends ko na naka-tag sa mga girlfriends/boyfriends nila ang sweet greetings nila this season.
I wanna be as clingy as that. Pero hindi ko alam. Baka nga boring akong tao kaya umpisa pa lang nagawa na ni Raymond yun.
Andito ako sa bahay ng parents ko hanggang bagong taon. Ganun din naman si Jasmine. Palagi lang si Jasmine ang kausap ko sa cellphone at tanging ang hopeless-romance nila ni Kevin ang usapan naming dalawa.
Nasa gitna ako ng pagtulog para masalubong ang bagong taon mamaya ng unahan na kong gisingin ng pamangkin ko. Pumasok siya sa kwarto ko at nagturotot. Hindi ko na siya nahabol para masapak dahil naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Isang message galing sa facebook.
Raymond: Bae
Seen 6:25 pm
Raymond: Ouch. Seen.
Seen 6:27 pm
Raymond: Bae may nagawa ba ko sayo? Sorry na bae. Kung nagagalit ka dahil hind kita nabati ng happy monthsary at merry christmas, wala akong choice. Naka banned kaming gamitin ang phone namin para makapag focus. Sorry na bae, I miss you.
Kung ganun nga lang kasimple ang dahilan, malamang hindi na niya kailangan mag makaawa pa sakin.
Me: Okay lang bae. Naiintindihan ko. I miss you too.
I keep my normal, sweet and understanding attitude in our conversation. Umaasa kasi ako na sa ganitong paraan, makukunsensya ko siya sa kasalanan niya. Kung mangyari man yon, kakalimutan ko ang lahat.
Raymond: Bae, mahal na mahal kita. Kahit ano pang mangyari. Babawi ako sayo pag-uwi ko.
Then I remembered how serious Marco's word that he wants me to be his girl just to revenge my feelings to Raymond. There's something in those words. I don't know why but its different. He sounds like, in love. I shook my head. Nakakahiya naman kay Marco.
Pinatay ko na lang ang phone ko. Walang gana akong humiga ulit. Kung magagalit man si Raymond sakin magdadahilan na lang ako na nalowbat ang phone ko, o di kaya nakatulog ako. Ah basta, bahala na.
Hindi ko alam san pa ko nakuha ng lakas ng loob na makausap si Raymond. Siguro nga nakatulong ang isang katerbang beer at words of wisdom ni Marco everytime na magkasama kami.
Inisip ko ang proposal sakin ni Marco.
"Alli, I can feel and I can see that you're hurt. I know that pain is killing you. I can't just drink with you as a help." Hindi ko man siya tinitignan pero alam kong sincere ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ngayon.
BINABASA MO ANG
RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)
Teen FictionSA ISANG BASKETBALL TEAM, DI MAIIWASANG MARAMING GWAPO. TOP RULE SA TEAM "NO INCEST. KAPATID-KAPATID LANG TAYO" DAHIL PARA SA COACH NILA, AYUN ANG MOST PROBLEM NG MGA NAGING P.A NG G.U's Basketball team. (GREENFIELD UNIV.) WHEN THERE'S A NEW P.A SHE...