-Allisandra's POV-
tulala. naka nganga. wala sa sarili. that is how I describe my mood after the scenario in the super market. nawala ako sa mood ng gawin ni Leo ang mga maka salanang bagay sa mga mata kong malalandi. kung hindi ko boyfriend si Raymmond, malamang, kikiligin na ko sa ginawa niya. pero mali yon.
sinampal ko ang pisngi ko ng maalala ko si Raymond. tinext ko siya para ma iba ang iniiisip ko.
*hi bae. i miss you*
inantay ko siyang mag reply. nag pabalik balik ako sa pag kuha ng tubig sa ref habang nag aantay ako sa reply niya. five minutes later, wala pa rin siyang reply. umakyat na lang ako sa kwarto ko ng may magawa!
pero kahit na anong gawin ko, bumabalik pa rin sa isip ko lahat ng nangyari kanina sa super market, hanggang sa makatulog ako.
---
"hay nako..." pag buntong hininga ko.
"ayos ka lang?" tanong ni Raymond sakin.
"ayos lang naman ako, wag kang mag alala." nakangiti kong sabi kay Raymond sabay pasok naman ni Leo sa classroom. nag kasalubong ang tingin namin pero agad ko ring binawi yung tingin ko. mamaya mahuli pa ko ni Raymond na nakatingin sa kanya eh.
"Ang yabang niya, bae." Bulong ni Raymond.
"Bae, tama na yan. Hayaan na lang natin siya okay." Pagkakalma ko sa kanya.
Natapos nanaman ang isang araw sa loob ng classroom. Wala namang nangyari sa gitna nilang dalawa. Thankful ako dun.
Nasa ibang klase si Raymond habang ako nasa head quarters lang nag checheck ng mga stock, like bottled water, soap, towels, at exta t-shirt para sa team. Ako lang ang nasa loob ng quarters.
Habang nag lilinis ako, nag message sakin si Coach na ireview ko daw ang profile ng mga applicants. As soon as I finished my chores, umupo ako sa swivel chair sa tapat ng table ni coach at dun sinimulan ang pag hahanap ng bagong P.A.
Marami akong nakitang mga applicants na desente ang itsura pero mostly pang Japayuki ang peg. Gusto ko na ngang lagyan ng sign board yung office ni coach na hindi kami recruitment agency ng Japan. Baka kasi akala ng iba bugaw kami.
Habang busy ako sa pag s-scan ng mga resume, may pumasok sa loob. Iniangat ko ang ulo ko at nakita kong si Leo ang pumasok. Nagkatinginan kaming dalawa at nauna akong nag iwas ng tingin. Nakakairita kasi! Ngayon ko lang nalaman na napaka ganda ng mata niya atsaka, hindi ko na maikakaila na ang gwapo niya kapag mukhang inosenteng tao.
"Pinapasabi ni coach na i-lock mo daw tong kwarto pagkatapos mo jan at pumunta ka daw ng court." Sabi niya.
"Oo. Salamat." Sagot ko naman sa kanya.
"Atsaka isa pa pala." Pahabol niya nung nasa pintuan na siya at isasara na ito. "Mag ayos ka ng kaunti. Maraming babae sa court baka palitan ka na ng boyfriend mo. Ang panget mo kasi."
Did he just say that I'm ugly?! Whatda! Nakaka ilang pang bubully na sakin yang lalaki na yan ha?! Nakaka kulo na siya ng dugo! Kung magsabi ng ganon, akala mo naman close kaming dalawa.
Nawalan na ko ng gana sa pag rereview ng mga applicants. Nilock ko na ang office ni coach at pupunta na ko ng court! Habang nag lalakad ako, bigla akong nakatapak ng balat ng saging at nadulas ako.
"Aah!" Sigaw ko. Tangina wala pang katao tao sa hallway! Hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong dahil hindi ako makatayo, ang sakit sa pwet at sa balakang.
"Oh! Alli?! Anong nangyari?!" Sigaw ni Leo at patakbong pumunta sakin. Kahit na naiinis ako kay Leo, laking pasasalamat ko na nakita niya ko.
"Nadulas ako." Mangiyak iyak kong sabi.
"Hay nako! Napaka lampa naman kasi. Halika nga!" Iniakbay ni Leo ang braso ko sa balikat niya. Akala ko tutulungan niya akong maglakad, pero nagulat ako ng buhatin niya ko.
"Uy! Ano ba ibaba mo ko!" Sabi ko sa kanya.
"Alli, alam kong hindi ka makakalakad. Wag ka ng maarte jan at magpasalamat ka na lang dahil gwapo ang sumagip sayo." Sabi niya ng punong puno ng kayabangan.
Hindi naman yun ang punto ko eh?! Madadaanan lang naman namin ang team na nag wawarm up. Tapos nandun si Raymond, at pagkatapos naka kalong ako sa lalaking kina iinisan niya.
I'd better prepare myself for a war. Deyum!
BINABASA MO ANG
RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)
Teen FictionSA ISANG BASKETBALL TEAM, DI MAIIWASANG MARAMING GWAPO. TOP RULE SA TEAM "NO INCEST. KAPATID-KAPATID LANG TAYO" DAHIL PARA SA COACH NILA, AYUN ANG MOST PROBLEM NG MGA NAGING P.A NG G.U's Basketball team. (GREENFIELD UNIV.) WHEN THERE'S A NEW P.A SHE...