CHAPTER 24

3.3K 56 0
                                    

= = = = = =
CHAPTER 24
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =

"Wala ba talaga? Para kang kinakabahan eh?" sabi pa ni King.

"Wala nga. Kulit neto -__-"

Sabay tingin ko sa may post. Andami ng nag cocoment. Kung navideohan lahat panigurado kasama ako dun. Malamang! Nandun nga ako! Kaya mas lalo akong kinakabahan.

Nakarating na kami sa bahay ni coach. Wala yung motor ni Raymond. Ibig sabihin wala siya dito. Hindi na siya pumunta.

Pagpasok na pagpasok namin ni King sa bahay tingin kaagad ni coach ang sumalubong samin.

And to tell you... Ang tahimik ng aura sa lugar na to.

"Explain me the whole thing about the video we have watched." sabi ni coach. Patay na.

"Uhm..." panimula ni King.

"Ako po!" sigaw ko. At napatingin sila saking lahat.

"Ako po ang dahilan ng lahat. Wala pong may kasalanan sa kanilang dalawa. Ako po ang tanga na naipit sa seatbelt ang damit. Namis-interpret po ni Raymond yung mga nangyari... Kaya... Nag away po sila." paliwanag ko.

"Alli?!" bulong ni King sakin na parang sinasabi niyang, "bat mo inako ang kasalanan." kahit na kasalanan ko naman talaga.

"Its not the big deal!" sigaw ni coach.

"Hindi na pasasalihin ang G.U dahil sa ginawa niyo! At dahil don kailangan nating bayaraan ang lahat ng nagastos ng school naten para sa hotel reservation, plane tickets, at mga allowances!"

Naiiyak ako sa mga narinig ko.

"At bakit naman mamimis interpret ni Raymond ang nangyari Alli? Girlfriend ka niya no?"

"Coach di po!"

"No... No... Youre a liar! I trusted you! And look what youve done! You ruined their future!"

"Pero coach..."

"Di ba may rules tayo? Bakit Alli, mahirap bang sundin ang mga rules? Mahirap ba yon?! From now on, youre not a P.A anymore! Youre fired!"

At lahat kami ay nagulat.

F-I-R-E-D... Shit... Naglakad na ko paalis at pinipigilang umiyak.

Ganun ba talaga yung nagawa ko? Ako ba talaga ang may kasalanan. Grabe. Nasaktan ako sa mga sinabi ni coach... Lalo na nung sinabi niyang ako ang nakasira sa kinabukasan ng team...

Paglabas ko ng gate, nakita ko si Raymond na nakatayo.

"Alli, I'm sorry..." sabi niya. Tinignan ko siya mata sa mata.

"Sorry? Alam mo dapat pumunta ka don kanina para di lang ako yung sumalo ng lahat ng galit ni coach. Alam mo ba yang sorry mo di kayang bumura ng mga masasakit na salita!" sigaw ko sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?" nalilito niyang sabi.

"Hindi na ko P.A ng team. Dahil kung di ka nag-skandalo doon walang taga S.U ang mag vivideo ng away niyo ni King! At dahil dun hindi na kayo kasali sa tournament."

Nakita kong nanlumo ang muka niya sa mga sinabi ko. Sino ba namang hinde? Big game yun. At lahat ng universities, ito ang pag-asa para mai-market ang school, para makilala at higit sa lahat, para sa mga players na may pag-asang makasama sa PBA or NBA.

Pero dahil sa pagiging basagulero ni Raymond, nawala ang pag-asa na yun ng Greenfieldians.

Umalis akong nakatulala si Raymond. Nakakadis-appoint ang pinakita niya. Lalo akong naturn-off sa kanya. Sayang.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon