♥♥♥
CHAPTER 14
-ALLISANDRA'S POV-♥♥♥
Saturday na. Nakaka inis kasi may pasok na kami. Like hello? Akala ko ba university week? Dapat whole week walang pasok tapos ngayon meron! Boring -.-
Ako pa lang ang tao sa classroom. May dumadating pa-isa isa lang at puro taga volleyball team pa. Tinatanong nga nila ko kung bakit wala pa ang team. Sinasagot ko na lang ng di ko alam.
Pero ang totoo, nasa bahay pa rin sila ni coach. Napaka laki kasi ng bahay ni coach. Maraming kwarto. Malamang nagjerjer na sila dun. Tss. Eeew!
Nagulat na lang ako ng pumasok si Raymond. Nagkatinginan kami pero iniwas ko kaagad ang tingin ko.
Punyemas kasi yung epal na babae na yun sa isip niya! Ang sarap kalbuhin!
But... How I wish na ako na lang yung babae na yun.
Dahil sa magkatabi kami sa upuan, may iniabot siyang isang box ng curly tops sa table ko.
"May nagpapabigay sayo. Secret admirer mo daw."
"T-talaga? May nagbigay nito sakin? Sino naman daw?"
"Bobo ka ba Alli? Secret nga di ba?"
"Oo na! Ikaw na matalino! Tss -.- bipolar na to!"
At di ko na siya kinausap. Sino kaya nagbigay ng curly tops na to? Ang sweet. Ang old school naman ng paraan ng taong to. May pa-secret identity pa.
"Hihihi." bungisngis ko.
"Tss. Baliw ka na ba? Natawa ka ng malakas jan?"
"Paki alam mo ba?"
Tapos nanahimik na siya. Nakakainis tong lalaki na to! Hindi maintindihan ang timpla ng ugali!
Haays. Parang ewan lang siya. Bigla ko namang naalala yung kiss kagabi. Bwisit! Kung ano namang sweet niya kagabi ayun naman ang ikina-shode ng ugali niya!
-RAYMOND'S POV-
Kahit na ayokong pumasok ngayong araw, pinilit ko lang. May hang over pa ako sa mga ininom ko kagabi. Pero feeling ko napaka pangit ng araw ko kapag di ko nakita si Alli :( Kaya kahit masakit ang ulo ko pumasok ako.
In short, pumasok ako para sa kanya. :) Pinahaba ko pa!
My presence is not enough. Kaya bumili ako ng curly tops. Ilang araw ko.na kasi siyang nakikitang nakain nun kaya ayun ang napag-isipan kong ibigay sa kanya.
Natuwa naman ako dahil kinain niya yung bigay ko nung break time. Ayun nga lang di ko masabi sa kanya na ako ang nagbigay nun.
Mamaya masabihan pa kong baduy nun.
-ALLISANDRA'S POV-
Sa wakas! Uwian na. Haaay. Makakatulog ako ulit. Nakaka tamad ang buong araw sa school. Hindi na kasi kagaya ng dati si Raymond. Antahimik niya sa lahat ng subject na magka-klase kami. Hindi niya ko kinukulit. Hindi niya rin ako hiniraman ng ballpen. Nakakapanibago.
Habang nakasalpak sa tenga ang earphones ko, bigla namang may humila sa back pack ko dahilan para mapa liyad ako.
"Sabay tayo." sabi ni Raymond habang hila niya pa rin ang bag ko. Nakangiti siya na parang ang sayasaya niya. Abnormal!
"Bitiwan mo muna bag ko!" sigaw ko. Nasasakala na kaya ako!
"Bat ang saya ng aura mo?" tanong ko.
"Kasi tinanggap ng crush ko yung chocolate na bigay ko sa kanya. At nakita ko pang kinakain niya yun?" Sagot niya. Haays. Sana pala hindi ko na lang tinanong.
"Dumada-moves ka na pala eh?" sabi ko na lang.
"Syempre naman! Para hindi ako SMP!"
"SMP? Samahan ng Malalanding Pogi?" biro ko.
"Tss. Nag joke nanaman hindi naman nakakatawa." pambabara niya sakin. Bigla namab akong nakaramdam ng kilig. Gosh. Kapag tina-trash talk niya ko kinikikig talaga ako. Parang musika sa tenga ko lahat ng pambabara niya sakin. Tengene yen! :)))))
Ngumiti lang ako atsaka nag patuloy sa pag lalakad. Ibinalik ko ang ear phones ko. Pero kinuha niya yung isa.
"Pa share ^______^" sabi niya.
Kinikilig nanaman ako. Para akong naiihi. Nyetuuh -.- pati balahibo ko nagtataasan sa kinikilos niya.
At sabay kaming naglalakad, magkashare ng earphones at iisa ang kinakantang kanta. Malamang -___- Haay. Mejo tanga. Pasensya ganito talaga kapag kasama si Kras! :) Hihihihi.
-RAYMOND'S POV-
"Kuya bakit ka naka smile?" tanong ng kapatid ko pagkarating ko sa bahay.
"Kasi, kasama ko ang crush ko pag uwi."
"Naku. Bebe boy ikaw ah? Tanggap ba niya ang pangit mong pangalan?" pang aasar naman ng ate ko.
"Oo naman. Hindi maarte yung crush ko. Sa totoo lang, ayun ang ikinaganda niya. Kahit na may tigyawat siya, mejo mataba, hindi gaanong maputi, at mahilig manuntok. Nakaka deads naman ang mga kilos niya."
"Hay. Hindi naman siya rebound? Alam kong nasaktan ka sa break up niyo ni Valerie."
"Hindi kailan man magiging rebound si Allisandra, ate. Siya nga ang dahilan kung bakit napaka bilis kong nakapag move on."
"Uuuy. Si Kuya napana na nung cupid!" sabay tawa naming dalawa ni Ate.
Oo, napana na nga talaga ako ni kupido.
= = = = = =
COMMENT, VOTE, AND SHARE :">
THANK YOU FOR READING.-zandy_fragileheart<3
Follow me on Instagram please?
@zandy_efg
THAAAAAAAAANKS :">
BINABASA MO ANG
RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)
Roman pour AdolescentsSA ISANG BASKETBALL TEAM, DI MAIIWASANG MARAMING GWAPO. TOP RULE SA TEAM "NO INCEST. KAPATID-KAPATID LANG TAYO" DAHIL PARA SA COACH NILA, AYUN ANG MOST PROBLEM NG MGA NAGING P.A NG G.U's Basketball team. (GREENFIELD UNIV.) WHEN THERE'S A NEW P.A SHE...