Chapter 2 : Distantly Related

19 1 0
                                    

Chapter 2 : Distantly Related

Jorge's POV

Hindi maganda ang aura ko ngayon. Magkaaway kasi kami ni Kathniss. Girlfriend ko siya since 4th year high school kami. Nag aaral ako dito sa United College of Tanza samantalang siya sa STI Cubao, so yun nga. Magkalayo kami for almost 3 months na mula nung pumunta siya ng Manila dahil pasukan na. Akala ko pa naman malilibang ako dito, sinama kasi ako ni Jhon na pinsan ko. Nagtataka siguro kayo kung paano kami naging mag pinsan, bale magkapatid mga ina na namin.

Andito ako sa may gilid ng pool habang suot ang headphones ko at maximum volume.. Ang ingay kasi ng mga kasama namin lalo na si Neal at Zoe, sabayan pa nung chinitang pinakilala nila sa akin na si Nica. Kilala ko na si Neal at Zoe kasi naging kaklase ko sila noong grade school.

Di man tayo magkasama lagi mo sanang tandaan na ikaw ang dahilan kung bakit pang nagmahal.

Miss na miss ko na talaga si Kathniss. Hay. Pinapakinggan ko ngayon yung favorite sing niya na Minsan lang naman ng Grace Note.

Paano ba ilalaban kung sayo'y wala naman? Diyos lang ang pwede bumihag sa puso kong palaban. Kung kailangan mo ng kausap pwede mo ako tawagan, minsan lang naman..

Ano ba to! Nagiging emo na naman ako..

"asdghkllihh!!!"

Ano ba yun?! Paglingon ko si Zoe nalulunod na. Bakit di ko namalayan na katabi ko na pala siya kanina pa. -_____-

"Zoe!!!!"

"asdfghhkkl--"

Agad ako tumalon at sinagip siya. Baliw talaga to kahit kailan. Lasing siya tapos tumalon sa pool. Hay naku. Saan na ba sila Neal, Nica, at Jhon at bakit nila hinayaan to.

Dinala ko agad siya sa mga kasama namin. Binuhat ko siya na parang bridal type. Pagdating namin..

"Zoe!!! Anong ginawa mo sakanya Jorge?!" Galit na bungad ni Nica.

"Ano nangyari sakanya?" Sabi naman ni Neal na alalang alala.

"Nasa gilid ako ng pool habang naka headphones nang bigla na lang natalsikan ako ng tubig. Nasa tabi ko na pala yan at ewan ko kung paano siya nahulog at nalunod. Sinagip ko na lang"

Dinala na si Zoe ni Nica sa kwarto nilang dalawa. Nag inuman na lang kami ni Neal.

"Kamusta kayo ni Kathniss?"

"Ha? Di kami okay. Di niya ako tinetext o di din siya sumasagot sa tawag ko. Ewan ko ba. Miss na miss ko na siya"

"Palamigin mo lang ulo nun at hayaan mo makapag isip isip."

"Bakit pala hinayaan niyong pumunta si Zoe dun sa may pool? Paano kung wala ako dun, patay na yan ngayon"

"Nagkwekwentuhan kami ni Nica. Di nga namin namalayan na nawala siya. Akala ko naman nag CR lang. Nasaan pala si Jhon?"

"Ayun, kausap si ----"

Biglang sumabat si Jhon. Andito na pala ang pinsan ko.

"Galing lang ako sa labas, nagpahangin Neal" Sabay tingin sa akin. Hindi ko maintindihan bakit ganun ang tingin ng pinsan ko sa akin. Hay ewan! Ang dami kong problema ngayon sa amin ni Kathniss.

"Sige punta na din ako sa kwarto ko ha. Pagod na pagod na din ako eh. Try king kulitin si Kathniss baka kausapin na niya ako." Paalam ko sakanila Neal at Jhon at pumunta na nga ako sa kwarto naming tatlo. Naligo at natulog na ako.

--
Magulo ba? Hahaha. Yas! Ganyan talaga. Abangan niyo po ang katuloy.pleaaase.

Basahin niyo lang. Hihi. mwa ❤

The One that Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon