Chapter 4 : Walk Away

16 0 0
                                    

Chapter 4 : Walk Away

Zoe's POV

"Jhon.."

"Zoe ? Ano ginagawa mo dito?"

"Sino siya?" Naiiyak na ako. Kumalma ka Zoe.

"Ah si Mae pala.. GIRLFRIEND ko"

Girlfriend? ..
Ah. Tama may girlfriend na sya. At ako naman yung Girl BEST FRIEND nya. Tama. Zoe. Magising ka sa katotohanan.

Naiiyak na ako. Konti na lang tutulo na mga luha ko. Napayuko na lang ako. Bigla akong nilapitan ng babaeng kasama ni Jhon.

"Hi, Ako nga pala si Mae. :) And you are?"

"Hi! I'm Zaki Olysse Emerald, Zoe for short. Bestfriend ni Jhon. Ikaw pala yung GIRL FRIEND nya" *fake smile*

Wow. Galing mo talaga Zoe magkunwari. Sige pa. Nawa'y lamunin ka na ng lupa ngayon din!

"Ah sige Jhon, balik na muna ako sakanila Nica."

Ayan na. Umalis ako at iniwan silang dalawa. Naramdaman ko na lang na kanina pa pala ako lumuluha at di ko alam kung saan ako dadalhin ng emosyon ko ngayong gabi...

--
Nica's POV

"Nakita nyo ba si Zoe?" Tanong sa amin ni Jorge.

"Hindi eh. Di ba kasama mo siya?" Sabi ni Neal.

Hay. Alam ko na kung nasaan si Zoe. Probably magkasama sila ni Jhon. Ayeeee! <3
Biruin nyo 'may something' pala yung dalawang bestfriend ko (Zoe and Jhon). Sabi ko na nga ba eh. Kasi may chemistry talaga sila, akala ko stuck na sila sa friendzoned forever. Hahaha. Pero walang forever kaya ayun, nasa stage na sila na malapit na mag turn to lovers o lovers na! Gaaaash. Kinikilig talaga ako.

"Baka naman kasama ni Jhon yun" Nangingiting sabi ko sa dalawa.

"Malabong magkasama sila. Kasama daw ni Jhon yung girlfriend nya ngayon sabi nya sa akin" parang hindi alam ni Jorge yung tungkol sa dalawa ha.

Parang iba ang tingin sa akin ni Neal para bang, walang-alam-si-Jorge look.
Kaya agad kong sinegundahan ang sinabi ni Jorge.

"Oo nga. Magkasama si Jhon at yung girlfriend niya, So nasan si Jhon?"

"Nasa main gate ata sila" -Jorge

"Puntahan mo na Nica at tanungin kung nakita nila si Zoe. Hahanapin naman namin si Zoe sa iba pang lugar dito sa resort. Gabi na rin baka kung mapa-ano siya" - Neal

Naglakad ako papuntang main gate at nakita ko si Jhon.

"Sabi ko na nga ba. Andito lang kayong dalawa!"

Teka, akala ko si Zoe ang kasama ni Jhon at yung girlfriend niya. Sino tong babaeng to?

"Oh Nica!."

Napansin ata ni Jhon na nakatingin ako sa kasama niyang babae,

"Nica, si Mae pala. Girlfriend ko."

Out of the blue, nasampal ko na lang si Jhon. Gulat silang pareho. I know wala akong karapatan gawin yun pero I just feel nakita ni Zoe to at nasaktan siya. Nag walk out na naman yun for sure.

"Sorry Jhon. Pero kailangan ako ngayon ng BEST FRIEND ko"

Nasaan ka na ba Zoe?!

--
Zoe's POV

Hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak. Nalibot ko na ata ang buong resort. Saan ba ako pupunta? Sobrang sakit. Kaibigan lang pala ako. Sino ba si Mae? Kaya ba nagbago siya ng pakikitungo sa akin bigla dahil saknya? Di ba sabi niya titigil na kami sa pagiging friend zoned at pupunta na sa higher level of relationship? Ano baaaaaa? Umasa lang ba ako?

Andito ako ngayon sa lobby ng resort. Aminado ako, Para akong tanga kasi umiiyak ako dito mag isa. Hay. Ano ba naman tong pinasok ko..

"ZAKI OLYSSE EMERALD!!?!"

Teka? Si Nica ba yun? Paglingon ko..

"Saan ka ba nagpupunta ha?! Nakakainis ka! Pag may problema ka wag mo sarilihin! Andito naman ako, mas malapit na nga ako sayo ngayon bakit di mo pa din sinasabi sa akin!! Wala ka bang tiwala sa akin? Nakita ko na at alam ko kung bakit ka ganyan ngayon! Dahil kay Jhon di ba?!"

Naka-sigaw na sya. Pinipilit ko pakalmahin siya pero wala pa rin siyang itgil. Walang boses na lumalabas sa lalamunan ko dala na din nang pag iyak.

"Hayaan mo na siya! Di ka niya deserve! Pinaglaruan at pinaasa ka lang niya. Wag ka sasagot nang hindi! Kasi alam kong oo! Sino yung si Mae na yun kung hindi ka niya ginawang past time? Iniwan ka niya sa ere Zoe!!"

Umiiyak na din siya. Ano ba naman tong bestfriend ko..

"Zaki Olysse Emerald! Sa ayaw at sa gusto mo, uuwi na tayo!"

---
Sorry kung maiikli ang per chapter ko. Sanay kasi ako sa one shot stories. :3 Hahaha.

Thank you sa mga matyagang nagbabasa kahit papano. Sorry if umpisa pa lang heartbreak na. Ganyan naman talaga di ba?

Anyways, share this stories to your friends! May tips how to move on will be on the next following chapters! xx

The One that Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon