Chapter 1 : The Reunion

54 1 0
                                    

Chapter 1 : The Reunion

ZOE'S POV

"Itext mo na si Jhon best Zoe"

"Oo na. Natext mo na rin ba si Nica?" Sagot ko kay Neal, isa sa mga bestfriends ko.

"Oo naman. Sagot niya kaya ang pagkain. Makakalimutan ko ba naman yung bestfriend nating yun. Si Jhon naitext mo na ba? Alam ko naman na siya ang gusto mo makasama sa outing na ito eh"

I just rolled my eyes whenever he says those things. Siya si Neal Muñoz, Lalaki po siya kahit ganyan pangalan niya. Mass Communication student siya sa University of Polaris. Siya ang taga plano ng barkadahan. And to bring back the topic, Oo may gusto ako kay Jhon Casano, sa pinaka boy bestfriend ko.

"Oo. Naitext ko na best Neal." Matipid kong sagot.

Unti unti silang nagsi-datingan sa may 7eleven kung saan naghihintay kami ni Neal. Bale 4 kami na magbabarkada.

Zoe (Ako yun) - Jhon - Neal - Nica

"Hello bestfriend!! Grabe namiss kita! It's been a long time!" Exaggerated talaga si Nica kahit kailan. With matching yakap na mahigpit yan. Siya pala si Nica Tan, half filipino and half chinese. Siya ang financer ng barkadahan kasi siya ang rich kid.

"Okay naman ako bestfriend, Kamusta sa St. Therese University?" Sagot ko sakanya. Imagine nyo na lang na nag uusap pa rin kami ng magkayakap.

"Ayun! Nakaka stress grabe! Hirap pala mapalayo dito sa atin! Miss ko kayong lahat! Ikaw ba? May nababalitaan ako kay Neal ha, totoo ba yun?"

"Ha?! Ano naman yung nalaman mo dun? Ano ka ba, lahat naman sinasabi ko sayo!"

"Sus! Haha. Sabihin mo na yung sainyo ni Jho-" Agad ko tinakpan ang bibig nya. Grabe talaga tong bestfriends ko -_-"

"Hay naku! Wag ka maniniwala kay Neal!" Sabat ko kay Nica nang biglang sumingit sa usapan si Neal.

"Andyan na pala si Jhon mga bestfriend!"

Biglang bumagal mundo ko. Oo na. Ang korni ko na naman. Wala eh. Yun bang kinabahan ako bigla nang marinig ko boses nya.

"Uy! Mga best friends!" Lumapit siya kanila Nica at Neal. Nakatingin lang ako sakanya at walang imik.

"May natahimik" Pang asar sa akin ni Neal.

Binigyan ko lang sya ng death glare.

"Oh Zoe? Bakit natahimik ka?" Bati sa akin ni Jhon. Ayoko yung mga ganitong eksena. Ang totoo kasi niyan may 'something' talaga sa amin kaso ang gusto ni Jhon eh kami lang dalawang nakakaalam. Alam kong katangahan yun pero wala eh, masaya naman kami kahit ganun. Kaso di ko napigilan ang sarili ko mabanggit kay Neal yun na pinagkalat naman niya sa mga kaibigan namin.

Ngumiti na lang ako at sinagot si Jhon "Wala naman. Hayaan mo na lang ako"

"Ganun ba? Ah guys, may kasama pala ako. Si Jorge pala. Pinsan ko"

"Hi Jorge!" Welcome to the group ang peg nang dalawa.

"So tara na sa outing?" Aya na ni Neal.

"Tara lets! Tara! Tara!" Hinila hila ako ni Nica. Habang sumusunod naman sa amin si Jhon at Jorge.

Nakarating na kami sa resort. Bale lima lang kami.

Simple at maaliwalas lang yung resort. May dalawang pool na parang batis kasi bato bato yung flooring niya (imagine niyo na lang. Hahaha)

"Bes, Bakit nga ba di kayo nag uusap ni Jhon? Pansin ko lang kasi kanina kahit magkatabi na kayo sa biyahe di pa rin kayo nag uusap" pangungulit sa akin Nica habang nag aayos kami ng mga dala naming pagkain sa kusina ng cottage na accomodated namin.

"Ha? Wala naman kaming dapat pag usapan eh. Hehe" Sagot ko kay Nica. Pero oo nga ano? Bakit nga naman di kami nag uusap ni Jhon eh okay naman kami. Walang away at tampuhan. Makausap nga siya mamaya.

So ayun nga, 2days and a night ang plano namin dito sa resort. Nang makapagready na ang lahat nag prepare na kami for the swimming habang nag iinuman (light drinks lang) and nag iihaw ng mga pagkain like barbecues.

Nakarami na rin ako ng nainom nang biglang napansin kong biglang nawala si Jhon. Agad ko naman siya hinanap habang busy sa kwentuhan sila Neal at Nica.

Nakita ko na sya.Di malinaw ang paningin ko pero alam kong siya yun. Nakaupo lang sa gilid ng pool. Nahihilo na ako at nilapitan ko siya. Tumabi ako sakanya at agad siya kinausap.

"Okay ka lang ba?"

"..."

"So di mo pa rin ako kakausapin ha?"

"..."

"Ano ba?! May problema ba tayo? Ano?!!"

Pinilit kong tumayo pero di ko alam kung bakit pakiramdam ko ngayon sobrang lamig at..

"ZOE!!"

"asdfghhkkl--"

------
First chapter done!
Hope you'll subscribe and vote! Published na ang mga ilang chapters!

The One that Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon