Chapter 6 : Zoe, Is that you?

13 0 0
                                    

Chapter 6

Zoe's POV

"Kainan na!" sigaw ni Nica sa lahat.

Parang may party dito sa bahay namin ngayon. Remember marami niluto si Mama? Pakulo na naman ng babaeng to. Gusto daw niya magkaroon kami ng gathering bago siya bumalik ng Baguio kasi pasukan na sa Monday. Buti na lang Saturday ngayon at pwede kami magsaya like to have drinks you know.

"Huy Zoeee! Itext mo yung mga ibang tropapips natin" Ang kulit talaga ni Nica.

"Oo na"

Bale anim lang kaming andito.

Ako, Neal, Nica, Trisha, Jorge, at may kasama silang babae. Girlfriend daw ni Jorge, si Kathniss. Itext ko daw mga tropapips namin. Oo. As in marami kami.

---

To : Ailyn | Dianne | Janny | Kenneth | 15 others

Message : Guys! Go kayo here sa bahay. Party ni Nica. :) See you!

--

... sent!

Nakatingin pa rin ako. Di ko tinext si Jhon. Pero natetempt pa rin ako. Wala naman sigurong masama dba?

--
To : Jhon

Message : J, Saan ka ngayon? Busy ka ba? May party si Nica dito sa bahay. See you..

--

"JHOOOOOON!" sigaw ni Trisha.

Natigil ako bigla. Isesend ko na sana yung text ko. Aish. Delete. Buti na lang pala at di ko naisend, magmumukha lang akong atat makita siya. Well, totoo naman. Pero ano kasi.. Oo na. Miss na miss ko na kasi siya.

"Hi Guys!" bati naman ni Jhon sa lahat.

Ako? Tahimik lang. Kasama niya si Mae. Nasasaktan pa rin ako. Nagsi-datingan na yung ibang friends namin.

"Zoe, okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik? At sino pala si Mae?" tanong ni Ailyn. My other best friend.

"Ah. Wala naman. Okay lang ako" I made a fake smile to her.

"Nah, maloko mo na silang lahat, di lang ako. I know you too well dear" Sabi niya sabay hila sa akin sa harap ng bahay. Iniwan namin ang lahat.

"Now, spill it out" sabi niya. Eto talagang babaeng to oh.

"Wala na. As in. Sila pala nung Mae habang may something sa amin. Kumbaga, option lang ako. PANSAMANTALA" And there's the cue, I cried again.

"I really don't know how it end up like this but.. sayang eh. You two are the best couples I've met. Remember nung first mo siya pinakilala sa akin?" Ano ba! Pinaalala pa niya. Ailyn naman -_-

--

*Flashback*

Ailyn's POV

"Ailyn! Huhuhu" - Zoe

"Oh? Anong drama? Umiiyak ka na naman?"

"Kasi *sniff* yung l-laptop ko *sniff* n-nanakaw sa b-bahay *sniff*"

"Oh my Gosh! How at kailan?"

"I don't know. Basta pagkauwi ko na lang sa bahay namin eh bukas na yung pinto. Akala ko naman eh sila Mama na yung dumating from Manila, akala ko maaga sila umuwi at di na sila mag stay dun for three days. Pagtingin ko nakalkal na yung room ko lang. Di ko kasi na-lock. Huhuhu. *sob*"

The One that Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon