Chapter 12 - Confrontation

18 0 0
                                    

Chapter 12

Zaki Olysse Emerald.

Your treat me like a rose, you give me room to grow, you show the light so I can see, you gave me air so I can breathe.

Birit na birit ni Neal habang kumakanta sa videoke. Nagkakasiyahan naman ang lahat. Biglang hinawakan ni Jorge ang kamay ko ng mahigpit.

"Okay ka lang ba?"

I nodded at tinuloy ang pagkain ko ng spaghetti.

Andito kami sa bahay nila Jhon. Birthday na niya. Di ko alam kung bakit nga ako andito eh. Nagtiwala lang siguro ako sa sinabi ni Jorge.

Di niya ako pababayaan.

9pm na. Nag start ang handaan ng 4pm. Kumakanta pa rin sa videoke si Neal, concert niya ata eh. Hahaha. Nagkakatuwaan na ang lahat, at ako? I managed to join them naman without showing any awkwardness.

"Zaki?" then a very familiar lady walked towards me at upo sa tabi ko.

"Ate Jane? Yay! How are you?" then I hugged her.

Si Ate Jane, sister ni Jhon. We're so close. Tinuring niya akong parang kapatid na rin, sa tagal ba naman namin mag best friend ng kapatid niya.

"I'm good! Bakit ngayon lang kita nakita? Hinahanap ka ni Mama sa loob! Halika ngaa" and hinila na niya ako.

Tumingin ako kay Jorge and ganun din siya sa akin and he just nodded.

Dinala ako ni Ate Jane sa kwarto niya and umupo kami agad sa kama niya.

"Bakit di ka nagpakita agad sa akin ha? Kung di ka pa tinuro sa akin ni Jhon kanina eh." she said and she pouted her lips.

Ang ganda ni Ate Jane. Girl version siya ni Jhon though sobrang puti niya.

I just smiled and looked at her, "Kasi ate di ko rin naman alam na umuwi ka eh."

"Hmp. Nagtatampo pa rin ako sayo.." she held my hand, "May pinakilala pala si Jhon kay mama kanina.."

Parang may kirot sa puso ko na naman. Hay. Paulit ulit na lang ba ito. Ang sakit sakit na eh.

I tried to remain what I am and managed to smile sa sinabi ni Ate Jane, "Ah, yung girlfriend niya po ba?"

"Oo. Si Mae daw yung pangalan. Honestly, I don't like her." sagot niya sa akin then she crossed her arms and raised a brow.

"Nge. Bakit naman ate? She's beautiful and mabait naman po."

Wow ha Zoe, na uplift mo pa ang karibal mo. Iba ka talaga.

Without hesitation sinagot naman ako ni Ate Jane then she held my hand, "Kasi ikaw ang gusto ko sa kapatid ko!"

And there it is! May hope na naman tumubo sa isip at puso ko. I got Ate Jane's side. I just found myself smiling.
Pinutol ko na yung topic about kay Jhon by not giving any reaction. Nagkwentuhan pa kami ni Ate Jane nang biglang may kumatok.

"Ate Jane?" si Jhon.

"Yes my dear brother?" ngising nakakaloko

"Andyan pa ba si Zoe? Hinahanap na din kasi siya nila Neal at Jorge."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The One that Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon