Chapter 3: Friendzoned

17 1 0
                                    

Chapter 3: Friendzoned

Zoe's POV

Nagising ako sa ingay ni Nica. Sobrang sakit ng ulo ko. Ano ba nangyari? Teka, bakit nagpalit na ako ng damit? Tinignan ko yung oras, 10pm na pala. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang apat na nasa harap ng cottage at parang masayang nagkwekwentuhan.

"Oh Zoe. Okay ka na ba?" Sabay lapit ni Nica sa akin.

"Okay naman na ako. Ano bang nangyari?"

Biglang tumayo si Jhon at umalis. Nasaktan ako sa ginawa niya. Tinignan ko lang siya habang palayo.

"Muntik ka na nalunod ka kanina. Ano bang ginagawa mo sa tabi ko kanina?" sabi ni Jorge.

What the? So si Jorge yung kausap ko!!! Omg. So nalaman na niya yung sa amin ni Jhon? Ano kaya pinag sasabi ko. Masakit na masyado ang ulo ko. -______- Ano ba naman tong buhay ang pinasok ko.

Tinapik ako bigla ni Nica, "Okay ka na ba talaga?"

"Oo. Okay lang ako." Sabay hinigit ko si Jorge at kinaladkad ko siya papunta malapit sa pool ulit.

"Ano? Don't tell me tatalon ka na naman?"

"Tell me. Anong nangyari at sinabi ko sa'yo kanina?"

"Wala nga eh. Nakita na lang kita nalunod"

"Yung totoo!!! Narinig mo di ba?! Ano?! Sasabihin mo na kay Jhon na alam mo na!"

Grabe. Tumataas na boses ko. Di ko na alam kung saan ang mapupuntahan ng usapan na ito.

Jorge's POV

Hinigit na naman ako nga babaeng to. Bakit ba kasi hindi ka pa rin nagbabago at maingay ka pa rin Zoe. Dinala niya ako sa malapit sa pool.

"Ano? Don't tell me tatalon ka na naman?"

"Tell me. Anong nangyari at sinabi ko sa'yo kanina?"

"Wala nga eh. Nakita na lang kita nalunod"

"Yung totoo!!! Narinig mo di ba?! Ano?! Sasabihin mo na kay Jhon na alam mo na!"

Sumisigaw na siya. At ano yung tungkol kay Jhon?

"Ano ba pinagsasabi mo? Wala ka ngang sinabi sa akin!"

"Anong wala?! Napagkamalan kitang si Jhon kanina! Malamang nasabi ko yung tungkol sa relasyon nami-"

"Relasyon?"

"..."

"May relasyon kayo ni Jhon??"

--
Zoe's POV

"Ano ba pinagsasabi mo? Wala ka ngang sinabi sa akin!"

"Anong wala?! Napagkamalan kitang si Jhon kanina! Malamang nasabi ko yung tungkol sa relasyon nami-"

"Relasyon?"

*gulp* Lagot anong sinabi ko? Wala naman ata talaga ako nasabi sakanya. Halaaaaa. Bakit nadulas pa ako. Shhhhhhhh!!!

"..."

"May relasyon kayo ni Jhon??"

"Wala. Relasyon na mag bestfriends. Alam mo na, hehe. Di kasi kami nag uusap dba?" Palusot ko sakanya.

Please. Maging effective ka.. Maniwala ka naman Jorge..

"Ah ganun naman pala eh. Akala ko pa naman may relasyon kayo. Di pwede yun eh. May girlfriend si Jhon. Alam mo naman siguro yun di ba?"

The One that Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon