Chapter 10 - Kryptonite

22 0 0
                                    

Chapter 10

ZOE'S POV

"Zup Zaki Olysse Emerald?"

Nilingon ko yung taong tumawag sa akin. Naglalakad ako ngayon sa hallway at nagmamadali ako kasi in less than 30 minutes yung deadline nung kailangan kong ipass na mga case digests.

"Oh Ejay?"

"Nagmamadali ka ata Olysse me looves?"

"Aish. Oo nga eh! Deadline kasi ng Case Digests namin and nasa kabilang building pa office nila Sir. And in less than 30 minutes dapat eh masubmit ko na ito."

"Samahan na kita"

"Sige" I smiled at him. Sa mga lumipas na araw siya parati ang nakakasama ko.

Parati kong nasasalubong si Neal sa hallway ng school at nagpapansinan naman kami. Busy lang din siya sa mga school works.

Naglalakad kami sa hallway ng Liberal Arts Building nang nasalubong namin si Zen, kaklase kong weirdo.

"Zen!! Andun pa ba sila sir sa office?"

Tinignan niya lang ako, parang kinikilala ako.

"Ahh. Aalis na sila dun mga after 5mins sabi nila eh" sabi niya sabay lakad palayo. Suplado talaga ng kaklase kong yun.

"Halaaaa!!! 5 mins na lang!" nag aalala na ako. Alanganin na yung oras ko. Huhu.

"Paano na yan?" tanong sa akin ni Ejay.

"Bahala na si Batman!" sabay hila ko sakanya at nagmamadali na talaga ako pero nakahinto lang siya. Azar naman!

"Akin na yung mga ipapass mo" seryosong sabi niya. Nagtataka ako pero binigay ko din naman.

Parang in less than 10 seconds tumakbo na siya palayo. And I was there.. left.. ALONE.. sa hallway!

Tinry kong tawag-tawagan si Ejay kasi di ko nagets kung ano yung balak niya. Pero kung sakaling isusubmit nya yun sana nga umabot siya.

*bzzzt* *bzzzt*

Baka si Ejay na tong nagtext. Pagtingin ko..

--
From : Superman

Message : Shot me out of the sky. You're my kryptonite. You keep making me weak. Frozen and can't breathe.

--

Halos walang palya tong unknown texter na to. Pinangalanan ko na siyang superman kasi siya daw si superman. Hahaha.

Pero yung totoo nasan si Ejay? Nakita ko si Neal na naglalakad at himala, wala siyang kasama.

"Psst Neal!"

"Oh Zoe? What's up?"

"I'm good. Ikaw?" sagot ko sakanya pero I keep on looking sa mga hallways baka makita ko si Ejay.

"Stressed. And wait, sino ba hinahanap mo at di ka mapakali?"

"Si ano-" sagot ko kay Neal, sakto naman nakita ko na yung kanina ko pa hinhintay. "EJAY!!"

Napalingon din naman si Neal sa direction na yun at nakita namin si Ejay, tumatakbo papunta sa amin at sobrang pawis na pawis.

"Saan ka ba galing? At saan na yung Case Digests ko?" kumuha agad ako ng tissue sa bag ko at tinulungan ko siya magpunas ng pawis.

"Sabi mo diba bahala na si Batman sa submission mo? Eh di I handled it by myself. You know, I'm your Batman" Sabi ni Ejay and he winked at me.

The One that Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon