Chapter 5 : You're Clueless.

16 0 0
                                    

Chapter 5 - You're Clueless.

Zoe's POV

Tick tock ..Tick tock.. Tick tock..

"Aish!" Di ako mapakali. Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko. Tulala sa kisame. Pinapakinggan yung tunog ng orasan sa sobrang tahimik.

2 weeks na mula nung incident sa reunion slash outing namin. Umuwi kami ni Nica nung gabing yun din. Nagpumilit siya eh. Wala din naman nagawa sila Neal, Jorge at .. Jhon.

2 weeks na din ako nasasaktan. Nagmumukmok. Pumupunta sila Nica at Neal dito halos araw araw. Nakakapagtaka lang ngayon at di sila nagpaparamdam. Sawa na di  ata sa drama ng buhay ko.

*bzzzt*

Napabangon ako bigla at hinanap ko yung phone ko.

1 message received.

From : Jhon
9:03AM

Zaki, kamusta ka na?

Bakit ba bigla na lang siya nagpaparamdam. Oo. Siya lang tumatawag sa akin sa pangalan kong Zaki , hindi Zoe.

Magrereply ba ako o hindi.

To: Jhon

Uhm. Okay lang naman ako J :)

Hmm. Mali.. Deleteeeeeee.

To: Jhon

Sa tingin mo okay lang ako matapos mo akong gaguhin?

Masyado ata akong bitter. Isesend ko ba o hindi. Wag na nga lang.

"Hay naku Zaki Ollyse Emerald, wag mo na kasing rereplyan! Di ba nag momove on ka?"

Sabay hablot niya sa phone ko. Anak ng tipaklong. Andito na pala si Nica. (*゚ロ゚) \(>o<)/

"Nagmomove on naman ako ah. Kinamusta niya lang din naman ako. Masama ba yun?"

Totoo naman. Nagmomove on na ako. 2 weeks na nga dba?

"Nah. Di mo ako macoconvince na nagmomove on ka kung hanggang ngayon may communication pa rin kayo"

"Eh paano mapuputol communication namin? Bestfriend ko siya. Di naman basta basta yun. Tsaka minahal ko lang naman siya. Ako yung mali eh"

Kinuha ko ulit phone ko kay Nica.

"Shunga ka talaga. Hays. Di mo naman siya mamahalin kung di siya nagpakita ng motibo sa'yo na gusto ka rin niya. Niloko ka niya, dapat layuan mo siya"

Hays. Eto na naman ang Lecture ni Nica sa How To Forget Jhon Casano 101. -_-

"Oo na. Oh ayan, delete mo na number niya para wala kang masabi" sabay tapon sakanya yung phone ko. Di naman nabasag phone ko sa pagkakatapon kasi pareho kaming nakaupo dito sa kama ko.

"Whooo! Idedelete ko nga tapos ikaw memorize mo naman! Hahahaa"

Lakas mang asar neto. -_- Oo. Memorize ko talaga. Hahaha. Sino ba naman ang hindi dba? Sa tagal tagal ko nang naging bestfriend/kalandian o katext, imposibleng di ko pa memorize number niya.

"Oh Zoe!" binalik na niya yung phone ko sa akin.

"Maligo ka na. Hintayin kita sa baba. Punta tayong bahay. No buts, no ifs. Dalian mo!"  sabay kaway ni Nica sa akin habang pababa siya ng hagdan. No choice, I really have to go.

Naligo na ako at ginawa ang aking Zaki Olysse Emerald rituals. Hahahaha! Nagbihis na ako. Simpleng maroon shirt lang na hindi fitted at white shorts ang suot ko then paired up with my mandals. At sinuklay ang maikli kong buhok. Napatingin ako sa salamin..

The One that Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon