Chapter 7 : Choices

19 0 0
                                    

Chapter 7

Zoe's POV

Monday na ngayon. Hays. Pasukan na naman. Wala akong masyadong friends dito sa school, except for Neal pero iba kasi ang degree program niya. Mass Communication siya, ako naman Political Science. Naglalakad ako sa hallway nang nakasalubong ko si .. Jhon.
Oo nga pala. Dito rin siya sa University of Polaris. Information Technology degree program niya.

"Z-zaki?"

Tinignan ko lang siya.

"Pwede ba tayong mag usap?"

Nakatingin pa rin ako sakanya.. sa mga mata niya. His eyes were pleading me to talk to him.

"P-para saan pa?" sagot ko sakanya.

".. C-closure?" sabi naman niya.

Di ko alam pero ang bigat ng loob ko. Siguro nga galit pa ako o naiinis lang. Di ko talaga alam. Nasasaktan ako. Ang sakit. Parang may kumukurot sa puso ko.

Naglakad lang ako at nilagpasan ko siya.
Huminto ako ng nagsalita pa siya.

"Zaki, p-please talk to m-me" pautal utal niyang sabi.

Papayag ba ako? Sobrang sakit pa rin ng ginawa niya. Parang di ko alam kung paano ako magsisimula ulit. Hinihiling ko na lang na sana di ko na lang nalaman yung sakanila ni Mae.. Sana tanga pa rin ako ngayon kasi di ko alam na pinaglalaruan lang niya ako Atleast, masaya naman ako. Mas maganda yun dba? Di ako aware at di ko alam ang totoo. Kaysa ngayon, alam ko na at nasasaktan naman ako.

Wala pa akong lakas ng loob.

"N-not now" Sabi ko sakanya as I entirely walk out of that place..

--

Friday na ngayon yet I'm still bothered sa mga nangyayari. Ang bilis ng araw. And guess what? 3 weeks na since nalaman no scratch that, nasampal ako ng katotohanan.

*bzzt* *bzzzt*

1 message received.

--
From : Neal

Message : Zoe, Saan ka ngayon? :)

--

Ano na naman ba plano nang kaibigan kong to. Nasa Baguio na si Nica at Trisha ulit and ang parati kong nakakasama ay sila Neal at Jorge. Minsan kasama din namin yung mga ilang kilala nila tho puro mga lalaki. And I was like one of the boys lately.

--
To : Neal

Message : Andito ako sa school. Sa may Liberal Arts building. ^^

--
.. Sent.

After ilang minutes, tumawag na si Neal sa akin. Tamad talaga mag text yun kahit kailan.

Neal Calling..

I answered his call right away, mahirap na galitin ang bakla. chos! Di siya beki. Pero parang? Basta! Hahaha.

"Yas?"

(Zoe, I'm on my way to your building)

"Okay? See you! Anyways, what is it all sudden? May problema ba?"

(Wala akong problema. Okay kami ni Katy. Si Jorge meron. He needs us)

"Okay. Dalian mo na, I'll be waiting for you in front of our room"

Then I hung up. Nagtataka kayo kung sino si Katy? Yes. May girlfriend si Neal. Kaya nga di ko masabing bakla to kasi may girlfriend siya and take note, 3 years na sila!

The One that Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon