Chapter 4: Miks

23 1 0
                                    

*Mikaella's POV*

"Thank you for everything. I'll pay you as soon as I get home." I said to Jasper, iyong tumulong sakin. I'm going home now after one week and three days na pamamalagi sa hospital.

"Ihatid nalang kaya kita? Baka mabinat kapa sa pagdrive niyang motor mo. Then ipapasunod ko nalang iyang motor mo." Umiling ako sa kanya at sumakay sa motor. Napakagat labi ako when I feel the pain in my left elbow.

"Are you okay? Ihahatid na nga kasi kita. Kulit!" Tiningnan ko siya ng masama.

"Ikaw ang makulit! Sabi ng okay lang ako." I can manage driving at mas alam ko ang katawan ko. Nagsisimula na tuloy akong mairita dito.

"Ihahatid na nga kasi kita." Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi makuha sa salita ang lalaking to. Kainis.

"Isa pa!" Talagang isa pa at baka ihagis ko itong helmet na binigay niya. Nasira na kasi iyong akin dahil sa aksidente. Nalalapit narin siya sa helmet ko pero mas maganda ko iyon. Mabuti nga at okay ang napili niya.

"Pero..." Gusto niya pa talagang ipilit eh.

"Can you just open the gate." Pagtataray ko sa kanya. Naiirita na rin kasi ako.

"Ak-"

"Now!!!" Peste na 'to talaga! Agad kong isinuot ang aking helmet ng magsimula siyang maglakad papunta sa gate.

"Tsk!" Nagkamot siyang binuksan ang gate nila. I started the engine and was ready to go but this annoying guys just can't stop pissing me off.

Tumayo siya sa harap habang naka dipa ang mga kamay pinipigilan ang aking pag-alis. Tiningnan ko siya ng napakasama. Gusto niya bang magpasagasa? Sabihin niya lang.

"Get out of my way, Diel!" I like her second name. Diel. More like Die!

"Ihahatid na nga kasi kita." Nirevolution ko ng maraming beses ang motor ko. Talagang sasagasaan ko 'to kapag hindi pa siya umalis diyan.

"Tsk! Kainis ka. Pag may nangyari sayo konsensya ko pa kasi hindi kita hinatid." Sabi niya sakin habang titig na titig sa akin. I was taken aback by what he said.

Pero hindi ko pinahalata at nagsimulang paandarin ang motor ko ng tumabi siya.

"Mag-ingat ka. 'Til we see each other again. Soon." Hindi ko parin siya tiningnan. What's with his voice? I can feel my heart beating fast.

"Miks..." Kung kanina malakas ang tibok ng puso ko, ngayon mas bumilis pa. Liningon ko siya only to find him grinning at me. Akala ko ang lungkot niya. Cause the last time I heared that nickname, it crushed my heart. A sad memory flashed in my mind ngunit iwinaglit ko kaagad.

Ibinalik ko ang paningin sa harapan at pinaharurot ang motor ko papunta sa bahay nina Janella.

"Mikaella!" Hindi makapaniwalang tawag ni Janella ng makita ako sa harap ng gate nila. She immediately open the gate for me. "Mikaella! Shit! You bitch!" She started crying then hug me thight. I hug her tightly as well. I know how much I make her feel so woried.

"I'm sorry Nel." Tanging nasabi ko. Hinagod niya ako sa likod habang sumisinghot-singhot dahil sa iyak.

"What happened to you? You were nowhere to be found! Halos mamatay na 'ko sa pag-aalala sayo. Nakakainis ka!"

"Ugh!" Napadaing ako ng masagi niya ang sugat ko sa braso. Agad naman siyang humiwalay sa akin.

"Bakit?" Tiningnan niya ang braso ko. "What happened to you ba kasi?"

"I'll explain. Pumasok muna tayo." Sabi ko sa kanya habang hinihimas ang braso ko.

Sininyasan niya naman iyong katulong nilang dumaan na ipa pasok ang motor ko sa garahe nila sa driver.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon