Chapter 14: Quality Time

0 0 0
                                    

Umuwi na 'ko ulit ng bahay pagkatpos ng isang linggong pananatili kina Janella. Kahit na ayaw na ayaw kong umu-uwi, hindi naman maganda na kayla Janella nalang ako mamalagi.

Sabado ngayon kaya balak kong magkulong nalang dito sa kwarto maghapon at manuod ng movie.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng balck na shorts at v-neck white shirt, bumaba ako para kumuha ng pagkain.

Nagpapasalamat ako na malaki ang bahay at madalas ko lang makasalubong ang mga tao dito. Gustohin ko man na hindi mabadtrip, hindi ko lang talaga mapigilan. Parang instinct na o parang automatic na pag may nakita ako ni isa sa kanila, nababadtrip agad ako.

"Manang, umuwi naba si Mikaella?" Speak of the devil.

"Opo sir. Natutulog parin po siguro." Sagot naman ni manang. Nandito parin ako sa kusina at gumagawa ng sandwich at naririnig ko lang sila mula sa sala. Sobrang tahimik ng bahay na 'to kaya rinig ko sila mula dito.

Sunod kong narinig ang mga yabag na pababa ng hagdan.

"Everyone ready to go?" Si dad. Alam niyo yong feeling na labag na labag sa kalooban ko ang tawagin siyang 'dad' pero hindi ko naman alam kung ano paba ang dapat kong itawag sa kanya. Screw it.

"Yes hon." Agad na nagtagis ang bagang ko at nag-init ang sulok ng mga mata ko. Bakit ba hinahayaan ni dad na tawagin siyang ganon ng babaeng yan?! Si mommy lang! Si mommy lang ang may karapatang tawagin siyang 'hon'! Gusto ko silang sigawan! Pero pinigilan ko ang sarili ko. Matagal narin naman akong nagtitiis sa pamilyang to, ngayon paba ako bibigay?

"Alright. Let's go." Mukhang may family bonding sila! Tan***a! So ano nalang ba ako sa pamilyang to?! F***k!!!!

Pinahid ko ang mga luhang lumandas sa mukha ko. Bakit ba hindi ako napapagod na umiyak?! Gusto ko nalang na gumising isang araw na sobrang manhid na sa lahat ng 'to at wala na 'kong mararamdaman pa, kapag harap-harapan man nila akong baliwalain. Pero imposibleng mangyari yon.

Kaunting tiis nalang. Pagkatapos ko ng high school, aalis na 'ko sa impyernong to! Kung kinakailangan kong magtrabaho para sa sarili ko, gagawin ko makaalis lang dito. Total eighteen narin naman ako. Kaya ko na ang sarili ko.

Tinapik-tapik ko ang magkabila kong pisngi at bumuga ng malakas na 'hoo' at nagpatuloy sa sandwich na ginagawa ko. Nagsalin narin ako ng gatas at inilagay sa isang tray lahat at bumalik sa kwarto ko.

Inilagay ko ang pagkain sa table sa may veranda ng kwarto ko at bumalik sa loob para buksan yong soundsystem at plinug yong phone ko at nagpatugtog ng music.

My day can be sometimes normal.

Sana mamayang gabi pa sila bumalik para naman makapag quality time ako.

🎵
Hey dad look at me

Think back and talk to me

Did I grow up according to plan
🎵

Agad akong napabalik sa may soundsystem at pinindot ang next sa phone ko. Nanadya ba 'to?! At my kanta pala ako na ganito?! Agad kong dinelete at shinaffle ulit ang songs ko. Galing kay Janella lahat ng kantang to pinasa lang niya sa phone ko kaya hindi ko alam ang mga kanta dito. Minsan lang din naman ako magpatugtog kaya wala akong alam. Naka shuffle play lang din naman to.

Bumalik na uli ako sa pagkain habang tahimik na nakikinig sa mga kanta. Pagkatapos kong kumain ay pinatay ko na yong music at bumaba ako para ilagay sa kusina ang mga pinagkainan ko.

"Manang, pahanda naman ako ng popcorn at pakidala nalang sa kwarto." Sabi ko kay manang ng pumasok siya sa kusina.

"Sige po ma'am."

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon