Chapter 8: Feels Like

20 1 0
                                    

*Jasper Diel's POV*

Naisipan kong maglibot-libot na muna kasama ang driver namin. Road trip kumbaga. Ang boring lang sa bahay. Nasa states kasi sila mom, dad and my brother. So ako lang ang nasa bahay at iyong mga katulong. Ayaw naman akong paalisin ni mama ng mag-isa so nagpasama na ako kay Manong Jerry.

Napansin ko lang na ang daming motorbikes ang sunod-sunod na dumadaan. May drag race ba? Dahil sa dakilang curious ang isang gwapong katulad ko, sinundan namin sila. And there. Wow!

Maraming mga tao ang nakapaligid sa lugar mostly teenagers. Ang iba naman ay gamit ang mga motorbikes nila doing some maneuver.

"Manong Jerry dito nalang po kayo ah. Titingin lang po ako don." Paalam ko kay Mang Jerry, our family driver.

"Sige Jas. Matatanaw naman kita mula dito." Bumaba na agad ako mula sa kotse at lumapit para mas makita ang mga riders.

This place is cool. I never thought na may mga drag race dito sa lugar. Buti at naisipan naming maglibot-libot.

Napatingin ako sa isang racer na bagong dating. Is that a Ducati? Woaw.

Napansin kong hindi lang ako ang napatingin sa kanya, halos lahat.

I want to see that person clearly kaya mas lumapit pa ako. Inistand niya muna iyong motor bago siya bumaba mula rito at lumapit sa isang lalaki.

At nang matingnan ko na ng maigi, I was like. 'Really? A woman?' Well I must say she has a good taste in motorbikes. Napailing ako at napatingin sa may side ko. Napataas ang kilay ko ng mahuli ang isang babae na nakatingin sakin. 'I know. Ibang klase na talaga ang kagwapohan ko. Madaming chix ang naattract.'

I smile at the girl. Naglakad naman siya palapit sakin. Medyo ang sama ng tingin. 'fierce, eh'

"Who are you?" Tanong niya eying me from head to toe.

"I'm Jasper Diel Davidson." I said smiling at her offering my hands for a shake hands.

"What are you doing here?" Tanong niya uli. Hindi pinansin ang paglahad ko ng kamay. 'Okay' Ibinulsa ko nalang ang aking kamay at tiningan siya.

I eyed her and base sa nakikita ko ay isa din siyang rider. Nakikita ko rin mula dito ang motor niya sa di kalayuan mula sa kaniyang likuran.

"Why? Am I not alllowed here?" Tanong ko.

She rolled her eyes. "Don't you know that this place is restricted? Limited only to the people who are registered to be part of this?" Sabag turo sa mga nakikita kong mga racer.

Huh? Aba malay ko. Sinundan lang naman namin iyong mga riders kanina.

"Well. I'm sorry. Hindi ko alam." Nagkibit balikat ako and was about to leave when he stop me by saying something.

"If you want. You can register to that area." Napalingon ako sa kanya and she's pointing at a building on the other side.

Napangiti ako. Akala ko hindi tumalab ang charms ko. "Thanks."

"As for now, kung may magtanong sayo how did you get and know this place sabihin mong kasama mo ko. I'm Amanda Fortalejo." Sabi niya bago tumalikod sakin at umalis.

Tiningnan ko siya hanggang sa sumakay siya sa kanyang motor at nagdrive paalis. Muli akong tumingin sa kaninang tinitingnan ko ngunit wala na siya doon even her Ducati.

"This so exciting. We better not miss this." I heared from the girl who just passed by.

"Of course." Sagot naman nang kasama niya.

What are they talking about? May magrerace ba? Kailangan kong lumapit ng kaunti doon para makita ang magkakarera.

Teka. Ano nga ulit iyong pangalan nong babae? Ana? Andrea? Nako! Nakalimutan ko pa. Nag-U-turn ako at bumalik sa kotse kung saan naghihintay si Manong Jerry.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon