Chapter 5: You're Here

15 1 0
                                    

(^∇^)

Time may pass us by

But you'll stay stuck on my mind

And that moment we stared that night

I thought it was right

But may be I was wrong all along.

(ーー;)

(^∇^)

I held onto something that never really mattered

Stuck on that starting line

I'm still silently, quietly hoping you'll end up with me.

( ; ーー)| >__<

Pinatay ko iyong stereo at tiningnan si Janella ng masama.

"Ang KJ mo talaga! Alam mo bang si Darren Espanto ang may kanta non! Tsk!" Reklamo niya sa akin. Wala akong pakialam kung sino man yan basta ayaw kong kumakanta siya na naririnig ko.

Kung hindi lang ako pinilit ni Tita na sumabay nalang sa kanya, nagmotor sana ako. She's been my driver nong umaalis ako kasi ayaw talaga akong pagamitin muna ni Tita ng motor. Itinago pa niya iyong susi.

"Oh! Anong binubulong-bulong mo diyan?" Tss! Wala naman akong sinasabi dito.

"Ano? 'No Talk' ka ngayon?" Grabe! Ang daldal. Pwede namang tumahimik nalang siya. Hindi niya ba magets na wala ako sa mood makipag-usap sa kanya ngayon?

"Oii. What's your problem?"

"Wala." Sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Papunta kami ngayon sa School para pumasok. Last year na namin sa senior high school ngayon and by next year, nasa college na kami. I really don't have any plan about college though. Bahala na.

Nagpunta narin ako sa bahay last week at ideneposit sa bank account ni Jasper iyong nagasto niya sa hospital. Hindi manlang nagtaka si Dad na almost two weeks akong hindi nagpunta sa bahay. He really doesn't care about me. Mabuti narin 'yon kasi hindi na rin siya nagtanong sa malaking pera na kinuha ko sa account ni mommy.

^___^

"♪ I was too dumb to notice
That there's something
about you
What am I supposed to do
if...
I'm still stuck on you! ♪"

Pinatay ko na ang iyong stereo kumakanta parin.

"Ang ganda talaga ng song na 'yon. No?" Hindi ko siya pinansin. Pakialam ko diyan sa mga kantang yan. Kung tungkol pa sa motor yan baka pansinin ko siya.

Ang tagal naman namin makarating ng school? "Bilisan mo nga magdrive diyan. Nauumay na 'ko dito."

Binilisan naman niya agad ang pagpapatakbo sa kotse. Pinark muna niya sa parking lot ang kotse niya bago kami pumasok ng campus.

Kinuha namin ang schedule namin at tumambay muna sa isang bench.

"Yay! Classmates tayo. 12 ABM-B."

Parang gusto ko ng gum. Natatamad naman akong pumunta ng canteen.

"Yey! I'm so happy. Iniisp ko kasi na baka ilipat ako ng ibang block nong adviser natin last year. Buti nalang hindi."

Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng magring ito.

Miguell Calling...

"Hello"

"Asan ka?"

May naririnig akong mga nagsasalita sa kabilang linya. Kasama ata ang barkada niya.

"School. You?"

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon