Chapter 15: Papers

4 0 0
                                    

"Hey babe. I miss you." Bulong sakin ni Miguel ng makalapit ako sa kanya. Nasa may building kami, sa taas na parang terrace kung saan kita namin ang track at as usual, marami na namang tao.

Nasa side ko siya at humrap ako sa gawi niya at nakaharap din siya sa gawi ko. I smiled and kiss him. Just a peek on his lips. Ngumiti siya pagkatapos at hinalikan ako sa pisngi.

Kanina pa kami nakarating ni Janella dito. Inilibot ko ang paningin ko sa mga kasama namin dito. Only Amanda and I ang babae and the rest are all the guys except...

"Where's Andrie? And Janella?" Natanong ko. I don't know ha pero simula nong ipakilala ko si Janella kay Andrie at Amanda (since sila nalang ang hindi kilala si Janella kasi the rest of the guys ay schoolmates ko naman at kilala na si Janella) eh nagkapalagayan ng loob ata sila ni Andrie. They keep looking at each other kanina at nagyon, wala na sila dito.

"Baka pinasyal ni Andrie sa field." Sagot naman ni Trey while smirking. I don't like that smirk. Though I trust Andrie. I know he will not harm MY friend. Pero baka naman mahulog sa charm ni Andrie si Janella. Ugh!

Andrie's handsome, matangkad at mabait. Janella will surely like him. Wala pang na kwento sakin si Janella na nagugustohan niya kasi ayaw daw niya sa lalaking nasa same school sila so I'm thinking na one point na yon kay Andrie. Sana lang medyo magpakipot naman siya. I can be very protective when it comes to her.

Sinamaan ko ng tingin si Trey.

"What?" Tanong niya sakin at tumawa.

"Easy babe." Miguel cares my arm at hinalikan ang gilid ng ulo ko. He's sweet and really caring when it comes to me. "Hindi papabayaan ni Andrie ang kaibigan mo."

"Dapat lang." Sabi ko naman. "Sa baba na muna ako." Paalam ko kay Miguel at hinalikan siya sa pisngi. Tumango naman siya kaya deretso agad ako sa baba ng makasalubong ko si Diel.

"Miks!" Tawag agad niya sakin while grinning widely ng magaktinginan kami pero nilampasan ko lang siya at dumeretso sa isang parang bar counter dito. Umupo ako sa high stool at nagbukas ng isang rum. Naglagay ako ng kaunti sa baso na may yelo at inalog yon.

Napatingin ako sa gilid ko ng may umupo and I came face to face with Diel again.

"Miks." Tawag niya ulit still grinning.

"Will you please stop calling me Miks." Sabi ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Pero hindi niya pinansin yong sinabi ko.

"Nakita ko sila Janella at Andrie don sa track field kanina at nalaman kong nandito ka kaya pumunta ako dito. Gusto kitang makita." Tiningnan ko siya ng napakasama. Ano na naman ba ang pinagsasabi nito.

Hindi ko nalang siya pinansin at ininom na yong rum. Isang shot lang naman ang gusto ko eh. Wala naman akong balak maglasing ngayon.

"Natapos ko na nga pala yong research paper natin. So kailan mo na ako ililibre, ha?"

"Kailan mo ba gusto?" Tanong ko sa kanya. Sure ako hindi niya inaasahan yon. Kitang-kita sa pagmumukha niya eh.

"Bukas. Dinner." Nasabi niya after a while.

"Okay."

"Totoo yan ha! Baka naman pinapaasa mo ko ah... Promise?" Ewan ko kung totoo tong nakikita ko sa mukha niya pero parang tuwang tuwa talaga siya na parang excited.

"Oo nga! Wag kanang makulit at baka bawiin ko pa." Sabi ko nalang.

"Kung ano man ang nakain mo ngayon, kainin mo na araw-araw please ha." Hindi ko naintindihan pinagsasabi ng lalaking to kaya kinunutan ko siya ng noo like saying 'what are you talking about' na nagets naman niya.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon