Chapter 6: Miguell de Vega

16 2 0
                                    

"Stop following me." Naiiritang sabi ko dito kay Diel. Kanina pa niya ako sinusundan at parang tangang buntot ng buntot sakin.

"I don't have friends here. Ikaw lang ang kilala ko." Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Liar! May mga kausap ka kaya kanina." Naalala ko yong nakita ko siya kanina nong tumawag si Migs.

"Yon? Eh nagtanong lang naman sila kasi new face daw ako." Nagkakamot na sabi niya. "Alam mo na. Gwapo eh."

Napataas ang kilay ko don. Anong conek?!

"Nagtanong kasi sila kung anong pangalan ko, saang school ako dati nag-aral, ilang taon na ko, kung bakit ako lumipat ng school, at-" Sumeryuso ang mukha niya. "Kung may girlfriend na ba daw ako?"

Nag-iwas ako ng tingin. "I'm not asking you know." Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad uli. Papunta akong canteen para maglunch. Naghihintay na siguro si Janella sa akin doon.

"Grabe! Gutom na ko. Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya sa likod ko.

"Magkasama ba tayo? Ikaw lang naman itong buntot ng buntot sa akin." Parekla-reklamo pa 'to!

Pumasok ako sa canteen at hinanap si Janella.

"Sa wakas canteen." Rinig kong sabi ni Diel. Nakita ko si Janella sa may sulok kaya naglakad ako papunta doon.

"Oii teka! San na naman punta mo?"

Deretso lang ang lakad ko. Being me, Mikaella Rain Peterson, poker face lang lalo na at maraming tao and I know everyone are looking at me.

Umupo ako sa harap ni Janella.
"Umorder na ko ng pagkain. Kain na tayo."

"Thanks." Sabi ko lang at nagsimulang kumuha ng fries. I never looked at peoples eyes especially na alam kong nakatingin sila sakin. It's just awkward.

Halos mabilaukan ako sa kinakaing fries nang sumulpot sa tabi ko si Diel, may dalang isang trey ng food na ngiting ngiti.

Uminom ako ng tubig at tiningnan ng masama si Diel. Bwisit na to!

"Hi. Ako nga pala si Jasper." Bati niya kay Janella.

Mula sa gulat na expression naging masaya ang mukha ni Janella.

"What? So ikaw si Jasper! Gosh! I'm Janella you can call me Nel. I'm Ellas best friend." nagshake hands silang dalawa.

"Thank you for saving my best friend's life. Thank you so much. We were so worried about her kung nasan na siya, kung anong nangyari sa kanya. Thank you talaga." Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula uling kumain.

"Nako... Wala yon. Siguro naman iyon din ang gagawin ng iba kung makita nilang may na aksidente."

"Salamat parin. Dito ka pala nag-aaral? Transferee ka ba?"

"Oo. Transferee ako."

"Bakit?"

"Huh?" Nakita kong lumingon siya sakin bago sinagot ang tanong ni Janella. "Aah. Wala lang." Napa roll eyes ako.

"Teka may tanong ako." Sabi ni Jasper at naging attentive naman itong isa.

"Ano?" Tanong ni Janella.

"Kanina nong pumasok kami sa canteen bakit parang tumahimik at lahat nakatingin sa amin?" Pabulong na tanong ni Diel.

"Kayo nino?" Pabulong na rin si Janella at para silang tanga.

"Ni Mikaella."

"Ni Mikaella?" Tiningnan ako ni Janella. "Ah... Di ko alam. Baka nanibago sayo. Kasama mo kasi ang 'queen bee' ng school." Napataas ang kilay ko kay Janella pero nginitian niya lang ako.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon