Chapter 10: Sincerity

5 0 0
                                    

One week had passed at naging tahimik naman ang buhay ko. Walang Jasper Diel ang nambwisit sakin.

"Ells, shopping tayo after class? Please..." Napataas ang kilay ko ng magpuppy dog eyes si Janella sa harap ko at pinagdikit pa ang palad niya. "Hindi naman kasi natuloy yong shopping natin last week."

Dahil matagal na din nong last akong bumili ng mga damit, tsaka hindi natuloy iyong plano naming magshopping last week, tumango ako sa kanya tsaka sumubo ng spagghetti. Nasa canteen kami ngayon at kumakain. Lunch break.

Ngiti-ngiting kumakain si Janella sa harap ko. Na excite siguro to. Tsk.

Nong nagbell ay deretso na kami sa classroom namin. Sa canteen na kami nagbreakfast kasi.

Tahimik akong naupo sa upuan ko. Tiningnan ko ang side ko. Just like how I saw him the first day nakangudngod siya sa desk niya tsaka wala pa namang teacher. Nag-iwas naman agad ako ng tingin at tumikhim ng umangat ang ulo niya.

I'm back to this seat dahil may naka una nang nakaupo doon sa tabi ni Janella.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at naglaro. Walang magawa. Pero ibinalik ko naman agad nang pumasok ang teacher.

Research II

Pagkatapos ng discussion niya sa first chapter ng research paper ay  sinabi niyang magsimula na kami sa aming research paper na gagawin daw by pair. What?

"The one sitting beside you will be your pair." What?! Napalingon naman agad ako sa katabi ko at nagtama ang paningin namin dahil tumingin din siya sa tabi niya na ako.

"Okay. That's all for today. I'm expecting your chapter 1 of the research paper before the quarter ends. Next meeting submit your research topic." Tsaka lumabas na si Sir i-don't-know-his-name.

Inirapan ko siya at daling iniligpit ang mga gamit ko tsaka tumayo at nagsimulang maglakad palabas.

"Sandali. Oii." Rinig kong tawag ni Diel pero hindi ko siya pinansin.

"Bukas ang sinasabi ni Sir na next meeting. Ano ang magiging topic natin?" Napatingin naman ako sa kanya na nasa side ko na. Siguro tumakbo para mahabol ako.

Hindi ko uli siya pinansin kunwari wala siya.

"Oii. Kelan nga?" Deadme parin ako.

"Tsk." Hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?" Tanong niya. Hindi ko siya makita kasi nasa likod ko siya na nakahawak parin sa braso ko.

"Bitaw nga!" Inis na sabi ko tsaka marahas na binawi ang kamay ko. "Tsaka hindi tayo pair. I'll be pairing up with Janella.

Nakakainis na Diel na to! Bwisit.

Nabigla ako ng higitin niya ang braso ko at ipinasok sa boys CR.

FUCK!

Napamura ako sa isip at agad tinakpan ang mga mata ko.

"Walang hiya ka!!!" Galit na sabi ko habang nakatakip parin ang mga mata ko.

"Walang tao." Sumilip muna ako sa gitna ng mga daliri ko at tiningnan ang paligid.

"Gago ka ba!!!" Pinaghahampas ko siya ng kamay ko.

"Aray!- ack-" Gago na to!! "Tama na- Hindi- Aray ha! Mo kasi ako kinakausap." Sabi niya habang umiiwas sa hampas ko.

Hindi ko parin siya tinigilan sa paghampas ko ng bigla nalang niyang hawakan ang dalawa kong kamay at itinulak sa may pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa lapit ng mukha niya sakin. Mas malaki siya at matangkad sa akin halos parehas sila ni Miguel kaya na corner niya talaga ako dito.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon