Chapter 13: Seryuso Nga

0 0 0
                                    

"Did you already start the research paper I give you? Next week na ang deadline ng first chapter."

Kanya-kanyang 'yes Sir', 'opo Sir' ang mga kaklase ko. Tiningnan ko naman ang katabi kong si Diel na nakatingin din pala sakin. Ngumiti siya bago nagsalita.

"Simulan natin mamaya. Anong klase ba meron ka mamaya? Wala na kasi akong klase. Kung meron, hihinta--"

"Wala din akong klase mamaya." Putol ko sa kanya. Ang dami pang gustong sabihin eh. Tumango naman siya at tumingin na uli sa harap.

Nahagip ng paningin ko ang kanang kamay niya na nakapatong sa desk. May benda ito. Siguro iyon 'yong binato ko ng coke in can kahapon. Ganun ba kalakas ang pagkakabato ko at kailangan niyang lagyan ng benda?

Teka! Am I feeling guilty? No way in hell. Bagay lang yan sa kanya. It was his fault naman talaga in the first place. Kung hindi niya sana ako kinaladkad ng ganon kahapon, hindi sana mangyayari sa kanya 'yan.

Hmp!

Tama! I shouldn't be guilty.

Tumingin na uli ako sa harap at nakinig sa mga sinasabi ni mam.

After ng klase ay dumeretso kami ni Diel sa canteen. Doon namin balak mag-usap tungkol doon sa research paper at kung ano ang magiging topic namin.

"Ah.. Bili muna tayo ng pagkain. Ano bang gusto mo?" Tanong niya sakin habang nakatayo sa harap ko.

"Fries and pasta tsaka coke." Sabi ko lang. Tumango naman siya at pumunta na sa counter para um-order. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bag at tiningnan kung may text. May dalwang message

Text message from Janella:

Sabay tayong maglunch. Hindi na tayo nakakapaglunch na dalawa. :3

Reply to Janella:

Andito na ko sa canteen.

At another text.

Text message from Migs:

Hindi kita masasamahan pauwi mamaya. May pinuntahan lang kami. I'm sorry. I'll see you tomorrow.


Hindi ko na siya nereplyan. Okay lang naman kasi dala ko naman ang motor ko.

"Here." Ipinatong ko sa may gilid ang phone ko tsaka kinuha iyong fries at pasta ko kay Diel.

"Thanks." Sabi ko at tsaka kinuha narin mula sa kanya ang coke.

Umupo siya sa harap ko at inayos ang pagakain niya. Napataas naman ang kilay ko nong mapansin kung ang dami niyang biniling pagkain. Ang baboy niyang kumain. Tsk. Mauubos niya ba 'yan.

"Oh? Ba't ganyan ka makatingin?" Hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sakin. Tumikhim ako at umayos ng upo. Hinalo-halo ko iyong pasta. "Kung iniisip mo na ako lang ang kakain nito, nagkakamali ka. Nakisuyo kasi sakin si Janella na ako na bumili ng pagkain niya kasi may nakalimutan paraw siya sa room nila."

"Tss." Hindi ko naman tinanong. Ang daldal talaga.

Tahimik akong kumain kong pasta ko. Maya-maya ay sumulpot si Janella sa may side ko. "Hey Ells." Bati niya sakin.

Sobrang lapad ng ngiti niya kaya nginitian ko rin siya. "Namiss kita. Sobrang busy ko kasi lately. Alam mo na, malapit na ang quarter exam. Maraming mga kailangang ipasa at taposin. *sigh* Buti ka pa, parang wala ka naman masyadong ginagawa."

"Actually... Gagawa kami ng research paper ngayon." Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sakin tapos kay Diel naman.

"Kayo ni Jasper?" Tumango ako. "Buti ang sa inyo by partner, samin, individual. Kainis nga eh." Nagsimula siyang kumain sa burger niya.

Nagsimula narin akong kainin ang pasta ko at ganon din si Diel sa binili niyang pagakain.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na agad si Janella na aalis papuntang lib para taposin ang research paper niya.

Nag brain storming naman kami nitong naiwang kasama ko kung ano ang magiging topic namin at nong nagkasundo kami na yong naisip niya ang gawin namin, sinuggest ko narin na siya na ang gumawa ng first section, lahat.

"Bakit ako lang? Partner nga diba para dalawa tayong gagawa. Napaka unfair mo naman ata." Reklamo niya may panguso nguso pa akala mo naman ikina cute niya. Pwe

"Ikaw na nga muna kasi. Mas alam mo ang topic kasi ikaw naka isip, tapos sa second chapter tutulong na 'ko. Kaya mo na yan." Pilit ko pa sa kanya. Kalma nga lang ako at hindi nagsusungit masyado para naman umoo na siya. Mukha ba akong naggagawa ng research paper? Hay nako... di maka gets eh.

"Siguradohin mong tutulong ka sa next chapter ah." Nanigurado pa. Tss.

"Oo nga. Kulit."

"Pero..." Tiningnan ko siya ng masama. Ano na naman ang naisip nito? "Ililibre mo 'ko syempre."

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit naman?"

"Kasi nga gagawa ako mag-isa ng research paper. Pang libre na nga lang ang matutulong ayaw pa." Masama ang tingin niya sakin at gusto ko siya batukan sa inaasal niya. Napaka arte!

"Oo na! Sige! Bukas libre kita dito ng lunch! Hap--"

Naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita. "Gusto ko sa labas."

"Abat--" Tingnan mo nga naman to! Siya pa ang masusunod?! Siya pa?!

"Oh bakita? Napaka sungit mo talaga. Pasalamat ka gusto kita kaya sige lang." Nanlaki ang mga mata ko don! Nakalimutan ko na nga, ipinaalala na naman niya yong isang gabi sa Forta! Ugh! Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. "Oh namula agad?" Natatawang sabi niya sabay turo sa mukha ko.

Tinampal ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

"Pwede ba tumigil ka nga sa mga kung ano-anong salitang lumalabas diyan sa labi mo! Hindi nakakatuwa!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Bakit ko naman titigilan eh yon ang mga salitang gustong kumawal sa mga... labi ko." Sabi niya sabay kindat sakin. Nanlaki na naman ang mga mata ko! Is this guy flirting at me?! Naramdaman kong nagtayuan ang balhibo ko sa batok at hindi ko mapigilang mapa shake ng katawan (katulad ng pag na-ihi ka pagkatapos ng mahabang pagpipigil).

Ano bang nangyayari sa lalaking to. Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya?!

"Seryoso ako." Times two ang panlalaki ng mata 'ko! Ano nasa mind reading na naman ba tayo?!

"Tumigil kana. Seryoso din ako." Sabi ko naman sa kanya habang pinipigilan ko ang sarili kong mag-isip ng kung ano-ano.

"Lahat ng sinasabi ko totoo. Promise." Deretso ang tingin niya sa mga mata ko at hindi ko mapigilang mapatitig din sa kanya. Kumabog ang dibdib ko sa kaba kaya tumayo na ako at iniwan siya don. Hindi niya ako tinawag o sinundan. Hindi ko naman ini-expect na susundan o tatawagin niya ko king yan ang iniisip niyo kaya napansin ko yon. Mas okay nga yon eh.

Kung ano-ano ang pinagsasabi ng mukong na yon! As if naman maniniwala ako noh!

----

Akala ko hindi ko hindi ko na matatapos talaga to. Nasira yong phone ko at wala akong iba na pwedeng gamitin kaya nastop muna at hindi na ko uli nagka interes pero nong binasa ko uli, I was like... "Kailangan kong ituloy to! Baka ito na ang sagot sa pangarap ko na maging isang totoong author'

Hahahah! Chos!

Keep reading! ^_^

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon