Chapter 2~ Just another story

2.6K 72 0
                                    

Sierra's POV

Napapikit ako ng mariin at dinama ang hangin sa paligid.Bakit ganon?Kahit nasa payapa akong lugar,hindi ko maramdaman yung kapayapaan?Dahil ba nakita ko si Terrence?

Hindi ko rin maintindihan sarili ko.

Ilang years kong akong nag-hintay at nangarap.Na sana sa oras na magkita kami ni Terrence....babalik uli yung pag-sasamahan namin.Yung nararamdaman ko dati.At yung inaasam-asam kong yakap galing sakanya.

K-kaso iba na eh.N-ni isa wala akong naramdaman.Siguro nasanay lang ako na wala sya?O baka wala na talaga akong nararamdaman sakanya?

*knock knock*

Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon.Bumungad sakin si Clayed.

''Nandito ka lang pala.....'' Sabi nya at niyaka nya ako.

Sana maramdaman ko muli yung yakap ni Terrence.Yung Mahigpit at puno ng pagmamahal.

''Pasensya kana.Nag-papahangin lang ako.''

''Ayos lang.Teka,Kumain kana ba?'' Tanong nya

''Hindi pa.'' Walang gana kong sagot.

''Tamang-tama.Kumakain na sa dining room si Shanice.Sabayan nalang natin.''

Naramdaman ko ang pag-akbay nya sakin.Wala naman akong magagawa.

Dining room.....

Nangigibabaw ang katahimikan.Sanay na ako.Wala namang issues na pwedeng pag-usapan.

''M-mommy....u-hhhm.S-samahan nyo po ako sa StoneHurst.M-may kakausap daw po sakin sabi ni HeadMistress....'' pambabasag ni Shanice sa katahimikan.

''Sige.''

Itinuloy ko na ang pag-kain.

Terrence POV

Nalala ko nanaman si Sierra.Damn it!Alam kong nakita ko sya!Hindi ako namalik-mata.

Pero,akala ko.....naiwan sya sa loob ng cave dati!Impossible----teka.Nalala ko,naiwan din si Clayed! Nakahilata pa sya sa lupa noong makaalis kami.Kaso,paano nakaligtas si Sierra?Imposibleng mag-isa lang sya!Dahil ako mismo nakakita ng pag-bitaw nya kay Shaira.Imposible rin namang tinulungan sya ni Clayed!Hindi na sya humihinga ng makaalis kami!

''Terrence,Nasa labas na si Artifeces Shanice.''

Tumango ako bilang sagot.Inayos ko muna yung gamit ko bago lumabas.

Nag-lalakad ako sa hallway ng mapansin kong may babae na nakatayo sa field.

I-imposible!

''S-sierra!''

Bahagya syang napalingon-----

0_0

S-sya nga!

Bumilis ang tibok ng puso ko!

''S-sierra!''

Wizard's Tale 2:Journey Begins [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon