Chapter 27~ Debut [Last part]

1.1K 28 0
                                    

Author's POV

"Daddy!" Sigaw ni Shanice kay Clayed ng makita nya ito.

Niyakap naman ni Clayed si Shanice.Inabot na rin ni Clayed ang regalo nya.

"Salamat po daddy Clayed, nag-abala pa po kayo." Sabi ni Shanice.

Napangiti naman si Clayed.

"Pwede ba kitang isayaw?" Pag-papaalam ni Clayed.

"Oo naman po." Sagot ni Shanice.

Isinayaw ni Clayed ang anak anakan nyang si Shanice.Habang sumasayaw sila, nagkaka-gulo na ang mga wizards sa likod ng hotel kung saan ginaganap ang kaarawan ni Shanice.

Dumating na ang pinakahihintay nila eclipse.Lumalabas na din ang mga ibang mortal na tao sa hotel para umuwi na.Habang ang mga wizards naman at hindi tumitigil hanggat hindi nakukuha ang kaoangyarihan na taglay ng eclipse na ito.

"Anak, sumama ka na muna sa akin.Umalis muna tayo dito.Baka mapahamak ka." Seryosong sabi ni Clayed kay Shanice.

"Gusto ko pong sumama sainyo daddy Clayed....kaso mas kelangan po nila ako dito.Kaya ko pong protektahan ang sarili ko." Sagot naman ni Shanice.

Huminga ng malalim si Clayed, alam nya na hindi nya naman mapipilit si Shanice.

"Mag-iingat ka.Babalik na din ako sa Heurt palace, sigurado ako na nag-uumpisa na din na magka-gulo doon." Sabi pa ni Clayed.

"Mag-iingat po kayo daddy." Sabi ni Shanice.Niyakap ni Clayed si Shanice bago tuluyang umalis.

Nang tuluyan ng umalis si Clayed, napatingin si Shanice sa langit.Tuluyan na ding naging luntian ang kulay ng mga mata nya.

Pinunit nya ang ibaba ng gown nya para maging isang fitted dress nalang ito.Strapless ito at pa-V cut ang likuran.Pero bago sya tuluyang bumalik sa likod ng hotel, binuksan nya ang regalo ni Clayed.Isa itong kwintas na may kulay pula na bato.Isinuot nya naman ito,pagkatapos ay tuluyan na syang bumalik sa likod ng hotel.

"Damn Sierra! Bumalik kana sa bahay, ayokong mapano yang anak natin na dinadala mo!" Galit na sigaw ni Terrence sa asawa nya.Nagkakasakitan na ang mga wizards, itinabi nya si Sierra sa likuran nya para protektahan ito.

"Pero paano ka? Paano si Shanice?" Pagaalala ni Sierra.

"Ako na ang bahala dito.Hahanapin ko si Shanice.Ihahatid na kita sa labas ng hotel." Seryosong sagot ni Terrence.

Dahan dahan silang naglakad palabas ng hotel.

Nagkakapatayan at nagkakasakitan na ang lahat ng wizards.Hanggat hindi pa rin nakakapili si Shanice, hindi titigil ang eclipse sa pag-laban sa mga wizards.

Nag-lalakad si Karl sa sa gitna para hanapin si Shanice.May isang arrifeces wizard na bumunggo sakanya.

"Y-you're a dark w-wizard!" Gulat nitong sabi.

"I know.So fuck off." Pa-cool na sabi ni Karl at saka sinaksak ito sa tyan.

"Shanice Evans! I've been looking around for you!" Kunwaring galit nyang sabi ng makita nya si Shanice.

"Karl sa likod-----"

Bago pa matapos ni Shanice ang sasabihin nya, nasaksak na ni Karl ang isang artifeces wizard sa likuran nito.

Lalapitan na nya sana si Shanice ngunit napatigil sya ng may humila kay Shanice.Nagalit sya ng malaman na si Luke ito.

"Umuwi na tayo Shanice, masyadong delikado." Rinig nyang sinabi ni Luke kay Shanice.

Lumapit si Karl sa dalawa.

"Fuck off dickhead.Ikaw ang umuwi! Gusto mo pang isama si Shanice, gago kaba!?" Bulyaw ni Karl.

"Sira kaba!? Masyadong delikado dito! Baka mapaano si Shanice!" Depensa ni Luke.

Masyado nang umiinit ang ulo ni Shanice sa lahat ng nangyayari.Madami ng namamatay na inisenteng wizards dahil sa eclipse na yan.Ar alam nyang titigil ito kapag nakapili na sya.

Pumosisyon sya sa gitna ng lugar at sinigurado na naka-focus sakanya ang eclipse.

"Dammit Shanice what the hell are you doing!?" Inis na sigaw ni Karl.

"Shan bumalik ka dito!" Sigaw din ni Luke.

"I'm gonna end this war!" Sigaw nya.

Tinitigan nya ng mabuti ang eclipse.Kuminang ang luntian nyang mata.Umilaw din ang kwintas na suot nya na galing kay Clayed.

Gumamit sya ng isang napaka-lakas na spell upang kausapin ang eclipse gamit ang utak nya.

Napa-pikit sya ng marahan at saka isinigaw sa isip nya ang napili nya.

***

Wizard's Tale 2:Journey Begins [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon