Chapter 21~ Not today

1K 41 0
                                    

Shanice's POV

"..........."

Medyo awkward.Magkasama kaming tatlo ngayon nina Karl at Luke sa cafeteria.Sabat sabay na kaming mag-lulunch dahil sa kagustuha ko.Niyaya kasi ako ni Karl, kaso naaalala ko lagi yung halik nya kanina kaya nahihiya ako.Kaya naman sinama ko si Luke.

"Uhm, so.... payag kaba sa friday? Mag-didinner tayo?" Pagbabasag ni Luke sa katahimikan.

"Uh su---"

"NO."

Napalingon ako kay Karl ng sinabi nyang 'No'.

"Pwede ba, si Shanice ang tinatanong ko at hindi ikaw." -Luke

"So? Nililigawan ko sya.Sakin lang dapat sya sumama."- Karl

Totoo yon.Nung nasa locker room kami, bigla nyang sinabi na " From now on, I'll court you."

"Shanice, pwede rin bang manligaw?"-Luke

" Fuck off dickhead!" - Karl

"Namo.Sabat ka ng sabat di naman ikaw yung kausap!"-Luke

Tumayo na ako.Nag-aaway na sila dahil sakin.Tumalikod na ako at saka nag-lakad palayo.Ngunit may humawak sa braso ko----si  Karl.

"This is for leaving without a permission from me." Pagka-sabi nya non ay bigla nya akong sinunggaban ng halik.Palagi nya nalang akong hinahalikan! Sa pagkaka-alam ko mag-asawa lang ang nag-hahalikan gaya nina Mommy at daddy.Eh hindi naman kami mag-asawa diba!?

"Ahhhh"

Pinag-layo ko ang labi namin.Napatingin ako kay Luke.Nakita ko syang naka-hawak sa may bandang dibdib nya at mukhang sumasama nanaman ang pakiramdam.Lumapit agad ako sakanya.

"Ayos kalang ba Luke? Anong nangyari sayo? " Pag-aalala ko.

"B-biglang sumakit ang dibdib ko eh..." Sagot nya.

Tatayo sya, kaya naman inalalayan ko sya.

"Dadalhin na kita sa clinic" Sabi ko.

Hindi na sya nag-salita.Mukhang nahihirapan talaga sya.

Karl's POV

Pagkatapos pumunta nina Shanice at Luke sa clinic, lumabas din sila agad at hindi nag-tagal.

Nang tuluyan silang maka-alis, dumeretso agad ako sa clinic at hinanap ang tita ko.

"Napadaan ka ata Karl." Bungad nya sakin.

"Anong nangyari kay Luke?" Tanong ko.

Uminom muna sya sa kape nya bago mag-salita uli.

"Gay ng sinabi ko, hindi lang tayo ang wizards sa school na 'to" Seryoso nyang sabi.

Napa-kunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko.

"Mukhang hindi lang ikaw ang nag-iisa na napapanaginipan si Shanice." Naka ngisi nyang sabi.

Mas lalo akong nagtaka.

"Pupunta ako kay Robert." Kalmado kong sabi.

Ipinikit ko ang mata ko, ginamit ko ang kapangyarihan ko.Sa isang iglap, nasa wizard's world na ako, sa palasyo namin.Agad kong pinuntahan ang kwarto ni Robert, sya ang sinasabi kong mahusay na mang-huhula.

"Anong maipag-lilingkod ko sainyo mahal na Prinsepe?" Bungad nya sakin.

"Anong nalalaman mo tungkol kay Luke Perez?" Seryoso kong tanong.

Huminga sya ng malalim.Inikot nya ang kamay nya sa ibabaw ng tubig na nasa harapan nya.

"Parehas kayo ng kaso, napapanaginipan nya din si Shanice." Sabi nya.

"Nasabi ng tita ko na isa syang wizard, totoo ba iyon?" Tanong ko.

"Opo mahal na prinsepe, totoo iyon.Ngunit sa ngayln isa pa syang mortal.Hindi pa ito ang tamang panahon para lumabas ang kapangyarihan nya.Darating din ang tamang panahon at lalabas ito." Sagot nya.

Damn you Luke.

"Ikakamatay nya din ba kapag hindi nya nakatuluyan si Shanice?" Tanong ko.

Huminga uli sya ng malalim

"Opo.Oras na dumating ang eclipse, kailangan ng mamili sainyong dalawa ni Shanice.Isa sainyo ang makakatuluyan nya, at isa sainyo ang mamamatay."

Lahat ng sinabi nya at tumaga sa isip ko.Hindi ko kelangan matakot dahil alam kong ako ang pipiliin ni Shanice.

One more month bago mag ecplise.

***

Vote, vote ang comment :)

Wizard's Tale 2:Journey Begins [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon