Terrence's POV
"Sigurado ka bang dapat natin pag aralin si Shanice?" Pagtataka ni Sierra.
Napag disesyunan kasi namin na dito ipag patuloy ang pag-aaral nya.Para masanay na din sya sa mortal world at sa mga tao.
"Tama na ang desisyon ko Sierra.Hayaan nalang natin syang pumasok.Gusto ko lang naman na masanay sya dito." Sagot ko.
Napag usapan na namin ito bago kami lumipat.Ngayon ang unang araw ni Shanice sa university na pinag aral ko noon.
Wala akong dapat ipag alala dahil ihahatid at susunduin naman sya ni Max.
"Hmmp.Sige na nga." At sa wakas ay sumuko na din sya sa pangungulit.
"Good.Halikana dito at may isang round pako sayo." Naka ngisi kong sabi.
"Waaaah! Huhu mashaket na po balakan ko"
Shanice's POV
Lalalalala~
Pakanta kanta lang ako dito.Kyyaaahh~ I'm so excited na talaga >///< gusto kong matutunan kung pano kumilos o gumamit ng mga kagamitan dito sa mortal world.Tsaka nilagyan ako ng spell ni daddy Terrence.Para daw may knowledge at wisdom ako mamaya.Hihi.
Napaka ganda ng uniporme.Bagay sakin.Hehe.Ang ikli lang ng palda pero pwede na din.
Itinali ko nalang ang buhok ko ng ponytail.Pagka tapos ay kinuha ko na ang bag ko at tinawag kona si Max para makaalis na kami.
***
"Hihintayin kita dito pagkatapos ng klase nyo.Wag kang pupunta kung saan saan.At wag ka din sasama kung kani kanino.Nagkakaintindihan ba tayo?"
Woah -,-
Ang dami nyang sinabi! Masyado na nya akong pino protektahan.
"Opo.Dederetso po ako agad dito." Sabi ko at tumalikod na.Nag umpisa na din akong maglakad.
Ang laki ng lugar na ito! Masmalaki pa sa lugar kung saan ako nag aaral sa Wizard's World.
Pinaalala sakin ni daddy Terrence na huwag na huwag ko daw ipapagkalat o ipaakita na may kapangyarihan ako.Sabi nya oras na may makaalam na may kapangyarihan daw ako, may masama daw na mangyayari.
*Bump*
Huhu~
Ang sakit ng pwet ko! Grabe naman 'tong bumungo sakin----
"Tch.Ang aga aga tatanga tanga." Sabi nung lalaki habang nakatingin sakin.Teka ano uli yun?? Ay oo! Ang angas nya tignan! Mukhang basagulero.
Akala ko tutulungan nya kong tumayo ngunit inirapan nya lang ako at nilagpasan.
Ang sama naman nya! Hmp! Isusumbong ko sya kay daddy eh :(
"Gosh nakita nyo yun?"
"Oo nga eh.Ke-aga aga nilalandi yung asawa ko"
"Asawa ka dyan! Filingera ka masyado!"
"Ang swerte nya at hindi sya pinatulan ng king ko!"
"Hay nako bahala kayo dyan.Malalate na ko."
Bakit kaya sila nalatingin sakin? May dumi ba ko sa mukha? Pero naghilamos naman ako ah.Baka naman naawa sila sakin kasi natumba ako? Hayss..
Pumasok nako sa silid.Napalibot ako ng tingin.Ibang iba talaga ang mga tao dito kumpara sa mga kaklase ko stone hurst.
May naghahalikan.
May nagbabatuhan..
May nag aayos ng mukha.O nag mamake up kung tawagin nila.
May natutulog.
May nagsusuntukan.
May naghahabulan.
Ganto ba talaga ang mga tao dito? Ang iingay nila.
Biglang bumukas ang pinto.Pumasok yung head mistress--- este prof namin.Hanggang ngayon ay nakatayo padin ako.Wala pa kong makita na bakanteng upuan.
Nagsibalikan sila sa kanilang pwesto ng huminto sa harapan ang prof namin.
"You!"
Ha?
"A-ako po?" Sabay turo sa sarili ko.
Biglang nagtawanan ang mga tao sa loob.Bakit? Ano bang sinabi ko?
"Sit over there! Hindi pupwedeng mag damag kang tatayo dyan." Masungit na sabi ng prof namin.
Naglakad ako papalapit sa upuan na itinuro nya---
Oh no!
Sya yung bumangga salin kanina!Mag kaklase kami!
***
BINABASA MO ANG
Wizard's Tale 2:Journey Begins [COMPLETED]
Fantasy!! U N D E R R E V I S I O N !!!! The wizards are back with a new member! ------
![Wizard's Tale 2:Journey Begins [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/42887476-64-k665777.jpg)