Napasinghap ako habang nagpapa-spa sa isang sikat na salon dito sa loob ng mall. Kung di ba naman mapang asar ang tadhana at makikita ko pa sya sa labas ng glass window nitong shop nato at may kasama pang babae.
Magkaakbay silang dalawa at sweet na sweet tingnan. Muka ngang masama si Joshua dahil nakangiti pa sya.
Teka! Paki ko ba?
"Sinong tinitingnan mo?" Tanong ni Shine sakin habang sinisilip sa bintana.
"Wala."
Hindi naman na sya nagtanong kaya, nagcoconcentrate nalang ako sa pagbabasa ng magazine na nahugot ko sa rack kani-kanina lang.
--
"Ayoko, pangit."
"E ito Louise, diba ang cute!"
"Hindi."
Nakasimangot na namang inihagis ni Shine sa kung saan ang mga dress na ipinapakita nya sakin.
"Ano ba ang maganda para sayo?"
Tumingin ako sakanya at patay emosyong sinagot ang tanong nya. "Wala. Lahat ng paninda sa shop na to, pangit."
Pangit naman talaga! Lalo na ang view na nakikita ko ngayon!
Pumipili ng mga damit ang babaeng kasama ni Joshua habang sya naman nakangiting nakaakbay pa sa babaeng yun! Kaya pangit! As in masakit sa paningin!
"Tara na!"
Naglakad na kami paalis ng madaanan namin ang isang sales lady na matalim ang tingin sakin.
Tinaasan ko sya ng isang kilay. " Bakit mo ako tinitingnan ng masama ha?" Mahihimigan ng nagtitimping galit at inis ang boses ko kaya nag iwas sya ng tingin.
Tuluyan na kaming umalis sa shop at lumipat sa iba. Badtrip lang e! Dapat di na ako lumabas ng bahay kanina.
**
"Ouch!" Sigaw ng babaeng natapunan ng kape ng isa sa mga server.
Obvious naman na nasa coffee shop ako ngayon dahil may word na kape diba?
"Sorry miss. I'm sorry!"
"Di okay lang. Mag iingat ka nalang next time."
Tumingin ako sa pyesto ng babaeng yun dahil medyo naintriga ako sa kabaitang pinapakita nya. Aba! Bibihira yun ngayon.
Nakayuko sya habang pinupunasan ang dress nya.
"Sorry po talaga."
Nagtaas sya ng ulo at medyo nagulat ako dahil yun yung babaeng kasama ni Joshua kanina.
Aba! Mabait din pala. Well a, aaminin ko, medyo nakakainsecure ang ganda nya.
"Anong nangyari?" Si Joshua na mukang kagagaling sa restroom.
" Wala, nabuhusan lang ako ng kape."
Tumango sya at saka tumingin sa dereksyon ko.
Nagulat ako dun kaya di ko na magawang maikaila na tinitingnan ko sila kaya sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi nya. Inirapan ko sya saka nagbawi ng tingin.
"Kanina pa kita napapansin Louise. Sino bang nililingon mo?"
"Wala! Namamalikmata ka lang." depensa ko.
Shine just shrug her shoulder and continue sipping her coffee.
"Restroom lang ako."
She nodded.
**
Napako ako sa kinatatayuan ko pagkabukas ko ng pinto ng restroom.
Gosh! What is he doing here outside the girls restroom? Imposible namang may iba syang hinihintay because i know na ako lang tao sa restroom.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceLouise desperately want to move on, so she left her career at New York and went home to the Philippines. Despite her want to be stress free, the tadhana didn't agree. She met Joshua ( happened to be her fiancé) and he made her life upside down. Sh...