CHAPTER SEVENTEEN

49 16 1
                                    

Shine's POV

Palabas na kami ni Louise ng classroom para sa last subject namin. Uwian na naman.

"Mauna na pala ako sayo Shine. Nagtext si daddy. Magdidinner daw kami sa bahay." Paalam ni Louise sakin.

"Okay girl. Take care."

Tumakbo na sya palabas at mag isa nalang akong naglalakad.

"Hello fiancée. Miss me?"

Pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko at mukang ang pale na ng balat ko ngayon at red na red naman ang ulo ko.

Why of all peaple, sa dinami dami ng peaple sa mundong to! Sya pa ang masasalubong ko?! Hindi pa ba sapat ang pagkikita namin kanina?! Oh gosh! Muka syang demonyo! Di kami bagay sa isa't isa!

Umiwas nalang ako ng daraanan at humarang ulit sya. Oh please, wag nyong hahayaang lumabas ang mga sungay ko ngayon dahil kung hindi... hindi ko kakayanin. Maganda pa naman ako.

"Avoiding huh?"

Pinanlisikan ko sya ng mata at tumawa lang sya.

"Oh bakit ganyan ka makatingin? Inlove ka na ba? Okay lang. Di kita masisi. Gwapo talaga ko."

"Narinig mo na ba yung salitang 'liha'?"

"Oo bakit?" at talagang! Tanga na nga mahina pa ang ulo.

"Bumili ka nun! Bagay sa muka mo. Masyaso na ngang makapal. Muka pang magaspang!"

Mabilis akong naglakad papalayo sakanya kaso ramdam ko parin na nakabuntot sya sakin. Naririnig ko parin yung halakhak nya e.-_-

"Mapagbiro ka rin pala. Kakatapos ko lang kayang magpafacial cream kanina."

"Di ako nagbibiro! Umalis ka na nga! Wag mo akong sundan!" Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko para di nya aki maabot.

"Oy teka lang. Di din ako sang ayon sa desisyon ng parent natin."

Humarap ako sakanya. Muka kasing seryoso na sya e.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Alam mo kasi, di man kapansin pansin sakin dahil gwapo ako pero gusto ko talagang magpakasal sa taong magpapatibok ng puso ko." Punong puno ng emosyon nyang sabi.

Pfft! Baduy!

"Oh tapos?"

"Di magdate tayo. Malay mo may chance diba? Kung di magwork out di wala! Ako mismo ang gagawa ng plano para di ka talaga tayo magpakasal. Muka kasing ayaw ka ng pakinggan ng daddy mo e. Ano deal?"

Papayag kaya ako? Wala namang mawawala diba? Sige na nga!

"Okay deal."

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon