Chapter 25: tears

70 6 0
                                    

Mylin's POV

Para na kong baliw kakaiyak. Ewan ko ba kung bakit si Momay ang tinawagan ko instead of Lianne. Ang sakit lang talaga! Gusto ko lang ilabas tong nararamdamn ko.

"Aba sisteret! Wala ka bang balak ikwento yan? Iiyakan mo lang ba ko?",taas kilay na tanong ni Momay.

"Sorry Momay! Ang sakit lang kasi. Gusto ko lang ilabas!",iyak ko dito.

"Naku, naku, naku! Lalaki ba ang iniiyakan mo? Hindi bagay sayo inday! Sayang ang oh so beautiful peslak mo kung iiyak ka dahil sa adan?!",wika ni Momay.

"He is my first love Momay! Ang masakit lang,galit pa rin sya dahil sa desisyon na ginawa ko dati!",depensa ko dito.

"I know how it feels day! Kaya lang kung ayaw na nung guy aba! Wag mong iyakan!",isnab nya. Bakity ba kasi ito pa ang tinawagan ko. Okray lang pala aabutin ko sakanya.

"I think his happy now! Mukhang naka move on na sya!",wika ko sabay pahid ng mga luha na kanina pa tumutulo sa mata ko.

"Oh edi mas maganda yun! Kalimutan mo na sya noh!",sa sinabi nya napahagulgol na naman ako ng iyak. Hindi ko ata kayang isipin na isuko ang pagmamahal ko kay Edward.

"OhmyG, di kita kaya gerl! Witit lang!",sabay kuha ng cellphone nya.

Lianne's POV

"My life is brilliant! My love is pure! I saw an angel of that Im sure."

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa. Hala! San ko kaya naipatong? And then I saw it on the table! Nagiging makakalimutin ako simula nang manligaw si Josh sakin. Hehehe. Ako na ang kinikilig.

"Hello!",sagot ko dito. It's Momay!

"You know what I still wonder why Hello ang sinasabi ng isang tao kapag sumasagot ng celphone! Considering na nakikita naman nila yung name sa screen!",pamalditang tanong ni Momay. Natawa naman ako dito!

"Hehehe. Sorry naman! What's up?",sagot ko sakanya!

"Gorabels ka dito gerl! Crying lady ang bestpren mo oh!",aniya ni Momay.

"Oh what happen?",worried kong tanong. Wag naman sana tungkol kay Edward na yun.

"Basta! Dito na lang gerl! Sayang load ko. Pambigay ko pa to sa mga jowawits ko?",biro pa nya. Lukaret talaga.

"Sige! See you later! Bye!",paalam ko rito. Hay naku. Balak ko pa naman ibalita ky Mylin ang tungkol sa panliligaw sakin ni Joshua. Kaso mukhang in despair ang bestfriend ko.

Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko!

Tootoot tootoot (standard na tunog pag may nagtxt)

1 message recieved

Alvin

"Hi Lianne just wondering kung free ka today. Let's have a snack! :) ".

Naku wrong timing naman ang text ni Alvin I replied naman agag! Alam ko malaki na ang atraso ko sakanya eh. After I send it umalis na agad ako.

Alvin's POV

"Sorry Alvin! Emergency lang! Pramis babawi ako sayo. Take care. :)".

Ganon? Busy sya kapag sakin. Nakakainis lang talaga! Hindi na ko makasingit ng time sakanya samantalang ako ang nauna. Grrr. Nalulungkot talaga ako. I really miss Lianne. Ayaw naman akong tulungan ni Momay! I came up to a plan tuloy na alam kong hindi tama.

And then I noticed a drop of a tear in my eyes. Alam kong hindi pa huli ang lahat pero bakit ganon? Kelangan ko na ba sumuko agad? Alam kong may pag asa pa pero kelangan kong paghirapan yun? And Angel will help me to do this. Kung kinakailangan na maging antagonist ako sa story na to go na ko! Im Alvin Gachalian and Im willing to get what I want!

Momay's POV

Ang mga hitad kong frenlalu ayun may mga heavy problem! Asar much lang! Imbes na nasa bahay lang ako and watching Cristian Marasigan,the hot and yummy actor/model eto ako nakikiramay sa dramatizing of Mylin! Asar Much talaga! So ayun I already called up for Lianne para may back up ako,hahaha. Why ba sad mga people today?

"Mylin tama na ang pagiging drama queen! Hindi bagay eh! Masisira lang nag oh so beautiful fes mo! Sige ka!",wika ko ulit kay Mylin.

"Gusto ko lang ilabas Momay! Bakit ba hindi nya maintindahan yung ginawa ko?",hiyaw ni Mylin.

Sigawan daw ba ko? Oo na sya na ang broken hearted ako na broken feslak hahahaha.

"Aba malay ko? Sino ba yan inday! By the way,do you know na may date si Migs. She called me up! Ex nya yata!",kwento ko kay Mylin para maiba ang pag iisip nya. Si Mylin naman napatingin sakin!

"M-May date sya? E-Ex nya?",tanong nya sakin and after that she cried out loud again! Sige na ako na talga ang gulong gulo! Ano bang nangyayari? Konek konek ba to? Eh anong konek ni Migs kay Mylin! Pwede bang paki explain sakin Ms. Author? Biglang dumating si Lianne at para naman nakakita ng kakampi si Mylin at nagtatakbo kay Lianne. Tinamaan nang magaling!...

***

a/n

Salamt kay Cristian sa pag saling ketket. Bida po sya sa isa kong story. Paki basa na lang din po. Leave comments and vote for it! Paki add na rin po sa RL nyo. Supah thanks.

***

You Change MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon