chapter 16: unrecognized feeling

129 7 0
                                    

Joshua's POV

Nagsasaya na ang mga tao sa paligid and all of a sudden napatingin ako kay Lianne! Masaya silang nagkkwentuhan ni Alvin. Parang may kumurot na kung ano sa puso ko. Lianne was so beautiful, alright, I know it. Pero kaibigan lang ang tingin ko sakanya. Kaibigan lang ba? Hanggang dun lang ba kami pwede? Hay naku ano ba tong pinag iisip ko! Si Mylin ang gusto ko. Nagulat ako nang makita kong halos parehas kami ni Mylin ng tinitingnan.

"Do you think they know each other?", tanong ni Mylin sakin. I looked at her with a question mark on my face. Why all of a sudden parang may insecurities sa mukha nya. Hindi kaya, type ni Mylin si Alvin na yan! Sh*t, bakit ganon? Ngayon lang dumating ang Alvin na to pero nakuha nya ata ang atensyon ng lahat!

"I don't know. Bakit may problema ba, My?", tanong ko dito. Bigla syang namula. Umiwas ng tingin at uminom ng juice. Tumikhim sya at tumingin sakin.

"Josh?? Gusto mo ba ako?", seryosong tanong ni Mylin sakin. Bigla akong naubo sa pagkabigla. Bakit naman biglang natanong sakin ni Mylin yun? Uminom ako ng juice para masagot ko sya kahit papano. 

Tumingin ako kay Mylin. Nakatingin pa din sya sakin at naghihintay ng sagot. Hindi ako nakatagal kaya nagababa ako ng tingin. Huminga ng malalim tapos tumingin ulit ako sakanya.

"Bakit? Gusto mo din ba ako?", lakas loob kong tanong dito. Ewan ko pero nung tinanong ko yun sakanya parang wala naman akong naramdaman. Yumuko si Mylin at uminom ulit ng juice. Maya-maya tumingin sya sakin.

"Hindi ako ang gusto mo Josh!", sagot ni Mylin sabay tingin kay Lianne. Napatingin din ako kay Lianne na tumatawa ng mga oras na yun. Kakwentuhan nya pa rin si Alvin at pinapatawa sya nito. Parang sumikip na naman ang dibdib ko. Biglang tumingin si Mylin sakin.

"Alam kong nasasaktan ka ngayon kasi may ibang kausap si Lianne! Open up, Josh! Wag kang maging duwag sa feelings mo! Wag mong hayaan na biglang mawala ang taong gusto mo. Habang may pag asa ka pa, gawin mo ang tama.", makahulugan at  may diing wika ni Mylin sakin. Ewan ko pero ume-echo sa pandinig ko ang mga sinabi nya.

Maybe she's right! Baka nga may iba akong nararamdaman for Lianne. bigla akong kinalabit ni Migs. Lahat na pala kami nakatingin sa dalawang yun.

"Hey,bro! Look at them! Mukhang close na close agad sila?", ani ni Miguela. Nakisali na din si Momay.

"Iba talaga ang karisma ng pinsan ko. Mukhang mauunahan ka na nya kay Lianne,Josh!", nang aasar nyang sabi. Sa inis ko nilapitan ko yung dalawa.

 "Do you know each other?", tanong ko sa dalawa. Alam kong mukha akong tanga dahil sa gesture ko na yun. Para akong nagseselos na boyfriend pero I can't help it! Naiinis pa ko dahil binubuyo ako ng mga kaibigan namin. Napatingin si Lianne samin. Si Alvin naman nagkamot ng ulo.

"Ah ehh----", ani Lianne.

"Actually pare, ngayon ko lang nakilala si Lianne. Ahm, earlier pala!", natatawang sagot ni Alvin. Nagkatinginan naman kame nila Mylin. Napangiti naman si Lianne. Si Momay nanlalaki ang mata.

"OMG!!!! Couz don't tell me--------", OA na banat ni Momay. Bigla naman syang hinila ni Alvin at tinakpan ang bibig.

"Ahmm,teka lang ha. Nagugutom ata ako. Pahiram muna sa baklang to ah", wika ni Alvin at hinila na palayo si Momay. Kami namang naiwan ay parang naguluhan sa nangyari. Pati si Lianne na nakangiti kanina ay napalitan ng question mark sa mukha.

Alvin's POV

Hinila ko si Momay sa may buffet table. Napatingin samin yung ibang girls at nagpa cute sila sakin. Hehehe,well sa gwapo ko naman bang ito eh sinong hindi mabibihag ko. Pinanlalakihan nya pa rin ako ng mata!

"Ok!!! I knom what your thinking?", banat ko agad sakanya.

"Are you going to explain? Oh hindi na kailangan? Kasi sa tingin ko alam ko na!", sagot nya sakin. Napakamot ako ng ulo. Actually it's one of my gesture. I find myself cute kapag ginagawa ko yun.

"If your thinking na sya yung girl na sinasabi ko sayo kanina na nakilala ko at sinasabi ko na angel ko,well,you are right!",pagtatapat ko sakanya. Lalong lumuwa ang mata ni Momay.

"Adik ka talaga Alvin. Diba may girlfriend ka sa states?",tanong ni Momay.

"Ano ka ba? Wala no! Single na ko!", wika ko dito sabay tawa ng nakakaloko.

"Vin,to tell you the truth,wala pang karanasan sa relasyon si Lianne. Tsaka agad agad type mo? Nagustuhan mo?"

"I don't care! Basta gusto ko sya. And if I needed to court her,gagawin ko. Basta chill ka lang dyan! Ako na bahala sa diskarte. Wag mo na kong pangunahan.", i told him sincerely. Ewan ko ba. Talagang tinamaan ako kay Lianne. She's different kasi.

"Alam ko na maganda si Lianne ngayon. Pero kapag nakita mo ang itsura nya dati,ewan ko lang kung magustuhan mo pa sya.",sagot ni Momay. Nagsalubong naman ang kilay ko.

"Naku,sisiraan mo pa ata sya sakin. Akala ko ba kaibigan mo sya?", tanong ko dito.

"Gaga! Ayun na nga eh. Kaibigan ko sya kaya ayoko syang masaktan. Tsaka pinsan kita kaya ayoko din na masaktan sya. Diba sabe ko sayo kanina may inayusan kami kase sobrang losyang nya. Si Lianne yun! At tska type ni Lianne si Joshua kaya wala ka ng pag-asa", litanya ni Momay.

"Kahit na manang pa sya at losyang,sya na talaga ang gusto ko. Tska may losyang bang ganun kaganda. Tsaka mukha namang walang tama sakanya si Joshua eh. Naririnig ko nga na BF ata tawag nila sa isa't-isa. Meaning magkaibigan lang sila. So,please Momay! Leave it to me. Mamahalin ko ng sobra si Lianne. Trust me!", may finality na sa boses ko. Napabuntong hininga na lang si Momay.

"Hay,bahala ka sa buhay mo. Basta wag mo kong sisihin kapag nasaktan ka o sya! Naku,ewan ko sa inyo", sagot ni Momay sabay walk out. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko kasi ok na ang lahat. I just need to do something para mawala sa landas ko si Joshua. Syempre type pala sya ng Angel ko, kaya kelangan ko makuha ang full atensyon ni Lianne. 

Bumalik na din ako pagka kuha ko ng food,baka isipin nila kung ano lang pinag usapan namin ni Momay. Tumabi agad ako kay Lianne at binigyan nya agad ako ng isang magandang ngiti. Hayyyyyy,feel like im heaven.

And all of a sudden nakita ko na titig na titig sakin yung isa nilang kaibigan. Si Mylin ata yun. Nagbaba agad sya ng tingin nung nalingunan ko sya. Ano kaya problema ng isang yun sakin????

You Change MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon