Sunday Lecture
Title: From Little to Much
Job 8:5-7
"Though your beginning was small, yet your latter end would increase abundantly."
Sa tuwing nagbibigay ang Diyos ng pangako, nagbibigay rin Siya ng pag-asa. Ngunit kadalasan, ang mga pangako ng Diyos ay may kaakibat na prinsipyo o utos na dapat nating sundin. Hindi sapat na malaman lamang natin ang pangako; kailangan din nating matutunang lumakad ayon sa kalooban ng Diyos.
Kung nais nating maranasan ang paglalakbay mula sa "little" patungo sa "much," may tatlong mahalagang bagay tayong dapat matutunan:
1. You Need to Learn to Pray
Ang paglalakbay mula little to much ay nagsisimula sa panalangin.
Marami naman sa atin ang nananalangin, pero bakit hindi lahat ay nakakaranas ng kasaganaan at breakthrough? Isa sa mga dahilan ay dahil ang iba ay hindi talaga humihingi.
Sabi sa James 4:2, "You do not have because you do not ask God."
Hindi problema ang kakayahan ng Diyos na magbigay. Ang problema ay madalas hindi tayo lumalapit at humihingi sa Kanya.
Mas madalas tayong mag-alala kaysa manalangin. Kapag may problema, iniisip natin ito nang paulit-ulit. Pinapasan natin ang bigat na dapat sana ay isinuko na natin sa Panginoon.
Ang oras na ginugugol natin sa pag-aalala ay maaari sanang ginugol sa pananalangin.
Maraming tao ang ginagawang huling option ang prayer. Kapag wala nang magawa, saka lang lalapit sa Diyos. Ngunit sa Biblia, ang prayer ay hindi last resort. Ito dapat ang first response.
Ang iba sa inyo, siguro itatanong ito:
"Alam naman na ng Diyos ang lahat. Alam Niya ang problema ko bago pa ito dumating. Bakit kailangan ko pang sabihin sa Kanya?"
Ang panalangin ay hindi para ipaalam sa Diyos ang ating pangangailangan dahil alam na Niya iyon.
Ang panalangin ay isang pagpapahayag ng ating pagdepende sa Kanya.
Kapag nananalangin tayo, para nating sinasabi:
"Lord, hindi ko kaya mag-isa. Kailangan kita."
Sabi ni Jesus sa John 15:5:
"Apart from Me, you can do nothing."
Ang prayer ay humble acknowledgement na wala tayong magagawa kung wala ang Diyos.
2. You Need to Seek God's Favor Through Faith
May mga taong nananalangin pero hindi naman naniniwala.
Sabi sa James 1:6-7:
"But when you ask, you must believe and not doubt."
Sayang ang panalangin kung pagkatapos mong humingi ay puno ka naman ng pag-aalinlangan.
Ang prayer ay hindi lamang paghingi; ito ay pagpapahayag ng pagtitiwala.
Kapag nanalangin ka, matutong maniwala na ang Diyos ay nakikinig at kumikilos.
Ang pagtanggap ay kadalasang konektado sa paniniwala.
Hindi ibig sabihin na wala ka nang takot. Ang faith ay hindi kawalan ng takot. Ang faith ay pagpili na magtiwala kahit may takot.
Faith is believing that God is good.
Hindi tayo nagtitiwala sa lakas ng ating panalangin. Hindi rin tayo nagtitiwala sa ganda ng ating mga salita. Nagtitiwala tayo sa Diyos na ating pinapanalanginan.
Ang tunay na pananampalataya ay marunong magbitaw.
Matapos manalangin, iniiwan nito ang sitwasyon sa mga kamay ng Diyos.
Nagpapasalamat tayo hindi dahil hawak na natin ang sagot. Nagpapasalamat tayo dahil hawak na ito ng Diyos.
At kahit hindi dumating ang sagot sa paraang inaasahan natin, naniniwala pa rin tayo na ang Diyos ay nakikinig at gumagawa ayon sa Kanyang perpektong kalooban.
3. You Must Live with Purity and Integrity
Hindi lahat ng panalangin ay sinasagot sa paraang gusto natin.
Sabi sa James 4:3:
"When you ask, you do not receive, because you ask with wrong motives."
Hindi lang panalangin ang sinusuri ng Diyos. Sinusuri rin Niya ang puso ng nananalangin.
Kung tayo ay nakapokus sa ating hinihingi, ang Diyos naman ay nakatingin sa dahilan kung bakit natin ito hinihingi.
Ask yourself:
"Bakit ko ba talaga ito gusto?"
"Makakalapit ba ako sa Diyos dahil dito o lalayo?"
Walang obligasyon ang Diyos na ibigay ang lahat ng gusto natin dahil Siya ang Panginoon. Siya ang may ganap na karunungan.
Hindi natin binabago ang isip ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin upang sumunod Siya sa atin.
Sa halip, binabago tayo ng Diyos sa panalangin upang matuto tayong sumunod sa Kanya.
Napakabuti ng Diyos kaya maingat Siya sa mga pagpapalang ibinibigay Niya.
May mga bagay na hindi Niya ibinibigay dahil alam Niyang maaaring makasira ito sa ating karakter o makapaglayo sa atin sa Kanya.
Minsan, ang "No" ng Diyos ay hindi rejection.
Maraming beses, ito ay protection.
Mas concern ang Diyos sa paghubog ng ating karakter kaysa sa pansamantala nating kaginhawahan.
Mas mahalaga sa Kanya na tayo ay nagiging banal kaysa nagiging masaya lamang habang lumalayo sa Kanya.
Kaya magandang panalangin ang:
"Lord, turuan Mo akong gustuhin ang mga bagay na gusto Mo."
Katulad ng panalangin sa Psalm 139:23-24:
"Search me, O God, and know my heart... Lead me in the way everlasting."
Kapag ang ating puso ay nakaayon sa puso ng Diyos, nagiging makapangyarihan ang ating panalangin.
Conclusion
Ang paglalakbay mula little to much ay hindi nagsisimula sa mas malaking oportunidad, mas mataas na sweldo, o mas maraming resources.
Nagsisimula ito sa relasyon sa Diyos.
Matutong manalangin.
Matutong magtiwala.
Matutong mamuhay nang may kalinisan at integridad.
Kapag ang buhay natin ay nakaayon sa Diyos, ang maliit na simula ay kayang gawing dakilang pagtatapos ng Panginoon.
Maliit man ang iyong simula ngayon, huwag mawalan ng pag-asa. Ang Diyos na nagpasimula ng mabuting gawa sa iyong buhay ay Siya ring magdadala nito sa kasaganaan ayon sa Kanyang kalooban.
BINABASA MO ANG
God's Word and Lecture
Non-FictionHighest rating: #1 disclaimer: book cover template not mine. credits to the real owner po. Dear Reader, Before you turn to open this book, pause for a moment and ask yourself: "Am I living a life of purpose? Am I making choices that lead me closer...
