IV. Sudden Punishment

476 36 1
                                    

Luhan's POV

Kaaalis lang nina Baekhyun at Chanyeol. Ewan ko ba sa dalawang yun, mula kaninang umaga magkasama na sila. Sabi naman kasi ni Baek may hininging favor yung isa. Okay lang naman, wala din naman kasing klase ngayong maghapon kasi may meeting daw ang mga prof.

"Bagay sina Chanyeol at Baekhyun noh?" Napatingin ako kay Lay ng sabihin niya yun.

"Taken na kaya si Chanyeol!" Depensa naman ni Xiumin.

"So what? Asawa nga naghihiwalay eh, magsyota pa kaya." Napatingin naman kami sa nagsalitang yun at nakita naming nakangisi si Kris. Tumabi siya sakin at kinuha yung tinidor ko at kinain ang carbonara ko.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya habang inaabot ko yung soda ko sa kanya.

Uminom muna siya bago niya ako sinagot, "Tinanghali ako ng gising. Si Zitao kasi eh, nagpatulong kagabi sa project niya kaya late na kami nakatulog."

Kris is my step-bro. Yap, step-brother ko siya. Anak siya ng asawa ni Mama ngayon. Si Zitao naman ay ka'arrange marriage ni Kris. Mama niya ang may pakana nun kaya wala siyang magawa. Kahit ano kayang gawin ng nanay niya, kapag sinabi kong kahit ano, lahat na yun kahit saktan pa niya ang anak niya gagawin niya makuha lang ang gusto niya.

Mayaman ang pamilya nina Tao at ganun din naman sina Kris pero sadyang gahaman lang ang nanay niya. Mabait si Tao kaya siguro nagkasundo din sila ni Kris. Cold kasi si Kris parang si Seh--. Ah! Erase. Erase.

"Luhan." Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang babae. Lower year ata 'to. "Pinapatawag ka ni Mrs. Suma Langit."

Tumayo naman ako at nagpaalam na sa mga kasama ko. Habang naglalakad ako ay napaisip ako kung may naviolate ba akong rules and regulations dito sa academy para ipatawag ako ni Mrs. Suma Langit. Siya kasi ang Guidance councelor ng school.

Nang nasa tapat na ako ng office niya ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng dalawang beses.

"Come in!" Rinig kong sigaw niya mula sa loob kaya dahan dahan akong pumasok. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya at sa unahan ng table niya ay may dalawang upuan. At parang gusto ko ng umalis at tumakbo ng makita ko yung taong nakaupo sa harapan ni Mrs. Suma Langit. Si Oh Sehun.

"Have a seat, Lu Han." Pero mukhang wala na akong magagawa kaya pumasok na ako at umupo dun sa katapat na upuan ni Sehun. Kay Mrs. Suma Langit lang ako nakatingin pero ramdam na ramdam ko ang titig ni Sehun sakin.

"Pinatawag ko kayong dalawa dahil sa inyong punishment. Few weeks ago ay may nilabag kayong rules ng school. Nung nagkaroon ng away between you, Mr. Lu Han and Ms. Park Min Young and Mr. Oh Se Hun and Mr. Park Min Old, which is Ms. Park Min Young's brother. Ginagawa na ng magkapatid ang punishment nila bago ko kayo ipatawag. At ngayon nga ay ibibigay ko ang punishment niyo. I'm giving you two, until Friday to finish it." Medyo mahabang sabi niya. Napatungo ako dahil sa sinabi niya. Naalala ko na. Yun yung gulong kinasangkutan namin ni Sehun bago kami maghiwalay.

"Ano po bang punishment namin?" Napatingin ulit ako kay Mrs. Suma Langit ng sabihin yun ni Sehun.

"Clean the 3 abandoned room at the last floor of your building. ONE ROOM, ONE DAY. You have 3 days starting today 'til friday. So, I'm suggesting you to start right now 'cause it's already late in the afternoon. Goodluck to the both of you." Sabi niya at tumayo na kami ni Sehun at lumabas na ng office.

Dumiretso na kami sa last floor nitong building namin. Hindi na ginagamit 'tong floor na 'to kaya medyo creepy pero mas nangingibabaw sakin ang pagkailang ko kay Sehun. Ang awkward naman oh.

Binuksan niya yung isang room sa pinakadulo na may nakasulat na, Room#1: Oh Sehun. Lu Han.

Eto na pala yung unang room na lilinisin namin. Pumasok si Sehun at ganun din ako. Medyo madilim kaya pinindot ni Sehun yung switch nung ilaw. Dumiklap diklap pa yung ilaw na parang mapupundi na bago pa umayos ang liwanag. Ang creepy talaga.

Nagtambak ang mga arm chairs at sobrang alikabok. May nakita naman ako malapit sa may binatana na mga panlinis. Lumapit ako dun.

"Nandito yung mga panlinis." Sabi ko kay Sehun kaya napatingin siya sakin. Iba yung way ng tingin niya kaya nagiwas agad ako. Narinig ko naman ang mga yabag niya na papalapit sakin.

"Ilalabas ko na muna yung mga armchair dyan sa tapat ng room para malinis natin ang sahig at mga dingding." Sabi niya at ramdam kong sobrang lapit niya.

"O-Okay. T-tutulungan kita." Mautal utal kong sabi. Naramdaman ko namang lumayo na siya kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Isa isa naming nilabas ang mga armchair at ng mailabas na naming lahat ay tiningnan ko ng buo ang classroom. Sobrang dumi talaga. Pakiramdam ko magkakasipon ako dahil sa sobrang alikabok.

"Luhan." Napako ako sa kinatatayuan ko ng tawagin niya ako. Ang tagal na rin mula nung huli niyang binanggit ang pangalan ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko bago ako humarap sa kanya.

"Hmm?"

Lumapit pa siya sakin at halos marinig ko na ang tibok ng puso ko. "Suotin mo 'to para hindi ka sipunin." Sabi niya habang nilalagyan ako ng mask, yung matatakpan ang ilong at bibig mo.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at alam ko namang hindi niya yun mapapansin dahil may nakatakip na nga sa bibig ko. "Salamat." Bulong ko at tumango lang siya. Meron din pala siyang mask niya at sinuot niya yun.

Alam kong sobrang pula na ng mukha ko. Eh kasi naman yung mask niya may nakasulat na, 루한 ❤️. Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglinis habang hindi ko mapigilan ang pagngiti ng labi ko.

Naglilinis lang kami ng tahimik. Nagpupunas ako ng dingding at pinunasan ko naman yung salamin na nakakapit sa dingding at halos lumabas ang puso ko sa rib cage ko dahil sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

Yung mask na sinuot sakin ni Sehun kanina, may nakaprint na
훈❤️한.

---To be Continued---

✒️ |On-hold| Behind Those Words [EXO HunHan] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon