V. Thunderstorm

476 37 3
                                    

Luhan's POV

Kanina pa kami naglilinis ni Sehun dito sa room at wala pa kami sa kalahati ng nalilinis kasi sobrang dumi talaga.

"Luhan?" Napatingin ako kay Sehun ng tawagin niya ako. Wala na yung mask sa mukha niya. Napalunok ako ng sunod sunod. Nasabi ko na bang nagtanggal ng polo si Sehun kanina? Kaya nakasando na lang siya at kitang kita ko ang biceps niya.

"Bibili lang ako sa cafeteria ng merienda natin ha?" Sabi niya habang nagsusuot ng polo niya. Tumango naman ako at nagiwas na ng tingin. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara nito. Tiningnan ko naman kung nakalabas na si Sehun at nang masiguro ko na wala siya ay tinanggal ko ang mask ko at huminga ng malalim.

Namiss ko yung ganito. Yung malapit lang sakin si Sehun, though may kulang yung pagiging clingy niya at pagiging sweet niya nung kami pa pero pakiramdam ko ngayon, may care pa rin siya sakin. Mahal pa kaya niya ako? Haynaku, Luhan. May Kyungsoo na siya.

Napatakip ako ng tenga ko ng biglang kumulog at kumidlat. Shit na malagkit naman oh. Napatingin ako sa bintana at nakita kong medyo makulimlim na sa labas mukhang uulan pa. Kumulog na naman kaya napapikit na ako at napaupo sa sahig. Natatakot na ako.

"S-Sehun.. B-Bumalik ka na p-please..." Bulong ko habang nakatakip yung dalawa kong kamay sa tenga ko habang nakapikit pa rin ako ng mariin at nakaupo. Sobrang takot ako sa kulog at kidlat.

Unti unti nang nagbabagsakan ang mga luha ko. Kumulog na naman ng napakalakas kaya lalo akong nakaramdam ng takot. Mama! Ayoko na dito!

"LUHAN!" Napamulat ako ng mata at napatingin sa pinto ng may sumigaw ng pangalan ko. Nakita ko si Sehun na hinihingal. Agad naman niyang pinatong sa isang tabi yung hawak niyang plastic bag at lumapit sakin.

"Shhh~" bulong niya habang yakap yakap ako. Sumiksik naman ako sa dibdib niya at yumakap sa kanya ng mahigpit at hindi ko na napigilan ang paghikbi ko.

"S-Sese.. N-Natatakot ako."

-
Sehun's POV

Naglalakad ako papuntang cafeteria para bumili ng merienda namin ni Luhan. Napangiti ako ng maalala ko si Luhan. Tatlong araw kaming magkakasama dahil sa punishment na 'to. Hindi ko alam kung dapat nga ba akong matuwa o ano pero mas pinili ko na lang na maging masaya kasi masosolo ko siya.

Habang naglalakad ako sa corridor ay napansin kong makulimlim pala ang langit. Mukhang uulan pa ata ah.

Nang marating ko ang cafeteria ay nagorder kaagad ako ng carbonara at bottled soda na paborito ni Luhan. Ganun na rin lang binili ko. Pagkalabas ko ng cafeteria ay biglang kumulog at kumidlat. Medyo nagulat pa ako kasi sakto yun sa paglabas ko. Naglakad na ako ng maalala ko si Luhan.

"Shit!" Halos pabulong kong mura at tumakbo na ako papunta sa abondoned rooms. Takot si Luhan sa kulog at kidlat. May nabangga pa akong mga estudyante pero hindi ko na nagawang pansinin sila dahil si Luhan lang talaga ang nasa isip ko.

Nang makarating ako sa tapat ng room na nililinis namin ay agad kong binuksan ang pinto.

"LUHAN!" Nakita ko si Luhan na nakaupo habang ang dalawang kamay niya ay nasa tenga niya at umiiyak siya. Agad ko namang pinatong sa isang tabi yung hawak kong plastic bag at lumapit sa kanya.

"Shhh~" bulong ko habang yakap yakap ko siya. Sumiksik naman siya sa dibdib ko at yumakap siya sakin ng mahigpit at narinig ko na lang ang paghikbi niya.

"S-Sese.. N-Natatakot ako." Bulong niya habang umiiyak pa rin.

"Don't be. Nandito lang ako, hindi kita iiwan." Mas lalong humigpit ang yakap niya.

Alam kong wala sa lugar pero kinikilig ako. Hindi pa rin nagbabago yung epekto niya sakin. Yun bang ambilis ng tibok ng puso ko kapag nandyan siya, kapag nakikita ko siya. Yung kapag ang sweet niya. At kapag yakap niya ako parang sobrang komportable ko at kapag hinahalikan niya ako o kaya ako yung humahalik sa kanya parang nakakalimutan ko ang nangyayari sa paligid ko na parang kami lang ang tao sa mundo. At kapag tinatawag niya akong Sese. Napangiti ako ng wala sa oras.

--
Kanina pa tumigil ang pagkulog at pagkidlat pero umuulan pa rin. Nakain na namin tung carbonara na binili ko at tinuloy na namin ang paglilinis. Patapos na kami, dalawang armchairs na lang at tapos na namin ang room na 'to na linisin.

Nang matapos na namin ay pinuwesto na namin yung dalawang armcahirs at tiningnan ang room.

"Natapos din sa wakas." Sabi ni Luhan. Lumapit naman ako sa bag ko at kinuha yung tumblr ko dun at isang bimpo. Lumapit ako kay Luhan at inabot sa kanya yun.

"Inumin mo yan saka gamitin mo na muna yang bimpo ko." Sabi ko habang inaabot sa kanya pero nakatingin lang siya sa tumblr at bimpo.

Nagiwas siya ng tingin at lumapit dun sa bag niya. "Huwag na. Okay lang ako."

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay niya. Nilagay ko kanang kamay niya yung tumblr at sa kaliwa naman niya yung bimpo. "Malinis naman yang tubig ko. Hindi ko pa yan naiinuman saka yang bimpo hindi ko pa nagagamit."

Nakita ko naman na kinagat niya yung ibabang labi niya. Mannerism na niya yun kapag nahihiya, kinikilig o kapag naiilang siya, ang kagatin niya yung lower lip niya. "Huwag ka nang mahiya. Para namang wala tayong pinagsamahan eh." Sabi ko habang nakangiti at lumapit na ulit ako dun sa bag ko at kinuha yung isa ko pang bimpo. Nagpunas ako ng pawis ko at tingnan ko ulit si Luhan. Nakita ko namag ininom na niya yung tubig at ginamit na yung bimpo habang... nagba'blush?

--
Pababa na kami ng building at ngayon lang namin nalaman na 6:30pm na pala. Wala ng mga estudyante kasi kanina pang 5:00pm ang labasan. Nagmadali na kaming bumaba.

Nang nasa first floor na kami ay halos murahin ko na kung may makikita man akong ibang tao ngayon dito pero dahil si Luhan nga ang kasama ko ay hindi ko na lang ginawa.

May gate kasi 'tong first floor bago ka makapunta dun sa may guard house at sa parking nitong school at ngayon nga ay nakalock na 'to. Ibig sabihin ay wala ng tao. Okay naman kasi yung security ng school at malayo yung kwarto ni Manong guard dito at kahit magsisigaw kami ay hindi kami maririnig.

"Paano na 'to? Baka mag'alala sina Kris at Xiumin sakin." Bulong ni Luhan sa tabi ko pero narinig ko naman. Medyo naulan pa.

"Tara na muna maghanap ng bukas na room tapos tawagan mo na lang sila para hindi na sila mag'alala." Tumango naman siya at naghanap na kami ng room. May nakita kaming room sa 3rd floor, room niya 'to kaya dito na kami nagstay.

"Low batt na ang phone ko. Kainis." Sabi ni Luhan at agad ko namang inabot sa kanya. Kinuha naman niya yun at nagdial siya.

"Hello? Xiumin? Si Luhan 'to." si Xiumin na naman. Napabuntong hininga na lang ako at pinakinggan si Luhan.

"Natrap kami dito sa school ni Sehun pero okay naman kami eh."

"..."

"Huwag na. Naulan din, baka kung mapano ka pa. Pakisabi na lang kay Kris-hyung ha? Mas saulado ko kasi ang number mo kesa sa kanya."

"..."

"Osige. Bye." Nagseselos talaga ako kay Xiumin. Ano ba niya si Luhan? May relasyon ba sila?

Lumapit ako kay Luhan na ikinagulat niya. Halata yun kasi lumaki yung mga mata niya. Cute.

Nilapit ko pa ang mukha sa kanya na halos mahalikan ko na siya.

"Sabihin mo sakin, Luhan. Ano mo ba talaga si Xiumin?"

---To be Continued---

✒️ |On-hold| Behind Those Words [EXO HunHan] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon