X. Issue

430 31 1
                                    

Luhan's POV

Medyo tinanghali ako ng pasok dahil napuyat ako sa kaiisip sa mga sinabi ni Jinyoung kagabi.

"Lulu.. Babawiin kita. Tandaan mo yan. Akin ka lang. AKIN. KA. LANG."

Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan ko ang tulong nina Baekhyun. Sila lang ang makakatulong at makakapagprotekta sakin.

"Talaga, girl? Magkasama sila ni Baekhyun kagabi?"

"Oo. Madaling araw na kaya yun. Siguro kaya nagbreak sila kasi si Baekhyun na ang gusto."

"Masasaktan siya kapag nalaman niya yun."

Ilan lang yan sa narinig kong bulong bulungan ng mga estudyante dito.

Si Baekhyun? Ano namang kinalaman niya?

Pumasok kaagad ako sa room pero hindi ko nakita si Baekhyun maging si Lay.

Kaya naman lumabas ulit ako ng room pagkatapos kong ilagay ang bag ko sa upuan ko.

Si Baekhyun ang hot topic ng mga tao dito. Ano bang ginawa niya?

"Oo. Nasa bulletin board pa yung news about kay na Baekhyun. Mukhang totoo nga." Rinig kong sabi nung isa kaya naman umakyat ako papunta sa mga bulletin board pero nakasalubong ko si Baekhyun at Lay pababa ng hagdan.

"Lay! Baek! Anong meron? Hot topic ka Baek ah?" Nagkatinginan naman sila ni Lay.

"A-Ah. W-Wala yun. Masyado lang daw akong dyosa kaya ganun. Sige na, tara na sa room." Pag'aaya ni Baekhyun at agad naman nila akong hinila ni Lay papuntang room.

Ano bang nangyayari sa dalawang 'to? Alam kong may tinatago sila sakin.

Pagkapasok ng room ay nagbulung'bulungan ulit ang mga kaklase namin.

"Paano niya nagawang mansulot? Grabe siya." Bulong nung isa pero rinig naman namin. Pagkaupo namin ay nakayuko lang si Baekhyun.

Gusto ko siyang tanungin kung ano ba talagang nangyayari pero dahil sa kinikilos niya alam kong wala pa siyang balak sabihin yun kaya ako ang gagawa ng paraan para malaman yun.

Tumayo ako kaya napatingin sakin si Lay at Baekhyun.

"Magccr lang ako. Biglang sumakit ang tiyan ko, Shit." Sabi ko with matching 'natataeng-mukha'.

Dali dali akong lumabas ng room para mas effective ang acting ko na kunwari lalabas na talaga sa puwit ko. Kadiri ka, Luhan. Alam mo yun? Tss.

Nang medyo makalayo na ako ay agad akong umakyat kung nasaan ang bulletin board.

Iniscan ko yun at may nakita akong isang napalaking announcement.

————————————————
HOT TOPIC OF THE DAY
—————————————————

*insert photo here [based on last chpter kung saan hinatid ni Sehun si Baekhyun. Still remember?]*

After the SeSoo [Sehun x Kyungsoo] dating issue last week which Oh Sehun confirmed that there's nothing between the two of them that they're just friends, there's a student who saw Byun Baekhyun and Oh Sehun last night in front of a hotel.

"Nakita ko kagabi si Baekhyun at Sehun na magkasama. Actually, madaling araw na yun. Nakita ko sila sa tapat ng isang hotel... Masaya silang dalawa, nagtatawanan pa nga sila eh..." -student.

Byun Baekhyun known as a bestfriend of Luhan which is Sehun's former ex-lover.

Is it the end of their friendship?

Or it's just a malicious story?
—————————————————

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.

Kung matatawa ba ako dahil sa grammar ng writer ng article.

Kung maiinis ba ako dahil issue na naman.

Kung masasaktan ba ako dahil sa kaibigan ko 'to eh.

O kung maniniwala ba ako.

Kaya ba 'tong gawin sakin ni Baekhyun? Akala ko ba si Chanyeol ang gusto niya? O sinabi niya lang yun kasi alam niyang mahal ko si Sehun?

-
Nandito kaming dalawa ni Baekhyun sa cafeteria dahil lunch na. Si Lay kasi may inaasikaso.

"Luhan? Okay ka lang ba? Kanina ka pa walang kibo dyan? Masakit pa ang tiyan mo?" Napatingin ako kay Baekhyun ng sabihin niya yan. Kita ko sa mga mata niya na nag'aalala siya pero may parte sakin ang ayaw maniwala sa pinapakita niya.

"Okay lang ako." Walang gana kong sabi sa kanya.

"Luhan..." Pagtawag ni Baekhyun sakin kaya tumingin ako sa kanya. Ang daming emosyon sa mga mata niya. "I'm sorry." Sabi niya at tumayo na't lumabas ng cafeteria.

Bakit siya nagsosorry? Para ba 'to dun sa issue nila ni Sehun? Ibig sabihin... totoo yun?

Unti unting humahapdi ang mga mata ko. Naiiyak ako. Paano niya nagawa sakin 'to?

"Gusto mo bang makasiguro na mahal ka niyang si Sehun?" Tanong ni Baekhyun na tinanguan ko naman.

"Gawin mo yung ginawa ni Umin-hyung. Makipagbreak ka kay Sehun. Tingnan natin kung anong gagawin niya."

Bigalang sumagi sa isip ko yung araw na yun, yung pinagawa sakin ni Baekhyun na makipagbreak ako kay Sehun.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

Maybe, since then, niloloko na nila ako.

---To be Continued---

✒️ |On-hold| Behind Those Words [EXO HunHan] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon