II. Oh Se Hun

479 41 6
                                    

Sehun's POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria, kasama ko sina Kyungsoo, Kai at Chanyeol.

"Babe, ubusin mo na nga yang pagkain mo." Sabi ni Chanyeol kay Kai.

"Nawalan na nga ako ng gana. Nandyan ka kasi." Masungit na sabi naman ni Kai. Natawa na lang kami ni Kyungsoo sa dalawang abno na 'to.

Magiisang taon na silang magsyota. Magiisang taon na silang ganyan. At magiisang taon ko na ring nakikita sa mga mata ni Chanyeol ang sakit.

Sa totoo lang, naawa na ako kay Chanyeol pero wala naman akong magawa. Matigas ang ulo niyan, saka sobrang mahal lang talaga niya si Kai kaya tumagal siya sa ganan nilang set up. Lagi niyang pinapakita sa lahat na masaya siya pero hindi niya ako maloloko. Magkaibigan na kami since elementary kaya kilala ko na siya.

Ayokong ikwento ang lovestory-kuno nila. Sa susunod na mga chapters baka maisipan ni MsWanaBae na isingit yun. Hintayin niyo na lang.

Napatingin ako sa table nina Luhan at nakita ko si Xiumin na nasa tabi niya. Hayan na naman sila. Nakaside view si Luhan sa pwesto ko kaya nakita ko ang pagngiti niya kay Xiumin. Nakakainis.

Padabog akong tumayo kaya napatingin sakin ang tatlo pero hindi ko sila pinansin. Nagsimula na akong maglakad.

"Sehun!" Pagtawag sakin ni Chanyeol pero kay Luhan lang ako nakatingin. Napalingon din siya kung nasaan ako. Nagtama ang mga mata namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pero agad din akong nagiwas ng tingin at lumabas ng cafeteria.

Dumiretso ako sa roof deck ng school. Pumwesto ako sa usual spot ko. Isang sulok na tama lang na makakilos ako, walang makakapansin sakin dito.

Kinuha ko ang headset ko, nilagay ko 'to sa tenga ko at nagpatutog mula sa cellphone ko.

Ilang linggo na rin mula nung makipagbreak sakin si Luhan. Masakit. Sobra. Mahal na mahal ko siya pero iniwan din niya ako. Nung gabing nakipaghiwalay siya para gumuho yung mundo ko.

Akala ko kami na hanggang huli. Akala ko siya na yung para sakin. Akala ko hindi niya ako iiwan. Akala ko lang pala yun.

Hinayaan kong magbagsakan ang mga luha ko tutal naman walang makakakita sakin dito.

Ilang minuto pa akong nanatili dito sa roof deck bago ko maisipang umalis. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko.

Lumabas ako sa sulok na pinagupuan ko. Nakarinig ako ng munting mga yabag kaya sumilip ako kung may ibang tao dito at nakita ko si Xiumin na nakaakbay kay Luhan.

Wala na talagang pagasa ang samin ni Luhan. Wala na kaming pagasa. Hanggang dito na nga lang siguro.

Buti pa siya nakamove on samantalang ako, nakakulong pa rin sa nakaraan namin.

---
Naglalakad ako sa hallway ng biglang may umakbay sakin.

"You need to see this." May halong kaba sa boses ni Chanyeol ng iabot niya sakin ang isang flyer. Kinuha ko ito at napataas ang kilay ko sa nabasa ko.

SPECIAL ANNOUNCEMENT.

[Confirmed]

OH SEHUN [Member of Dancing Machine Duo] and DO KYUNGSOO [Member of Singing Club] are exclusively DATING.

*insert photo here*

Ginusot ko yung papel at binato sa isang basurahan at nagshoot naman.

"Dude, kalat na kalat na yan sa buong campus. Kahit saan may nakadikit na ganyan." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

"TANGINA! OH SEHUN!" Napatingin kami sa likod dahil sa sigaw ni Kyungsoo. Tumakbo siya papalapit samin at napansin ko kaagad ang mga papel na hawak niya. "Ano 'to?! Walanghiya talaga ang naggawa nito! Oh Sehun! Tulungan mo kong alisin lahat ng flyers. Baka makita pa 'to ni Luhan!" Natigilan kaming tatlo dahil sa sinabi niya.

Ako na ang unang bumasag sa katahimikang namamagitan saming tatlo.

"Sunugin niyo na yan." Sabi ko at naglakad na. Tinanggal ko ang mga flyers na nadaan ko hanggang sa makarating ako sa locker area. Hinagis ko lang sa loob nun ang bag ko at nagtanggal na ulit ako.

Hindi ko namalayan na nandito na ako sa mga bulletin. Marami rami na rin akong hawak na papel.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko kung sino ang nasa tapat ng bulletin board. Si Luhan.

Humarap siya sa direksyon kung nasaan ako at napatingin siya sa mga papel na hawak ko.

Nakita kong may bumagsak na luha mula sa mga mata niya. Gusto kong punasan ang mga luha niya, ayokong makita siyang ganyan. Lalapit pa sana ako sa kanya pero umatras siya.

Pinunasan niya ang mga luha niya bago ngumiti ng pilit. Tumango tango siya at binalik niya ang tingin niya sa bulletin.

"Bagay kayo.. Atleast ngayon, napansin ka na ng crush mo di ba. I'm happy for you." Sabi niya at binalik ang tingin sakin.

Naiinis ako sa sinabi niya. At the same time, naiinis ako dahil sa sinabi ko, "T-Thankyou..." Halos pabulong kong sabi. Lumapit naman siya sakin at tinapik ako sa braso bago umalis. Nilagpasan na niya ako at narinig ko pa ang paghikbi niya.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Luhan, ano ba talaga? Bakit ganyan ka? Bakit mo pinapakitang apektado ka at the same time, wala kang pakialam sakin? Bakit ka umiiyak? Bakit masaya ka para sakin?

Ang gulo mo Luhan. Pero kahit ganun. Mahal na mahal pa rin kita.

---To be Continued---

✒️ |On-hold| Behind Those Words [EXO HunHan] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon