I. Lu Han

712 49 6
                                    

Luhan's POV

Seeing him happy with someone else and knowing that he doesn't care about me anymore breaks my heart into pieces.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Tatlong linggo na ang nakakalipas mula nung break up namin at hanggang ngayon, sobrang sakit pa rin.

FLASHBACK

I'm here at the park where our love story begun. I'm waiting for him. I want to say something. I just want to test him.

"Babe~" Rinig kong tawag niya sakin kaya lumingon ako sa kanya. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.

He kissed me on the lips but I didn't respond. He cupped my face and looked me in the eyes.

"Hey.. Is there any problem?" Puno ng pag aalala yung mga mata niya at maging ang boses niya.

"Let's end this, Sehun." Pinilit kong huwag magcrack ang boses ko.

"You've got to be kidding me?!" Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya sa mukha ko at unti unti bumaba yun.

"I'm not. I'm not happy anymore. Hindi na ako masaya sayo." Nakatingin ako sa mga mata niya habang sinasabi ko yun.

Akala ko tatanungin niya ko kung bakit. Kung anong nagawa niya, na babawi siya. Akala ko magmamakaawa siyang huwag ko siyang iwan pero mali ako.

Tumango tango siya, "Okay. Sorry kung hindi pa ako sapat." Sabi niya at iniwan na niya ako dun.

Hindi man lang niya ako pinaglaban. Hindi niya ba talaga ako minahal? Hindi na ba niya ako mahal? Ganun lang yun para sa kanya?

Isa isang nagbagsakan ang mga luha ko. Masakit. Sobrang sakit.

Sina Baekhyun ang nagsuggest sakin nito, na ibreak ko si Sehun at kung mahal niya talaga ako hindi niya ako papakawalan. But he did. He just let me go. In just a snap, nawalang lahat.

At mismong sa park na 'to rin, natapos ang lahat.

END OF FLASHBACK

"Luhan.. Sorry talaga." Sabi ni Baek na katapat ko at katabi naman niya si Lay. Mga bestfriends ko.

"Wala ka namang dapat ikasorry eh. Ano ka ba?" Sabi ko habang natatawa.

"Kasalanan namin 'to eh. Dapat hindi namin pinagawa yun sayo." Sabi naman ni Lay.

Hinawakan ko ang kamay nilang nasa lamesa at ngumiti ng pilit.

"Oo nga't hindi ako okay ngayon pero alam kong dadating ako dun. Saka, atleast di ba, natest ko siya, nalaman ko na hindi naman pala niya talaga ako mahal." Sabi ko habang nakatingin kay Sehun na katawanan sina Kyungsoo, Chanyeol at Kai.

Pumatak na naman ang mga luha ko. Buti pa siya nakamove on na. Napansin na siya ng long time crush niyang si Kyungsoo. Balita na kasi sa buong campus na nagdedate na sila.

Naramdaman kong may tumabi sakin kaya napalingon ako sa kabilang side ko. Nakita ko si Xiumin na may pag aalala sa mga mata.

Ngumiti ako sa kanya. Pinigilan ko ang mga luha ko. Ayoko ng mag alala pa sila.

"Sehun!" Rinig kong tawag ni Chanyeol kay Sehun kaya napatingin ako. Nakita kong nakatingin sakin si Sehun. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pero agad din siyang nagiwas ng tingin at lumabas ng cafeteria.

Napabuntong hininga na lang ako. Wala na talaga. Ano pa bang aasahan ko? Siguro hindi talaga siya ang para sakin.

Naramdaman ko ang paghawak sakin ni Xiumin sa wrist ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Pahiram muna ha?" Sabi niya kay na Baek na tinanguan naman nila.

Kinuha ni Xiumin ang gamit ko at hinila ako palabas ng cafeteria.

"Saan tayo?" Tanong ko sa kanya habang hila hila pa rin ako. Hindi siya sumagot.

Umakyat kami ng hagdanan hanggang sa makarating kami sa roof deck ng school.

Binitawan na niya ako at umupo na siya sa sahig kaya tumabi ako sa kanya. Humaharap siya sakin at tiningnan ako sa mata.

"Ilabas mo na yan. Alam kong madami kang kinikimkim na ayaw mo lang sabihin kasi ayaw mong mag alala ang mga bestfriend mo, pinsan mo ko kaya makikinig ako." Sabi niya. Umiling ako kasi ayokong mag alala din siya. "After mong masabi sakin, dapat maging okay ka na para hindi na mag alala sina Baek." Napatitig ako sandali sa kanya bago huminga ng malalim.

"Ang sakit pa rin... Bakit ikaw.. Bakit naging successful yung sa inyo ni Chen... Bakit si Chen, pinaglaban ka, nagmakaawa siya... Samantalang si Sehun.. hinayaan niya lang ako... Hindi ba talaga para sakin si Sehun?" Sabi ko at hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

Agad akong niyakap ni Xiumin kaya lalo akong naiyak.

Sehun... Mahal na mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na.

-
Lumipas pa ang ilang linggo at lalo lang bumibigat yung nararamdaman ko.

Naglalakad ako sa hallway ng mapadaan ako sa isang bulletin board. I checked it, looking for some important announcement.

Pero sana nagtanong na lang ako kay na Baek.

SPECIAL ANNOUNCEMENT.

[Confirmed]

OH SEHUN [Member of Dancing Machine Duo] and DO KYUNGSOO [Member of Singing Club] are exclusively DATING.

*insert photo here*

Nakatitig lang ako sa picture nilang dalawa. Ang saya nila, ang saya niya. Ang sweet pa. Napangiti ako ng mapait.

"Congrats, Sehun." Bulong ko habang pinipigilan kong magbagsakan ang mga luha ko.

Inalis ko ang tingin ko dun pero sa pagharap ko sa kaliwa ko ay nakita ko si Sehun, may hawak siyang mga papel at napansin kong yun yung mga flyers tungkol sa pagdedate nila ni Kyungsoo. Siya pala ang naglalagay, ang nagpapakalat.

Nagpatakan na ng tuluyan ang mga luha ko. Parang nagpanic pa siya ng makita akong umiiyak. Lalapit pa sana siya sakin pero umatras ako ng konti.

Pinunasan ko ang mga luha ko bago ako ngumiti ng pilit. Tumango tango ako at binalik ang tingin sa flyer nila sa bulletin.

"Bagay kayo.. Atleast ngayon, napansin ka na ng crush mo di ba. I'm happy for you." Sabi ko at binalik ang tingin sa kanya.

"T-Thankyou..." Halos pabulong na niyang sabi. Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa braso bago ako umalis. Nilagpasan ko siya at hindi ko na napigilan ang paghikbi ko.

Alam mo yung masakit? Hindi yung sorry galing sa taong mahal mo kundi yung thankyou niya na parang wala siyang pakialam sa nararamdaman mo.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo ng may naramdaman akong may humawak sa braso ko. Hinarap niya ako sa kanya at niyakap ako.

Amoy pa lang niya, alam ko na kung sino siya. Lalo akong naiyak kaya niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din siya.

"Kris..."

---To be Continued---

After 1234567890 years naupdate ko na 'to. Hahaha!

VOTE. COMMENT. Thanks. :*

✒️ |On-hold| Behind Those Words [EXO HunHan] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon