VII. Last Day

442 30 3
                                    

Luhan's POV

Last day na ng punishment namin. Nung bumalik kami ng school kahapon pinilit naming hindi kami mapansin ng ibang estudyante. Though, mahirap talaga kasi walang klase kahapon hanggang ngayon pero required pa ring pumasok ang mga estudyante.

Si Sehun? Kahapon, sobra siya magcare sakin. Minsan naiisip ko na baka mahal pa niya ako, na mahalaga pa rin ako sa kanya, na isang araw maririnig ko ulit yung sweet words niya, yung i love you niya, yung sweet gestures niya. Pero alam kong malabo na yun dahil sa nasasaksihan ko ngayon.

Si Sehun at Kyungsoo, ang saya lang nilang tingnan. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pamumula ng pisngi ni Sehun, yung ngiti niya na pati mata niya ngumingiti din. Yung pagtusok tusok ni Kyungsoo sa tagiliran ni Sehun.

"Alam nang masakit, tinititigan pa." Napalingon ako sa tabi ko ng may biglang magsalita. Nakita ko si Kris na nakasandal sa pader habang nakacross arms at nakatingin sakin.

"Bagay sila noh? Ang saya nila tingnan." Sabi ko at tiningnan ulit sina Sehun at Kyungsoo na ngayon ay kasama na si Kai.

"Oo. Bagay talaga sila kaya magmove on ka na." Sabi ni Kris kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi man lang siya nag'anlingan na sabihin yun. "What? Just answering you." Pagtatanggol pa niya sa sarili niya.

"Whatever." Sabi ko at naglakad na. Madadaanan ko sila kasi yung pwesto nila ay malapit sa hagdanan. Huminga ako nang malalim at tumungo para kunwari hindi ko alam na nandun sila.

Palampas na ako sa kanila ng tinawag ako ni Sehun. "Luhan!" Napatigil ako at lumingon ako sa pwesto nila. "Sehun.. a-ah, goodmorning, K-Kyungsoo at K-Kai.." Nag'aalinlangan kong sabi.

"Papunta ka na ba sa taas?" Tanong sakin ni Sehun kaya tumango naman ako. "Sabay na ako."

Pero bago pa siya makalapit sakin ay may binulong pa si Kyungsoo sa kanya kaya nag'iwas ako ng tingin.

"Tss. Ewan ko sayo. Sige na. Bye. Bahala na kayong dalawa. Si Yeol, hanapin niyo baka kung saan saan na yun nagsususuot." Rinig ko pang sabi ni Sehun.

"Tara na?" Napatingin ako kay Sehun, nasa tabi ko na pala siya. Tumango naman ako at nagsimula na kaming umakyat. Tahimik lang kami ng biglang tumunog ang cellphone ko.

*ringgg ringgg ringgg

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong number lang ang nakalagay. Pinatay ko ang tawag. Hindi talaga ako sumasagot kapag unregistered yung number.

Nang makarating kami sa last floor ng building ay agad naming binuksan yung last room na lilinisin namin. Hindi ito kasing dumi nung dalawang naunang room kaya pakiramdam ko maaga kaming matatapos.

Tumunog ulit ang cellphone ko at yung unregistered number na naman.

"Hello?!" Inis kong sinagot yung tawag at naglakad ako papunta dun sa isang sulok at nilagay ko ang bag ko.

"Easy there. Hahaha. Relax, Lulu~" sagot nung sa kabilang linya. Para naman akong napako dahil sa tinawag niya sakin. Lulu. Isang tao lang ang tumatawag sakin ng ganun.

"J-Jinyeong?"

"I miss you, Lulu~" hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.

Ang bangungot ko, bumalik na.

-
Sehun's POV

Kanina pa parang lutang si Luhan. Nagsimula lang yan kanina ng may kinausap siya sa phone niya. After that, ayan na tulala na siya na para bang pinagbagsakan rin siya ng langit at lupa. I want to talk to him pero mukhang iniiwasan niya ako, kaya hinayaan ko na lang siya.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa paglilinis para matapos kami kaagad.

After few more hours ay natapos na kami!

"Finally!" Sigaw ko at napaupo ako sa pagod.

Nag'ayos na kami ng gamit namin at ng sarili namin. Pumunta kami sa guidance office para iinform si Mrs. Suma Langit.

I knocked three times.

"Come in!" Sigaw mula sa loob kaya pumasok na kami ni Luhan.

"Mr. Oh Sehun and Mr. Luhan? What's the matter?"

Umupo naman muna kami sa tapat niya bago sumagot. "Natapos na po naming linisin yung three abandoned rooms."

Madami pang sinabi si Mr. Suma Langit pero hindi ko na inintindi dahil nakatingin lang ako kay Luhan na nakayuko. Ang lalim talaga ng iniisip niya.

-
"Luhan? Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Luhan. Nandito kami ngayon sa cafeteria, kumakain.

Hindi siya sumagot at mukha hindi rin niya ako narinig.

"Luhan!" Sigaw ko at mukha namang natauhan siya.

"H-Ha? Bakit?" Aligagang tanong niya.

"Sabi ko, kumain ka na. Sayang yung pagkain na binili ko kung tititigan mo lang." Tumango naman siya at kumain na.

"Luhan..."

"Hmm?"

"May.. problema ba? Kanina ka pa kasing tulala?" Medyo nag aalinlangan kong tanong.

"W-Wala." Alam kong nagsisinungaling siya pero hindi ko na siya pinilit pang sabihin sakin ang totoo. Napaisip ako,

Do I have still the right?

---To be Continued---

✒️ |On-hold| Behind Those Words [EXO HunHan] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon