XV. HUN.HAN

144 5 1
                                    

Third Person's POV

"Luhan?" Pagtawag ni Sehun kay Luhan. Sila na lang dalawa ang nasa kwarto.

Pero hindi siya pinansin ni Luhan. Nahahalata naman ni Sehun na iniiwasan siya nito.

"Luhan, kausapin mo naman ako oh." May halong pagmamakaawa ang boses ni Sehun. Wala siyang pakialam kung maging desperado man siya basta para kay Luhan handa siyang magmukhang tanga.

"S-Sorry, pero gusto ko na kasing magpahinga." Sabi ni Luhan at umayos na ng higa. Tumalikod siya kung nasaan si Sehun para hindi niya makita ng binata dahil sa oras na tumingin siya sa mga mata nito ay siguradong hindi na niya kakayanin pa ang ginagawa niyang pag-iwas.

Natatakot si Luhan sa pwede nilang mapag-usapan. Ayaw niyang marinig mula sa binata na pinandidirihan na siya nito.

Walang nagawa si Sehun kaya pinatay na lamang niya ang ilaw at tinira na lamang niyang bukas na ilaw ay sa may pintuan ng kwarto para makatulog ng maayos si Luhan.

Umupo naman si Sehun sa upuan sa nakaharap sa binatana at binuksan niya ang kanyang laptop. May lamesang nakadikit sa may dingding sa kung nasaan si Sehun.

Ilang oras na rin siyang naglalaro ng biglang magvibrate ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at nakita niyang nagtext si Suho.

Dinala si Jinyoung sa rehab. Nagpositive kasi siya drug test niya at sinusuri din siya kung dapat bang sa mental siya dalhin, mukhang wala daw sa tamang pag-iisip si Jinyoung.

Napahinga ng malalim si Sehun dahil sa nabasa siya. Galit siya kay Jinyoung. Galit na galit siya dito dahil sa ginawa niya kay Luhan.

Lumingon si Sehun kung saan nakahiga si Luhan. Tumayo siya at lumapit sa binatang mahimbing na natutulog.

Hinaplos niya ang buhok ni Luhan at tinitigan ito.

"Magiging okay din ang lahat." Bulong ni Sehun at hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Luhan.

Bumalik sa pagkakaupo si Sehun at humarap ulit sa laptop niya. Tumunog ulit ang cellphone niya at nakita niyang tumatawag si Chanyeol.

"Napatawag ka?" Bungad agad ni Sehun pagkasagot niya ng tawag. Naiisip ni Sehun na baka may problema na naman si Chanyeol at alam niyang tungkol kay Baekhyun o kay Jongin yun.

"Videocall tayo! dali!" para namang bata na sumunod si Sehun at ng makita na niya ang mukha ng bestfriend niya sa screen ng cellphone niya ay napairap na lamang siya.

"Kamusta na si Luhan?" Tanong ni Chanyeol. Napataas ang kilay ni Sehun dahil hindi naman tatawag ng hating gabi si Chanyeol para lang kamustahin si Luhan. Ang ibig niyang sabihin ay pwede namang magtext na lamang ito, hindi naman kailangan na mag-videocall pa sila. Pero sinagot pa rin niya ang kaibigan niya.

"Okay naman siya. Katulad nga ng sabi ng doctor kanina pwede naman na siyang makalabas bukas." Sagot niya.

Tumango-tango naman si Chanyeol bago magsalita. "Eh kayo? Kamusta?"

Napaiwas ng tingin si Sehun at napalunok at hindi yun nakaligtas sa paningin ni Chanyeol.

"Give him some more time." Napatingin si Sehun sa screen ng cellphone niya at nakita niya si Baekhyun sa tabi ng bestfriend niya. Hindi nagsalita si Sehun kaya nagsalita ulit si Baekhyun. "S-Sorry." Bulong ni Baekhyun habang nakayuko pero narinig pa rin ni Sehun.

"For what?" Halata ang inis ni Sehun sa tono ng boses niya. Alam na niya ang dahilan ng pakikipagbreak sa kanya noon ni Luhan. Dahil yun sa kalokohan na naisip ni Baekhyun.

"F-For making things complicated and for making the two of you suffer." Maluha luhang sabi ni Baekhyun.

Bumuntong hininga si Sehun, "I am mad." Napatingin si Chanyeol at Baekhyun kay Sehun, "I am mad at myself, and I'm a little upset to you. Bakit kailangan mo pang ipagawa yun kay Luhan? Hindi ko naman siya liligawan ng two years for nothing." Sabi pa ni Sehun. Hindi siya galit kay Baekhyun o kahit kanino, galit siya sa sarili niya dahil hindi siya lumaban para sa kanila ni Luhan but you can't blame him, he was hurt that time.

Nakita ni Sehun na napakagat ng labi si Baekhyun pero hindi nun napigilan ang pagiyak nito kaya inalo siya ni Chanyeol.

"Baekhyun..." Mahinahon na pagtawag ni Sehun. Tumingin naman si Baekhyun kay Sehun. "Thank you. Thank you for always being with Luhan and for my bestfriend, Chanyeol." Ngumiti si Sehun, totoo namang hindi siya galit kay Baekhyun. Oo, nagpapasalamat siya dito kasi masaya na ang bestfriend niya.

"Kailangan lang ni Luhan ngayon ng oras. Alam kong iniisip niya na pandidirihan mo na siya." Sabi ni Baekhyun.

Umiling si Sehun bago magsalita, "Kahit kailan hinding hindi ko siya pandidirihan. Mahal na mahal ko si Luhan."

After ng ilan pang kwentuhan ay napagpasyahan na nilang magpahinga. Pinatay ni Sehun ang kanyang cellphone.

Lumingon si Sehun sa kama ni Luhan at ganun na lang ang gulat niya ng makita si Luhan na nakaupo sa kama nito't umiiyak habang nakatingin din sa kanya.

Agad namang tumayo si Sehun at lumapit sa binata.

"L-Luhan. Are you alright? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Sehun.

Tumango lamang si Luhan habang lumalandas pa rin sa kanyang pisngi ang kanyang mga luha.

"Saan masakit? Tatawag lang ako ng doctor?" Kinakabahan si Sehun. Natatakot siya sa pwedeng mangyari kay Luhan pero hindi pa siya nakakahakbang ay hinila na ni Luhan ang kanyang kamay kaya napatingin siya sa binata.

Hinila ng marahan ni Luhan ang kamay ni Sehun papalapit sa kanya. Naguguluhan man si Sehun ay lumapit siya kay Luhan.

Bigla siyang niyakap ni Luhan. Ang mga kamay nito ay nasa bewang niya lamang at ang mukha nito ay nasa may tiyan niya.

Parang napako si Sehun sa kinatatayuan niya, at kasabay noon ay para rin siyang nasa alapaap.

---To Be Continued---

✒️ |On-hold| Behind Those Words [EXO HunHan] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon